Chapter 3: Climate Change

247 34 11
                                    

Belle's POV:

*wakes up*

Pag-kadilat ko may nakita agad akong liwanag. Hindi liwanag ng langit kung hindi ang liwanag ng ilaw sa Clinic. Tumingin ako sa gilid, nakita ko si Mina na parang binagyo ang buhok.

"Salamat! At nagising ka na rin!" masayang sinabi ni Mina na may kasamang palakpak.

"Ano ba nangyari?" tanong ko sa kanya, dahil wala talaga akong matandaan after the Quiz Bee

"Wala ka bang na-aalala?" 

"Uhm.. na-aalala ko lang, eh yung nanalo na si James. Tapos parang bigla nalang nagdilim."

"Friend, nung hinimatay ka, bigla kang binuhat ni James at tinakbo papunta dito sa clinic. Yung mukha niya, yung parang talagang alalang-alala siya sa'yo. May gusto ba sa'yo yun?"

"Tangeks! Wala!" sinabi ko habang iniisip kong mabuti kung ano talaga ang nangyari, pero wala eh. Bakit naman ako bubuhatin at i-tatakbo ni James dito? Eh! Simula Elementary, wala namang pake 'yun sa akin eh.

"Siguro ikaw ang may gusto kay Jame.." na-udlot na sinabi ni Mina

"Belle! Kamusta ka na?" biglang pasok ni James sa kwarto sa clinic.

"Belle, uwi na ako ha! Anong oras na rin eh. Hinintay lang talaga kitang magising. Bye Belle, Bye James" sabi ni Mina na may kasamang superwide na smile.

Nang pagka-alis ni Mina, tiningnan ko na 'yung oras. 6;00pm na pala. 

"Belle, hatid na kita. Baka mapano ka pa" sabi ni James na super bait.

Nakakapagtaka

"Thanks, pero naghihintay kasi yung driv.."

"Umalis na kanina eh. Kaya ako na lang maghahatid sa'yo."

"Ah. Sige James. Thanks"

Nang sinubukan kong tumayo, inalalayan ako ni James kasi nahihilo-hilo parin naman din ako. Sabay tanong, "Kaya mo ba?". Tumungo na lang ako sakanya.

Inalalayan niya ako hanggang makarating kami sa parking area ng academy. Wala na nga yung driver ko, yung kotseng silver na lang ang natitira doon, yun siguro yung kayla James. 

"Ayun na yung sasakyan" sabay turo ni James dun sa silver kotse. "Kuya, pakibuksan na po yung pintuan."

Binuksan nung driver ni James yung pintuan, tapos inalalayan ako ni James papasok ng kotse, tapos sumakay na rin siya.

"Sir. James saan po tayo?" Tanong nung driver

"Belle saan ka ba nakatira?" tanong sa akin ni James

"Uhm. Katabing Village ng village niyo." sagot ko na parang takang-taka parin ako dahil nagiging mabait sa akin si James.

You + Me= Syntax ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon