Chapter 7: An Unexpected Double Date? Part 2

171 22 2
                                    

James' POV:

"Ano ginagawa niyo ditong dalawa?" sabay sabay kaming apat

Bigla naman kinuha ni Jeremy yung braso ko at hinila sa isang dulo! Hinila naman ni Mina si Belle sa kabilang dulo. Tinapik ni Jeremy yung pisngi ko dahil nakita niya nakatingin parin ako kina Mina at Belle

"Hoy! Pre, ANO GINAGAWA NIYO DITO!?" tanong ni James na nung una ay kalmado, biglang naging pasigaw

"yan din dapat ang itanong ko sainyo!" sagot ko na medyo iniiwasan yung tanong niya

"NamiliLangKamiNgSuppliesNiMinaParaSaTripBukas.KayoNaman?AnoGinagawaNiyoNiBelleDito?ItoBaYungSinasabiMongImportanteMongGagawinAh!?AkalaKoBaMag-iimpakeKangDamit?" tuloy-tuloy natanong ni Je, kaya 'yan tuloy hinihingal, naubusan ng hininga! 

"WHAT!!!!?" bigla kaming napatigil, at tumingin kay Mina, dahil sa biglang sigaw niya! Ano kaya sinabi ni Belle? Sinabi niya kaya na niyaya ko siya mag-date? So, alam na ni Mina. Speaking of Mina...

"Bakit ka ba nagaglit? May na-iistorbo ba kami? Duma-da-moves ka na ba kay Mina?" pa-iwas kong sagot sa tanong niya

"Anong duma-damoves? Wala! Sagutin mo nga yung tanong ko!?" naiinis na tanong ni Je. Pero di niya pwedeng malaman na niyaya ko si Belle mag date. Actually, kasalanan niya 'to eh. Kung hindi niya ako pinaalis kahapon, edi di ko kailangan bumawi kay Belle! Baka naman sabihin ni Mina kay Jeremy, ngayon na alam na ni Mina. Sinabi ba kaya ni Belle?

"Kung di ka duma-da-moves anong ginagawa niyo dito?"iniiwasan ko parin yung tanong niya, kaya sinasagot ko na lang din ng tanong.

"Nag-meryenda lang kami ni Jeremy!" biglang singit na sagot ni Mina. Di ko napansin na tapos na pala silang mag-usap ni Belle. Parang ang saya ni Mina ah! Di naman ma-ipinta yung mukha ni Belle.  Alam na kaya ni Mina? Sasabihin niya siguro kay Jeremy. Alam ko na ang da best idea para di ko intindihin ang mga ito

"Baket di na lang tayo magsama-sama?" tanong ko sakanilang tatlo

Belle's POV:

Bigla naman akong hinila ni Mina at hinila naman ni Jeremy si James. Grabe, ang sakit ah! Maka-hila sa braso ko wagas! Ang tulis pa ng kuko, bumaon sa balat ko! 

"Ano ginagawa niyo dito ni James?" bigla-biglaang tanong ni Mina. Grabe! Yun talaga tanong niya? Baket may ginagawa ba kaming masama? May nakakalaswa ba sa ginagawa namin? Mag-co-coffee lang naman! Pwede naman yung ay 'Baket mo kasama si James?'! Siya nga kasama niya si Jeremy eh! I'm not a liar, so I'm gonna tell the truth

"Bumabawi lang si James sa akin dah--" naputol kong sagot ng biglang nagtanong na naman ulit siya.

"At Baket!!? Saan siya bumabawi? Akala ko ba busy ka ngayon? Eto ba ang kina-bi-bisihan mo? ratratratarat na tanong ni Mina sa akin na parang Machine Gun.

"Kase kahapon sinamahan ko si James mag-mall, tapos iniwan niya ako" sabi ko skanya ng malumanay. Buti naman at di na siya sumingit ng isa pang tanong. Siguro tatanong niya kung baket ko siya kasama kahapon...

You + Me= Syntax ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon