Chapter 9: On The Way to Baguio! And Meeting HIM

176 16 4
                                    

James' POV: 

*KRING* *KRING*

ANO BA YUN!!!!? Kakatulog ko pa lang ah! Anong oras na ba? 4:30 pa lang naman ng madaling araw!!! Ba't ba to mag-aalarm ng ganitong oras?.....

Ayyyyyyyyyyyyyyy!! Oo nga pala... Tungunu... Kapagod. Late na kase ako natulog kagabi kakabasa ng text.. Di ko naman sila ni-replyan eh, basta nag-tweet lang ako na sabi ko "Sa lahat po nang nagtatanong, Opo, kami na po ni @BelleV" pagkatapos nun ay di ko na naalala dahil plakda ako sa kama dahil nga sa pagod at mga nangyare kahapon.

*BEEP* *BEEP*

From: Belle

Baby ko, gising ka na ba? Goodmorning! Baka ma-late ka sa bahay nina Mina ah! Sige baby ko, I Love You

WHAT?!?!?!?!?!?!?!?!!? Nawala yung antok ko dahil sa text niya. Ewan ko kung nanloloko lang siya, pero di ako magsisinungaling ah, kinilig ako. Hahaha. Ewan ko. Pero di ko... Di ko madescribe yung feeling... Ito ba yung feeling na in-love ka???? WTF!! Inlove ako? 

TOTOHANAN NA BA 'TO!!?? 

Yan lang ang iniisip ko habang naliligo at ngayong tapos na ako magbihis. Baket ganun yung feelings ko, di ko ma-explain. Inamin at pinagsigawan ko pa sa twitter at halos lahat ng estudyante sa Academy at nag-RT at nag-FAV.

"Yaya!!" sigaw ko habang nakatayo sa salamin at nag-aayos ng buhok

*knock* *knock*

"Bukas 'yan!!" sigaw ko ulit at biglang bumukas ang pinto at pumasok si yaya

"Ano po 'yon sir James?" tanong niya sa akin

"Pakisabe sa driver na ihanda na yung kotse at paki-lagay na 'tong maleta ko sa kotse" utos ko sakanya at pagkatapos ay dinala niya na yung maleta palabas ng kwarto ko

*BEEP* *BEEP*

From: Mina

James! Nasan ka na? Anong oras na oh! Paki-bilis na lang po SIR JAMES!!

Aba! 4:30 pa lang naman nung nagising ako ah! Nang tiningnan ko ulit yung relo ko, ay 5:15 na. Ang bilis naman ng oras, wala eh may tumatakbo kase sa isipan ko eh. Kilala niyo na naman siguro yun noh! Naguguluhan nga ako eh

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba, bigla namang gulat ko na andun pala si mommy.

"Nathan, aalis ka na pala! Kailan balik niyo?" tanong sa akin ni mommy

"Aalis na po kame galing sa Baguio ng Saturday Night at andito na po kame ng madaling araw ng Sunday."

"Ah! Sige mag-ingat ka anak! I love you!"

"Sige po, pakisabi na lang kay daddy na umalis na ako!" grabe may i love you pa! 14 na po ako! Sa isang tao ko lang gusto marinig yan! Hahahaha. Ewan ko!! Ang gulo ng isip ko at puso ko promise.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You + Me= Syntax ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon