Chapter 8: An Unexpected Double Date Part 3

143 15 2
                                    

James' POV:

"OMG! Like a Double Date!!" Sigaw ni Mina..

Ano daw!? Double Date? So Sila na ni Jeremy! Naks! Jeremy Nice One! Pero.... pano niya nalaman, malamang sinabi ni Belle na niyaya ko siya mag-date.. Nakanang... 

"Halika na, nood tayo ng sine!" yaya ni Mina na sobrang excited. Si Jeremy di makapaniwala sa narinig niya! Si Belle, poker.. Alam niya sigurong lagot siya sa akin noh.

"Sige mauna na kayo ni Jeremy, bumili na kayo ng tickets! Ano ba yung papanoorin?" tanong ko bigla sa kanila

"The Fault in Our Stars na lang" sabi ni Mina at excited dahil nabasa na daw niya yung libro. Ako din naman eh, actually lahat kami, dahil nagkaroon kami ng isang group assignment diyan sa libro. Gumawa daw ng isang reflection. Syempre 93 si Belle at ako ay 91 lang. Okay lang di ko naman forte ang subject na English

"Sige! Bumili na kayo ng tickets ni Jeremy! Baka mahuli pa kayo! Text niyo na lang kami kung ano ang showing time at kung anong cinema, para dun na lang tayo magkita. Kami muna ni Belle ang magsama at kayo na lang dalawa ang magsama." sabi ko sakanila dahil ko kailangan makausap ng masinsinan si Belle, tungkol dito sa nalaman ni Mina. 

"Oh! Sure!" kinikilig na sabi ni Mina at niyaya niya na si Jeremy at lumabas na sila ng coffee shop. Sinundan ko kung saan sila pumunta, para alam ko na umalis na talaga sila. Umupo kami sa inuupuan nila Mina and Je kanina. 

"Paano niya nalaman?" agad-agad kong tanong sa kanya pagka-upong pagka-upo

"Uhm, malamang sinabi ko.." pilosopong sagot niya. Aba aba siya pa nagagalit. tsk tsk

"eh! Baket mo sinabi?" confused kong tanong sakanya

"Kinakahiya mo ba ako baby ko?" pa sweet niyang tanong

"Hindi naman.. pero kase" di ko alam sasabihin ko

"Uhm! Wag na yun ang problemahin mo! May mas malaki pa tayong problema!" huh? meron pa! Mas malake pa dun?

"Huh? Ano naman yun" tanong ko na parang ayaw ko na lang malaman

"Kase... wag kang magagalit ah!" Patay! Ano kaya ginawa nito?

"Ano yun?" kabado kong tanong

"Kase, ganito yun tinanong ako ni Mina kung ano ginagawa nating ditong dalawa..." kwento niya

"tapos..."

"Sinabi ko na bumabawi ka dahil sa nangyari kahapon na iniwan mo ako dito..."

"tapos!!!???" napalakas kong tanong

"bigla kong naalala na sinamahan niyo ako ni Jeremy para bumili ng regalo niya... eh pag sinabi ko yun wala nang surprise diba! So sinabi ko...."

You + Me= Syntax ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon