Chapter 1: The Bet

482 40 14
                                    

THIRD PERSON'S POV:

Ngayon ay sophomore year nina James at Belle. Sila ang dalawang hindi mo pwedeng pagsamahin sa isang kwarto, dahil sigurado may rambol na mangyayari. 

Nagsimula na ang sophomore year nila, palagi naman sila magkakalase kasi nga parehas silang top ng batch nila. Wala pang nangyareng nung June, July at August at wala pang WWW III SO FAR. Pero ngayong September ng school year nila ay may school event na pwedeng magpabago sa lahat..

James' POV:

"Pre, nag-aral ka na ba para sa Quiz Bee sa Science? Diba kasali ka dun? Laro ka lang ng laro diyan! Pag ikaw nawala sa pagiging Top 2 baka pagsisihan mo ha!" sabi ni Je habang gumagawa siya ng assignment at habang naglalaro naman ako ng Xbox

Di ko masyadong narinig, pero nung narinig ko yung "Quiz Bee" at "Kasali ka" may bigla na lang akong naalala at natigil ko yung paglalaro.

"Ay! Oo nga pala! Bukas na yung Quiz Bee sa Science! Tss, kailangan kong manalo sa Quiz Bee, para mataasan ko si Belle sa Science!"

Dali Dali ko naman kinuha yung libro ko sa Science, habang si Je ay busy ginagawa yung assignment niya.

"Pre, alis na ako ah! Pinapauwi na ako" sabi ni Je.

Pero di ko na masyadong pinansin, tumango na lang ako sakanya, dahil nga super busy ako sa pag-aaral sa Science.

*After 30 minutes*

"Hay! Kapagod naman! Ok na 'yan Stock Knowledge na lang 'yan! Maglalaro na lang ako!"

Oo nga pala di pa pala ako nagpapakilala. Ako si James Nathan Angeles, ang top 2 sa batch namin sa Bridggit Academy. Well, katulad ng sabi sa Prologue, mayaman ako matalino gwapo.. lahat yan may check. Isa lang naman ang lamang ni Belle, eh may check yung mabait niya.. Okay lang yun.. May mga kaibigan naman ako katulad ni Je. Sige maglalaro muna ako, tapos na naman ako mag-aral eh.. Take Note: Matalino, Gwapo, Mayaman.. Kaya ikaw baka ma-inlove ka sa akin ah!

Nang aabutin ko na yung control sa table, may nakita akong heart shaped na pulang papel sa inupuan ni Jeremy kanina. Dahil nga 10:00 pm na at may pasok pa bukas, dinala ko na lang yung papel at binasa ko sa kwarto ko.

"Sino kaya 'tong pino-pormahan ni Je" sabi ko habang binubuksan ko yung papel.

Sinimulan ko na yung pagbabasa nung letter.

"Dear Mina," bigla akong napatigil, pinopormahan ni Jeremy si Mina? Si Mina na bestfriend ni Belle. Tinuloy ko na lang yung pagbabasa.

"Dear Mina, Hi! Uhm.. Happy Birthday nga pala. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko sa'yo. Alam naman natin na mag-mortal na kaaway ang bestfriend natin, pero gusto ko lang sabihin na... Happy Birthday ulit. -Jeremy"

Hay! Confirmed na nga na Torpe 'tong bestfriend ko. Birthday nga pala ni Mina next week, so andun si Belle. Ay! Bakit ko ba iniisip yung babaeng 'yun! Matulog na lang ako.

You + Me= Syntax ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon