A Night with Luhan.

391 2 3
                                    

10:00 na ng gabi ng umakyat ako papunta sa kwarto ko para matulog.

"Goodnight nanay tulog kana baka mapaginipan mo si JongIn YIIEEEE Nanay lakas makathrowback." sabi ko kay nanay tas kinilig naman. Nanay ko baliw na talaga parang bata. Ano ba kasi nangyare sa kanila ni JongIn bakit di naging sila? Baka nandiri si Jongin ng malaman nyang narape si nanay ng isang rapist. Tsk.

"Ikaw talaga anak sige na matulog ka na aasikasuhin ko lang tong paper works na pinauwi sakin ng boss ko" sabi nya at umakyat na ako. Nilock ko na ang pinto at nagulat ako ng todo bukas ang bintana sa kwarto ko. Hindi ko nalang sinara dahil pumapasok sa kwarto ko yung malamig na simoy ng hangin galing sa labas (Baka sa loob). Hindi ko na binuksan yung aircon since malamig naman yung kwarto ko wat .-. Humiga na ako sa kama at itinaklob ko na ang kumot sa aking katawan at nagsimula na akong mag-imagine ng kung ano ano. (Di naman byuntae kaya wag kang magalala mga love story ba).

"Ang ganda mo parin maski natutulog ka" biglang may nagsalita. Napadilat ako bigla tas bigla nalang nagsitaasan mga balahibo ko. Dahan dahan akong umupo at lumingon lingon.

"Sino ka? Nasan ka? Magpakita kang multo ka di ako natatakot sayo" Sabi ko habang nanginginig tas yakap yakap ko ng madiin yung kumot. Nakakaiyak naman gusto ko ng sumigaw sa takot.

"Hahahaha nakakatawa ka naman. Ano bang multo sinasabi mo dyan? Buhay pa ako tsaka napagisipan mo na ba yung sinabi ko sayo kanina?" Sabi nanaman nya

"Hala baka panaginip lang to gumising kana Nihan natatakot na ako ayoko managinip ng multo" Sabi ko tas pumikit ako ng madiin at kinukurot yung balat ko baka sakaling magising.

"Huy di ka nananaginip noh. Teka tulungan mo muna ako makapasok sa kwarto mo" Sabi nya

"Ba't kita tutulungan ayoko ng multo sa kwarto ko. " Tas humihikbi na ako. "NANAYYY!!!!" Sigaw ko.

"HUY WAG KANG SUMIGAW SI LUHAN TOH NANDITO AKO SA BINTANA PLEASE DI AKO MULTO NIHAN!" Sigaw din ni Luhan. Napatigil naman ako tas tumayo ako para tignan yung labas ng bintana. Since kapitbahay ko naman si Luhan at konti lang ang layo ng kwarto namin kaya nyang tumawid sa kwarto nya papunta sa kwarto ko actually kase magkatapat ang mga bintana ng kwarto namin kaya ayun.

"Luhan? Nakakainis ka naman eh bake--" 

"Nihan okay kalang? Anong nangyari?" Pasok ni nanay sa kwarto ko. Sinara ko agad yung kurtina at naglakad papunta kay nanay,

"Uh nay kase may...may ibon na nakapasok kaya napasigaw nalang ako bigla pero okay na nay napalabas ko na kaya ikaw rin nanay labas ka na tsaka tulog ka na YIIEEE JONGIN" sabi ko nalang at tinulak sya papalabas

"Goodnight nanay" Sabi ko at bago pa sya makapagsalita sinara ko na ang pintuan. 

"Wooosh" Sabi ko at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Iginilid ko na ang kurtina at nakita si Luhan sa kabila.

"Ano ba kasing ginagawa mo? Grabe tinakot mo naman ako eh" Sabi ko

"Umiyak kaba? HAHAHAHA Seryoso kaba? Di ko akalain na matatakot kita ng ganun lang pssshh" Sabi nya at tumawa nanaman sya.

"Hay nako bwisit ka bye na" Sabi ko at sinara ko na ulit yung kurtina pero hinawi nya iyon.

"Teka lang di kasi ako makatulog eh dyan muna ako sa kwarto mo" Sabi nya

"Ha? Matulog ka na inaantok narin ako eh byeee tsaka salamat sa panggulo" Sabi ko at humiga na ulit. Nakita kong pumapasok na sya sa bintana at tinakluban ko nalang yung muka ko ng kumot at gumilad sa kabilang side. Maya maya naramdaman kong may umupo sa paanan ko.

"ANO BA KA---" Di ko na natuloy ang dapat kong sasabihin ng tinakpan nya yung bibig ko gamit ang mga kamay nya.

"Wag ka ng maingay dito lang ako pagmamasdan nalang kita matulog. " Sabi nya at ako naman napakunot nalang ng noo. Inalis ko ang kamay nya sa bibig ko

He Changed My Life (You | Luhan | Tagalog) [NE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon