Chapter 1

164 1 3
                                    

CHAPTER 1

by: vbdivinagracia

“Swerte mo kung mapagbibigyan,

Ingatan mo ang pag-ibig ng,

Isang kakaibabe, kakaibabe, kakaibabe…

Pag natagpuan, huwag pakawalan, minsan lang

Makahanap ng isang kakaibabe, kaka-“

Pinatay ko ang alarm sa cellphone ko sabay bangon sa kama. Kahit antok na antok pa ako, kelangan kong pumunta sa university ng maaga para magreview for the exams today.

Chineck ko yung schedule ng exams ko ngayong araw na nakadikit sa wall.

8:00 AM yung schedule ng first exam ko in History. Bat ba naman kasi kelangan pang pag-aralan ang History eh past is past na nga diba?! Pero kelangan ko pa din magreview kahit na nakikinig naman ako lagi in class.

Pagtingin ko sa kurtina ng bintana, madilim pa. Safe pa ako kasi di pa sumisikat ang araw.

Dumiretso ako sa banyo para maligo. Pagtingin ko sa salamin…

“AAAAAAHHHH!!”

Napasigaw ako ng malakas kasi tinutubuan nanaman ako ng malaking pimple! Masahol pa kasi nga sa gitna pa ng noo ko nakapwesto. Tinignan ko yung pisngi ko kung may pinagbago ba… Malamang wala! Nandito pa rin yung mga pimple scars ko. Tapos may mga butlig-butlig pa ng newly born pimples.

“Maghehealthy-living na talaga ako promise! Wala ng cup noodles lagi for dinner at wala ng kakain ng peanut butter kaya please wag kayong magtalik dahil ang dami-dami niyo na! Isang tribo na kayo dito sa mukha ko. Huhuhu!” L

Tinignan ko ng maigi ang mukha ko, napakaplain. Walang boom factor. Walang sex appeal.

Diba pag makakakita kayo ng isang maganda o gwapo ang diretsong sabi lagi, “Shet, ulam!”

Pag makikita niyo naman ako, ang masasabi niyo lang, “Shet, kanin! Sa kaldero naluto! Mukhang tutong!”

Hinubad ko na t-shirt ko kaya pagtingin ko sa salamin ay nakakita ako ng babaeng walang future!

Jusko Lord! Nung nagpasabog ka ba ng dibdib ay tulog ako at nakapayong pa?!

Kung yung iba may Coca-Cola body, ako naman katawang pitsel! Straight na straight daig pa ang ruler.

Ganto ako kada umaga. Nalalait ko na lang sarili ko ng wala sa oras. Wala akong self-esteem.

Hay nako, maliligo na nga lang ako. Mukhang kanina pa ako dito sa banyo eh. Ginawa ko na ang ritwal ko kada umaga. Naligo, nagtoothbrush, naglotion, at nagbihis. Pagkatingin ko sa kurtina madilim pa din!

Binuksan ko ito at nanlaki ang mga mata ko nung nakita kong… May paparating palang bagyo!

Shet, shet, shet. Kung kanina pa pala may paparating na bagyo ibig sabihin…

Kumaripas ako ng takbo at tinignan yung oras sa cellphone ko.

PATAY!!! 8:03 AM na! Kanina pa pala ako late nakanampotpot oh!

Kinuha ko na bag ko at dali-daling lumabas sa pipitsugin kong apartment. Pagbaba ko sumakay na agad ko sa aking pinakamamahal na bike na halos bumagsak na dahil nga lumang-luma na to. Mas madami pa ata yung mga kalawang kesa sa pintura ng bike.

Grabe, feel na feel ko ang thrill sa bawat padyak ko sa aking bisikleta. Feeling ko may background music pa nga eh, Eye of the Tiger kunware para pang-Olympics yung buwis buhay kong ginagawa dito!

Nasabi ko bang 20-minute bike ride pa bago ako makaabot sa school? Pero sa bilis kong to, siguro mga 10 minutes na lang bago ako makaabot sa school.

My KakaibabeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon