CHAPTER 2
by: vbdivinagracia
<Zoey’s POV>
Bumalik ako sa room kung saan andun pa din si Mr. Tan na nakaupo sa kanyang upuan nagchecheck ng papers. Siguro may konting break kasi nanotice ko na konting tao lang ang nasa room at yung iba nasa labas. Tinitignan nila ako ng taas baba siguro nagtataka kung pano ako nakakuha ng damit.
“Look at her, wearing designer shirt and jeans.”
“I know, where did she get that?”
“Those are top quality brands right?”
Ilan lang to sa mga naririnig ko pero hinayaan ko na lang sila at pumasok para kausapin si Mr. Tan.
“Excuse me po Mr. Tan, pwede kop o ba kayong makausap?”
“Ms. Rodriguez, follow me to the principal’s office.”
Pagdating sa principal’s office ay binati namin si Mrs. Dominguez at umupo ako sa harap niya habang si Mr. Tan ay nakatayo sa tabi ng principal na nakaupo.
“Ms. Gutierrez…” Sabi ni Mrs. Dominguez. “I’m afraid that I have to be the one to tell you this bad news. I don’t want to be the bad guy here.”
“P-po? A-ano po bang pinagsasabi niyo?” Nauutal kong sabi dahil wala akong maintindihan sa pinagsasabi niya. “May namatay po ba? Si Basilio?! Si Crispin?! Asan na sila?! Ilabas niyo!”
“Ms. Gutierrez!” Dumadaginding na sigaw ni Mrs. Dominguez.
“Ay… Sorry po. Ano po kasi sasabihin niyo, may pasuspense-suspense pa kasi kayo eh.”
“Zoey, iha. Nanganganib ka ng matanggalan ng scholarship. 60% of your final grade consists of the exams solely and sa nabalitaan ko kay Mr. Tan, hindi mo daw nakuha ang exam mo kanina.”
“Mrs. Dominguez, let me explain po. Nalate po ako kanina dahil po may paparating na bagyo, nabasa na nga po ako habang sakay ng bike ko eh. Wala na po ba talagang exemptions? Promise po talaga di na mauulit.”
“Zoey, nireview ko yung grades mo kanina. Grade 10 ka na diba? Oh, graduating student ka pa man din saka pa mawawala yung scholarship mo. Nakita ko sa card mo na you are barely maintaining your grades lately. Kaya kahit na nakuha mo pa yung exams mo kanina, eh may possibility ka pa din na malaglag sa pagiging one of the honor’s list at yung GPA mo ay may possibility din bumaba sa required na average.”
“Ha? Pano po ito nangyayare? Di man lang po ako naging aware. Wala na po ba talagang paraan? Extra credits po? Part-time job? Kahit ano po gagawin ko para lang maretain ko ang scholarship ko.”
“Kahit ano?” Sabi ni Mr. Tan.
“O-opo ser. Kahit po mahirap para sakin gawin ito… Kakayanin ko na lang.” Sabay unti-unti kong inaangat ang aking t-shirt.
“Ho-hoy bata ka anong ginagawa mo?! Tumigil ka nga hindi yan ibig kong sabihin! ” Sigaw sakin ni Mr. Tan.
“Ay hindi po ba? Sayang…” Pabulong kong sabi. Ang gwapo gwapo kasi ni Mr. Tan eh willing naman ako magpakita ng katawan kong lupa kung siya lang naman ang magnanasa. Asa naman ako wala siyang makukuha dito. Tigang mo Zoey!
“Anong sabi mo?!”
“A-ay. Wala po yun.” Narinig niya pa yun? Anong tenga meron tong si Mr. Tan!
“I’m sorry, Ms. Zoey. But you know how strict this university is. It’s all up to you. You may go now.” Sabi ni Mrs. Dominguez.
Matamlay akong lumabas sa office dahil nga alam kong nanganganib na yung scholarship ko. It’s all up to me sabi ng principal eh di ko nga alam kung anong gagawin ko para mabawi pa grades ko. Habang nagmumuni-muni eh napagisipan kong umupo doon sa stairs. Wala na akong exams na kelangan alalahanin pa ngayon. Gagraduate na ako pero eto hindi ko pa din alam kung pano ako papasa? Naging scholar pa ako ha kung di ko naman mamaintain grades ko! Sheke naman eh.
BINABASA MO ANG
My Kakaibabe
Novela JuvenilAng pangalan ko ay si Zoey Gutierrez. Simpleng babaeng teenager lang ako na scholar ng one of the hottest universities of the country. Plain ako masyado, walang boom factor kaya so far walang nagkakagusto sakin. Pero di ito teleserye, di ito nobela...