Chapter 4

58 0 0
                                    

CHAPTER 4

by: vbdivinagracia

<Zoey’s POV>

“Di ko alam kung saan kailan

Pa'no ba nag-umpisa ang lahat (yeah)

Di na mapakali nagkakamali, nabubulol, nauutal (uh-huh)

Kailan ba napansin na

Nandyan ka-“

Pagpatay ko sa alarm ko ay tinignan ko kung anong oras na sa cellphone ko…

12:15 AM?!?!

Saturday naman ngayon kaya walang pasok pero siyempre meron kaming meeting ni Chase Whitehill in 15 minutes kasiHindi naman sa excited ako pero siyempre diba mas maganda pa ding punctual ka? Pero yun nga, kelangan kong  maligo, magbihis, at mag-ayos in 15 minutes.

Pagpasok ko sa CR biglang may bumulagta sakeng napakalaking ipis sa sahig na kumaripas ng gapang papuntang pa ko!!!

“PUTRAGES!!! AAAAAAAAAHHHH!!!” Habang nagsisigaw-sigaw ako dito eh tinatry ko ding apak-apakan yung ipis pero ang bilis talaga eh!

Gumapang sa wall, siyempre lumayo-layo ako konte. Hinubad ko yung suot kong tsinelas sa kanang paa ko para matry kong paluin tong ipis na to.

Kadiri kaya kasi sobrang laki talaga! Kasing haba pa ng hinlalaki ko. Jusko Lord!

At sa pagkakataong iyon… Dun gumuho ang aking mundo…

Dahil…

LUMIPAD ANG IPIS. OO, FEELING BUTTERFLY AMPUCHA.

Siyempre super panic na ako. Bato ka ba para di matakot sa lumilipad na ipis?!?!

Gyera na ituuuu.

Siyempre kinuha ko na lahat ng pwede kong makuhang armas. Pulbo, perfume, cologne, deodorant, alcohol, at kung anu-ano pang kaek-ekan.

Ayun hinagis ko lahat yung mga laman sa ipis nung dumapo siya ulit sa wall. Nalaglag at nanghina at sa huli eh natalo ko din. Aye aye!!

Okay lang kahit nasayang lahat ng mga necessities ko. Walang halong exaggeration naubos talaga lahat. Huhuhu, wala na kong magagamit na deodorant at pabango! L

Anong oras na ba… Sheke!! 12:30 PM na!

Pumasok ako pabalik ng CR at nakita ko sa baba ng lababo na…

Meron palang Baygon. Ay tanga mo girl!

*****

Dali-dali na kong nagbihis kasi nga sobrang late ko na. 12:55 PM na nga oh. Pakiramdam ko mapapagalitan ako ng masungit na yon ng wala sa oras eh.

Pagbaba ko ng apartment sumakay na ko ng bike ko para magpuntang Starbucks malapit sa school. As usual, binilisan ko ang pagpedal. Mabuti na lang di pa ako nasasagasaan ng mga truck dito no? Malabo mangyare yun, nagttriathlon kaya ako pag may time. Joke! Wala akong pera pang-register sa triathlon. Wala din akong gear at outfit. Nakakahiya naman sa mga professionals. Hahaha!

Pagdating ko dito sa Starbucks eh hinanap ko muna si suplado.. este si Chase.

Nilibot ko ang buong Starbucks pero wala talaga eh.  Hindi ko siya makita. Akala ko pa man din ako yung late pero siya pala tong kukupad-kupad eh! Hmph, ipokrito! May pa sharp-sharp pa siyang nalalaman. Sharpen ko yang nipples niya eh!

Kaya umupo na lang ako dun sa isang sulok kung san pang-isahan o dalawahang tao lang.

Tinitignan-tignan ko ang pintuan kung papasok ba si Chase pero kanina pa ko dito nakaupo wala talaga. Pagtingin ko sa relo kong nabili ko sa tabi-tabi, 1:19 PM na. Aba niloko niya lang ba ako? Shet baka napanaginipan ko lang yun. Huuuuy wag naman sana. Wala na akong kapit para sa scholarship ko! Lord please, kelangan ko to! Huhuhu! L

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My KakaibabeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon