Chapter 3

75 1 2
                                    

CHAPTER 3

by: vbdivinagracia

<Zoey’s POV>

Binalak ko na talagang puntahan tong si Chase Whitehill pero hindi ko siya maabut-abutan. Paligoy-ligoy kasi yung mokong. Kanina nasa cafeteria, papalapit na sana ako pero biglang umalis. Ngayon sinusundan-sundan ko siya kahit san man siya pumunta. Muntik niya na nga kong makita pero buti na lang nakatago ako ng mabilis sa poste. Ayoko ngang matawag na stalker kahit na parang pang-sstalk na tong ginagawa ko. Private investigation na lang kumbaga!

Nakita kong binuksan niya ang isang pintuan at pumasok siya kung san mang Narnia siya napunta.

Malamang lamang ako sinundan ko siya sa kung san man siya pumasok kasi nga kelangan ko siyang kausapin. Kaya bago pa mawala yung takot at kaba na nararamdaman ko tinawag ko kaagad siya ng hind na nag-iisip.

“HOY!” Sigaw ko sa kanya sabay turo pero huli na ang lahat bago ko malaman ang nakakahiyang ginawa ko.

Alam niyo ba kung anong nangyari? Malamang hindi kaya sasabihin ko sa inyo. Pumasok lang naman ako sa banyo ng mga lalaki kung saan napakadaming lalaki ang umiihi sa mga urinal at sa tingin ko’y madami din sa stalls. Lahat sila napatigil sa kung ano mang ginagawa nila – malamang umiihi ano ba ginagawa sa urinal? Tanga lang teh? Ayun na nga, tumingin silang lahat sakin na may gantong mga mata: O.O

Siyempre si Chase gulat din yung mukha at nagpalinga-linga pa na para bang nagtataka kung siya ba talaga yung tinuturo ng bagtit na babaeng pumasok sa Men’s CR: (O . O  ) – (  O . O) – (  O . O  )

“Labas babae!”

“Huy alam mo ba kung asan ka?!”

“Penge tissue!”

“Naliligaw ka ba miss?”

“Kelangan ko tulong dito miss!”

Sa sobrang kahihiyan ko ay kumaripas na lang ako sa takbo dahil nga pakiramdam ko nakakahiya talaga yung ginawa ko. Gaga ka talaga Zoey! Di ka man lang nag-iisip! Sino ba naman kasi ang babaeng nasa tamang isip na papasok sa Men’s CR.

Dito na nga lang ako sa poste banda uupo at pagalitan sarili ko sa katangahan ko. Shoshonga shongang Zoey! Tanga! Huhuhu, Lord kainin na lang po sana ako ng lupa!

Maya-maya ay may lalaking dumaan sa harap ko… Teka, si Chase yan ah.

“H-hoy!” Sigaw ko sa kanya.

“Jesus!”

“Zoey ang pangalan ko! Pero thank you ha kung sa tingin mong mukha akong si Jesus na niluluhudan ng madaming tao!”

“Who the fuck are you?”

“Ako lang naman ang nag-iisang Dyosa! Lumuhod ka sa harap ko.”

“What?!”

“Okay tama ng jokes. Kelangan kita makausap.”

“I don’t have time for this.” Sabay talikod niya pero hinila ko siya para pigilan siya.

“Teka lang!”

“Don’t... Touch me.”

“Wag mo nga kong nino-Noli Me Tangere nga diyang bugok ka! Kelangan nga kasi kitang kausapin!”

“Make it fast. Confess your feelings to me. I’ll sign an autograph for you. I’ll take a picture with you. Just please get it over with. I’m tired.”

“Wow naman! Ilan ang circumference ng ulo mo? Megamind lang? Sa sobrang laki napagkakamalang Pluto yang ulo mo!”

“What is wrong with you?!”

My KakaibabeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon