CHAPTER 4

33 1 0
                                    


Evaline's POV

''KYAAAAAAHH~''

''CLASS, SILENCE PLEASE!!" sigaw ni ma'am sa mga babaeng nagtitilian sa kanto, jk. She sighed and yes, pina upo na rin kami sa wakas. Tinanggap na ni ma'am ang explanation namin at ayun na yun, we took our seats. ''Grabe sila magtilian oh. Ang galing ng mga pose natin, leader. Hahaha...''

''Tahimik nga!"  bulong ko kay Ana pabalik. Tsk, kabwisit. Hindi na lang siya nakikinig, nakichismis pa sakin. Magaling na nga sa piano, pero chismoso naman.

After morning classes...

''Yah! Punta tayo sa canteen.'' napatingin kaming apat kay Macey at tumango. Naglakad na kami papunta sa canteen habang pinag-uusapan kung anong kanta ang kakantahin namin mamaya sa bar.

Napahinto ako at tumingin sa math garden. Paborito ko ang math pero hindi ko kayang makapasa sa subject na yun. Huminga ako ng malalim at ngumiti sabay lakad ulit ng bigla kong nabangga ang isang poste. ''Aray ko...''


''Tsk. Di kasi tumitingin sa dinadaanan.'' sabi niya at nagkibit balikat pa siya. Aba! Sino siya sa tingin niya, anak ng principal? Ha! Eh pinsan ako ng anak ng may-ari ng school na 'to! ''Sino ka ba ha? At sorry ha? Di ko sinasadya yun. Alam mo kasi para kang poste diyan kaya tumabi ka para walang makakabangga sayo.''


''Kung sino ako? I am Darren Neil Lucas Wang. Leader of the Royalties. No one ever mess up with us, because you'll be eliminated from our section if you do.'' paliwanag niya at umiling lang ako. Wala akong paki kung mailiminate ako sa section namin ngayon! I want justice! Walang hari-harian sa school na pinapasukan ko! ''Don't you dare, dahil ako mismo ang unang magpapalayas sayo dito sa school na 'to!"


''Hoy!" sabi niya pero hindi ko na siya pinansin at naglakad na papunta sa canteen. Nandun na kasi yung iba, iniwan ang leader. Mga pashniya. ''Oh? Leader, saan ka galing? Umorder ka na.''

''Isang lasagna lang po at isang iced tea, eto po. Salamat.'' sabi ko ng binigay niya yung order ko. Pumunta na ako sa table kung saan sila nakaupo. Sinimulan ko nang kumain at hindi pinakialaman ang mga kagrupo ko. Napahinto ako ng biglang akong tinapik ni Jermaine. ''Oh? Bakit?"

''Ang sasama ng tingin nila sayo oh. May gusto yata sayo eh. Pagbigyan mo ah? Ang cucute pa naman nila. Hehehe...''  bulong niya at nginuso niya sa may bandang sulok ng canteen. Tsk. Manang-mana kay Tita Maine (Jermaine's mother) na childish at kay Tito Jeremy (Jermaine's father) na judgemental. ''Hayaan mo yan. Kumain kana kung hindi si Ana uubos niyan. Matakaw pa naman yung taong yun.''


''Oy, naman. Kahit na matakaw hindi rin tumataba noh!" napatawa kaming lahat ng sumagot si Ana. Pinagpatuloy namin ang kinakain namin at ibinalik na yung mga plato na ginamit namin. Hindi pa po kasama yung baso kasi may lamam pa po. ''Eva, kanina pa nakatingin sayo yung isa sa kanila.''


''Alam ko yun. Hayaan mo na lang.'' tumango na lang sila at napangiti naman ako. Bumalik na kami sa usapan namin ng may biglang nagsalita. Napailing ako sa tawag niya ng pangalan ko. Tsk. Nakakabad mode 'to ah pero parang exciting naman. Eh, sa mahilig ako sa mga gulo kaya medyo exciting para sakin. ''Evaline (E-va-line)"

''Ahem... it's Evaline po. E-va-lin.'' pagtatama ko sa kanya pero ngumisi lang siya na parang okay lang sa kanya na itama ko yung mali niya. ''Gusto mo ba ako?"

"At bakit naman kita magugustuhan? Aber? Sa ugali mong yan at sa itsura mong yan?"

"Tsk... papansin ka lang yata eh. Kinakalaban moko para mapansin kita. Ganun ba? Kaya pala.''


LOVE or WARWhere stories live. Discover now