Evaline's POV''UWAAAAAAH!!'' sigaw ni Maine sabay yakap kay Keil. Sila magkatabi eh. Ako naman, dito lang ako sa gilid ni Neil. Quarter to 2 na at inaantok na talaga ako. Actually, takot naman ako kaso sasara na mga mata ko kaya I didn't pay attention to that scary movie. ''Winter? Okay ka lang?"
''I'm doing great Neil.'' sabi ko sa kanya sabay ngiti ng bumagsak yung ulo ko sa balikat niya. Hindi ko na nakaya eh.
---
''Oy! Marunong nga akong magluto!! Ako nagluto ng mga pagkain kanina!" biglang bumukas yung mga mata ko sa taong sumigaw na yun. Parang kilala ko na. ''Tsk. Si Winter nagluto nun kasi masar--"
''Sabing ako nga yun!" sigaw ulit ni Neil kaya medyo napatawa ako ng kunti. Tumayo na ako sa higaan ko at lumabas ng room. Doon ko naman nakita si Neil at Dafney na nagbabangayan, kasama na rin si Jiro. ''Dafney, tama na. Totoo yun, magaling 'to magluto eh. Siya ang chef sa dorm namin.''
''Weh? Talaga? Ang galing niyo magpalusot.'' sabi ni Dafney at nagkibit balikat pa siya. Napatawa na lang ako at sabay sabay naman silang napatingin sakin. ''Dafney, totoo yung sabi nila. Inagaw ni Neil sakin yung kutsilyo kanina. Siya nagluto.'' sabi ko at nanlaki naman yung mata ni Dafney na ikinatawa naming tatlo. ''Sabi sayo eh. Magaling magluto leader namin.''
''Oo na! Bumaba na lang tayo. Kayong dalawa, magluto na kayo sa kusina!" sabi ni Dafney at nagpunta na sa baba. Naglakad na rin kami papunta sa baba at nahulog yung panga ko ng makita ko kung anong oras na. ''Quarter to nine na?!"
"Shhh... wag kang maingay. Natutulog pa yung dalawa dun oh.'' sabi ni Neil sabay turo kay Macey na natutulog sa dibdib ng tulog na Anexie sa sala. Dun na yata sila nakatulog kanina since sa sala kami nanood ng movie. ''Hehehehe... sorry.''
''Tara na, magluto na tayo.'' pagyaya sakin ni Neil at tumango na lang ako sabay sunod sa kanya. ''Teka, si Jermaine at Jude?"
"Lumabas. Ewan ko kung saan yun pupunta.'' sagot naman niya at nagpatuloy na sa pagbukas ng mga canned food. ''Tara. Bilisan natin.''
---
''Yeah! Sarap nun. Sumali kaya kayong dalawa sa con--"
"AYOKO.'' sabay naming sambit ni Neil. Napatawa naman yung iba at nagpatuloy na lang sa pagkain. Napatingin naman ako kay Neil at huminga ng malalim. Gusto ko siyang makasama magluto pero ayoko na sasali kami sa contest. ''Argh...''
''Maine? Okay ka lang?" nabaling lahat ng attention namin kay Jude na nagtanong at kay Maine na may binulong. Napatango lang si Maine at tinuloy yung pagkain niya. ''Pansin ko lang. JK, may gusto ka kay Maine?"
"Tss... sino nagsabi? At tinanong ko lang siya kanina kung okay lang siya kasi kailangan wala ni isa satin ang magkasakit para makapraktis ng mabuti mamayang gabi.'' paliwanag ni Keil. Magaling rin 'tong isa sa explanation. Parang kamag-anak lang ni Dafney. Pero, ano raw? JK yung tawag niya kay Keil? ''Tsk. Ikaw na ang magaling.''
''Mga bibig. Tahimik na. Kumain na lang tayo.'' sabat ni Jiro at nagpatuloy na kami sa pagkain. Nung matapos kaming kumain, ang mga boys ang nagligpit at kaming girls ay nagrelax sa sala kasama si Neil. Kaming dalawa nagluto kanina diba? ''Guys, ligo lang ako.''
''Teka, wala kaming extra.'' napalingon naman ako kay Neil na naka pout na ngayon. ''Sa room 21, dun room ni kuya Luis. Naglagay din dun sila ng mga damit nila baka sakaling matulog sila dito isang araw. Third floor ah?"
''Thank you Winter.'' sabi niya at tumango na lang ako sabay punta sa taas. Dun ako sa room ko maliligo para secured. Naligo na ako at nagbihis na ng simple na short at t-shirt na palagi ko namang suot kapag sa bahay lang ako. Matagal pa naman bago mag one kaya pambahay lang muna suot ko ngayon. 10:30 palang po.
''WINTER!!~"
"Oh? Anyare sayo?" tanong ko kay Neil na pinagpapawisan. Bigla naman niya akong niyakap kaya nawalan ako ng balance and you know, we both fall to the ground. ''Tsk, ano ba problema mo? Ang sakit ng likod ko.''
''Ehh?? Sorry na po.'' sabi niya ulit at niyakap ako. Ano ba problema nito? May kinatatakutan ba? "Hoy. Sabihin mo nga, natatakot ka?"
"AAAAHHHHH!! WINTER!~ HUHUHU... TT^TT. MAY IPIS SA KWARTO NG KUYA MO!! SINUSUNDAN AKO OH!!" napailing naman ako sa inasta ng kapatid ko. Hahahaha... joke lang. Ng kaibigan slash crush ko. Tumawa ako ng kunti at napahinto siya sa drama niya. ''Tsk. Di mo naman ako tutulungan eh.'' mas lalo akong napatawa ng nagpout siya at pinahiran yung pisngi niyang may mga luha. Umiiyak crush ko. Hehehehe... ''Halika na. Tutulungan naman kita. Natawa lang ako sayo.''
Pumasok kami sa kwarto ni kuya at mukhang wala namang ipis. ''Kumuha ka na dun oh.'' sabi ko sabay turo sa cabinet ni kuya Luis. Lumapit naman siya dun at kumuha na ng mga damit na susuotin niya ngayon. Lalabas na sana kami ng napahinto ako dahil sa bagay na naramdaman kong umakyat sa paa ko. Now I realized, "WAAAAAH!! WINTER YUNG IPIS!!~ TT^TT" tinabig ko yung ipis palabas ng kwarto at ginamitan ng walis.
''Wala nang ipis.'' sabi ko kay Neil na nakapikit ng dahil sa takot nga siya sa ipis. Hahahahaha... hindi ko alam na takot pala siya sa ipis pero sa ahas hindi. Nice. ''Yeey! Thankk you." sabi niya sabay halik sa pisngi ko at tumakbo na papunta sa baba kung saan siya maliligo. Namula naman ako sa ginawa niya. Hinalikan niya yung pisngi ko at kinikilig ako ng kunti.
---
''Hahahaha... Eva? Kanina ka pa namumula ah? Pagdating pa rin dito sa school?" tawa ni Ana at napatawa na rin yung iba. Binaliwala ko lang sila at nagpatuloy na sa paglakad papuntang room. Umupo agad ako sa upuan ko at nagkibit balikat. ''Ang bilis mo naman oh.''
''Tsk.'' yun na lang ang nasabi ko at naglakad na sila papunta sa mga upuan nila. Tumango lang ako ng may binulong sakin si Dafney. Oo, napansin ko rin yun eh. ''Teka lang girls, naiihi na kasi ako.''
''Dalian mo Maine.'' sabi ko sa kanya habang yung iba naman ay napatango lang. Naglakad siya papunta sa may pinto ng may nahalata akong kulay sa palda niya. Oh no.
''HAHAHAHAHAHAHAHA!!!" biglang tawanan ng mga kaklase namin. Kinuha ko naman yung jacket sa bag ko at tumakbo papunta kay Maine sabay takip sa likod niya. ''Oh? Bakit ate?"
"Maine, meron ka ba ngayon?" tanong ko at tinaasan niya lang ako ng kilay. Ano ibig sabihin nun? "Wala naman. Bakit mo natanong? Tapos naman ang period ko.'' sabi niya at napailing lang ako. ''Kung tapos na ang period mo ngayong month, ano yang stain na nasa palda mo?"
"Ha?'' tanong niya sabay tingin sa palda niya. ''Mahihirapan ka. Mamaya na pagkapasok natin sa cr.''
''Ugh!! Sino ba may gawa nito?!" galit na tanong ni Maine. Yes, determined. Hindi blood yung red stain na nasa palda niya kundi red paint. Isa lang ang alam ko na may kayang gumawa nito; Royalties.
*kriinng~kriinng*
''Hello?"
"Eva!! Huhuhu... may stain yung mga palda namin.'' rinig kong sambit ni Ana kaya nanlaki naman yung mga mata ko. Tinignan ko yung palda ko kung meron rin pero wala naman.
''Teka lang. Tatawagan ko lang si kuya.'' sabi ko sabay putol sa tawag at dinial ang number ni kuya. ''Kuya, dalhin mo dito sa school ang isang palda ni Ana, Dafney at Maine. Ngayon na.''
''Okay.'' sabi niya at narinig ko pa yung makina ng sasakyan bago ibaba yung phone ko. ''Haist... sino ba kasi may gawa nito?"
''Hayaan mo na, Maine. Papunta na yun dito si kuya Luis para makapagpalit ka na.''
YOU ARE READING
LOVE or WAR
Teen FictionDate Started: August 13, 2017 (3:58 p.m.) Date Finished: --- Languages- Tagalog, English, Korean, Chinese- I guess? - LOVE OR WAR? Choose only one... Main Female Protagonist I choose.... Find out more!