CHAPTER 5

31 0 0
                                    


Evaline's POV

''Wohoo~ Ang galing mo Eva. In love na yung mga lalaki sayo oh.'' asar ni Macey sakin at ngumiti lang ako. ''Ba't ka kasi kumanta. Ayan tuloy, mahihirapan ka sa mga manliligaw mo.''

''Tsk. FYI, Maine. Wala akong isasagot sa mga manliligaw ko.'' irita kong sagot sa kanya. Eh... kanina pa ako dito naiirita. Nandito na kami sa bar ni kuya Luis at tapos na kaming tumugtog. Magsasara na rin kami at uuwi na. ''Excuse me. Wala po dito si mommy.''

''Tsk. Ikaw ang tinatawag kong Maine hindi si tita Maine!" galit kong sagot pero sumubo agad ako ng ice cream na nasa table namin para lumamig ulo ko sa kanila. ''Hep hep hep... girls, tara na. Si Louie na ang magsasara.''


''Yes!! Uuwi na tayo.'' sabi ni Ana at tumalon pa sa ere. Tsk. Ang saya nito masyado. ''Tsk. Oy Ana. Tumigil ka diyan. Uuwi na tayo. Dalhin mo na lang yung ice cream mo.''

''Ehh? Hindi po ba pwedeng iwan na lang po dito? Sige na po kuya Luis'' pagmakaawa nito kay kuya pero umiling lang si kuya kaya napapout si Ana. ''Sige na. Ihahatid ko na kayo.''

Naglakad na kami papunta sa parking area at sumakay na si Macey, Ana, at Dafney sa sasakyan ni kuya habang kami ni Jermaine ay sa kotse ko. Ihahatid pa ni kuya yung tatlong yun at kami diretso sa bahay.

Hindi pa kasi tapos yung mga staffs ni daddy na itransfer yung mga appliances namin sa bagong bahay na binili ni mommy para saming Goddesses. Mga bukas o yung araw matapos bukas pa yata kami magsasama-sama sa iisang bubong.


''Ate, ready ka na ba?" napalingon ako kay Jermaine at napatango. ''Ako rin eh. Excited na nga ako eh. Gusto ko nang matulog dun oh. Kailan kaya?"


"Mga bukas ata.'' sagot ko at napatango naman siya sabay pumikit. Napagod siguro since marami kaming nagawa ngayong araw. Parang papatayin kami sa pagod eh. Lalo na yung kay Neil at yung mga kagrupo niya. Nakakainis oh! "Namumula ka na naman, ate.''


''Pagod lang 'to Maine.'' sagot ko at pinark na yung sasakyan dito sa garage namin. ''Tara na. Gusto ko na matulog.''


''Good Evening, Miss Evaline and Miss Jermaine.'' bati ng maid na nakabantay sa pagbukas at pagsara ng pinto sa harap. Tumango lang kami at nagpunta na sa study room para iwanan dun yung mga bag namin. Bawal sa kwarto namin. ''Haist... Pre-test bukas. Aral tayo.''


''Eto naman oh. Pre-test lang yun. It's not recorded nor graded.'' sagot ko at napatango naman siya sabay buklat ng libro namin noon. Hindi namin tinatapon noh! Binili namin kaya we took good care of it. ''Yah... Maine. Gutom na ako. Hindi ako nabusog dun sa ice cream eh.''


''Bihis muna tayo.'' I agree at pumunta na sa third floor. Lahat ng bedrooms nandun eh. Mga activity rooms naman sa second floor like Practice room, music room and arcade room. Pinagawan rin ni daddy na mga room for activities dun sa titirahan naming girls.


Matapos kong magbihis ay hinintay ko si Maine sa labas ng kwarto niya. Matagal yun magbihis eh. Halos umabot ng isang oras. -,-


Jk. BTW. Lumabas na rin siya at sabay na kaming bumaba sa kusina. Nakita naman namin dun sina kuya Charlie kasama si ate Glenn at sina baby boys and girls. Marami sila kaya hindi ko na ibabanggit ang names nila. Mga pinsan ko sila except kay ate Glenn since girlfriend siya ni kuya Charlie. ''Oh? Andiyan na pala kayo? Kumain muna kayo oh.''

''Thanks kuya Charlie.'' sabi ko at ngumiti sabay sinimulan na ang pagkain. Napahinga ako ng maluwag ng umalis na ang mga pinsan ko sa lamesa. Maiingay yun eh kaya ayaw ko sa mga babies. Kidding, hindi talaga sila babies, mas matanda pa yung mga yun eh. Mga babies ko yun kasi ako ang nag-aalaga sa kanila dahil mga childish yun. Kailangan may bantay. ''Winter? Ba't kanina ka pa ganyan? Nakailang buntong hininga ka na?"


LOVE or WARWhere stories live. Discover now