CHAPTER 7

25 1 0
                                    


Evaline's POV

''Wow... apat lang kayo na titira dito? Ang laki nito ah?" salubong samin ni Neil. Yes. Si Neil Wang. ''Yup and try lang ni daddy paki-usapan ang parents ni Macey kung pumayag na dito rin tumira.''

''Wow... pati rin itong haunted na bahay na katabi niyo?" binatukan naman ni Neil si Jiro na nagtanong at napatawa lang kaming girls. Nanlaki naman yung mga mata ng boys kaya huminto ako. ''Ano problema boys?"

"Alam mo nang tumawa ah? Napapadalas na.'' sabi ni Arnie at umakbay kay Keil. Tsk. 'Tong dalawa oh. ''Palagi naman akong tumatawa ah? Sabihin niyo na hindi niyo lang nakikita o naririnig.''

''Tsk. Palagi kaya.'' napatingin naman ako sa kanila. Anong palagi kaya? Ano ibig sabihin ng palagi niya? "Bahala kayo diyan. Kung ayaw niyo pumasok edi umuwi kayo.''

Tumakbo naman agad sila papasok sa mansion dahil nabuksan ko na ang gate. Sa labas parking lot ng bahay na 'to eh. Pagkapasok mamin ay agad kaming nagpunta sa computer room. Alam naman namin ang mga rooms dito since sinabi na ni daddy samin at pinapunta na kami dito.

''Ano gagawin natin dito?" tanong ni Keil at napatingin kaming lahat sa kanya. Kasama na ang boys. ''Patangahan? Alangan naman nandito tayo para gayahin yung mga sexy dance na pinapagawa ni ma'am. Yun ba?" sarcastic na kung sarcastic. Eh sa naiinis ako sa tanong ni Keil! Ano raw ginagawa namin dito? Malamang praktis! ''Okay? Hindi naman yun ah?"

"Oh! Alam mo naman pala eh!" sabi ni Anexie at binatukan siya. Napailing nalang ang iba at pinagpatuloy ko pagsearch ng dance practice ng EXO. Nung nakita ko na, pinatahimik ko muna ang boys dahil nag-aasaran. ''Wow... madali lang pala?"

''Sabing tahimik. Itikom mo yang bibig mo baka ilagay ko diyan basura ko.'' asar na sabi ni Dafney kay Keil at nagpeace sign lang ito. Madali nga lang yung sa chorus pero may mga parts rin na miharap. Like yung part sa may chorus na nasa sahig. ''Seryoso ba dito si ma'am?"

"It's serious. Grade nga natin." sabi ko at napatango na lang si Macey. Sinave ko yung video sa USB at pumunta na sa practice room. Nandito kami sa second floor, parang sa bahay lang. Room for activities sa second and bedrooms sa third. ''Aba, parang kilala niyo na itong bahay niyo ah?"

''Tsk. Pinuntahan na kaya namin 'to.'' sabi ko kay Anexie at pumasok na sa practice room. Nilagay ko na yung USB sa malaking tv dito sa room. Yes, may tv sa practice room namin. I pressed the play button and there it is, sinimulan na naming gayahin pero hindi pa namin finorm yung formation nila. Yung mga steps lang muna.

--

''Wohoo! Natapos na rin sa wakas!" sigaw ni Maine at napangiti na lang ako. ''Boys, dito na lang muna kayo magdinner at matulog. 12 na at baka may masamang mangyari sa inyo.''

''Wow. Boys? Seriously? Boys kami at pwede naming unahan yung mga tao na may balak gawin samin.'' depensa ni Neil at inilingan lang siya ng mga kasama niya. Bahala siya, gusto niya yatang mamatay eh. ''Edi umuwi ka na.''

''Huy... hindi mo pa ba narinig yung lalaki na pinatay ng pinakawanted na woman killer dito sa bansa?"  rinig kong bulong ni Keil kay Neil. Napangisi ako sa binulong sa kanya dahil mukhang natakot naman si Neil dahil nanlaki yung mga mata niya. Oh, and also 12 na. Midnight, wala pa kaming nakain. Memorized na ang steps at formation pero hindi pa namin kayang matiming. ''Bukas na lang ako uuwi.''

''Tsk. Sabi mo gusto mo umuwi? Sige na uwi na.'' sabi ni Ana at pinagtabuyan si Neil. Nagpout naman si Neil which I found cute. Yes, crush ko siya. Diba? ''Sige na.~''

''Leader oh.'' sumbong ni Dafney sakin pero tumawa lang ako. I nod sabay sabi ng, ''Sige na. Dito ka na matutulog.''

''Yehet!!" masayang pagdiriwang ni Neil. Oo, there is a feast celebration happening inside my house. Bumaba na kami at pumunta naman ako sa kusina habang sila sa dinning lang. Hiwalay kasi dito yung kitchen and dinning eh. Hindi kagaya sa mansion nila kuya Charlie. Opo, mansion ni kuya Charlie hindi po samin. ''Ano gagawin mo?"

"Tsk. Ba't mo naman natanong?" tanong ko pabalik sa kanya sabay punas sa kutsilyo na hinugasan ko na. Kumpleto na dito lahat ng kailangan mo except kung maubos na yung food na pinamili ni kuya Louie. Siya kasi ang palaging pumupunta sa grocery eh. ''Wala lang. Ano ba gagawin mo?"

''Bakit? Sa tingin mo magpapakamatay ako gamit ang kutsilyo na 'to sa harap mo? No way, I still want to live.'' sabi ko kay Neil na may halong pagkasarcastic sa voice ko. Inisip niya ba yun? Na magpapakamatay ako? Tsk. Ayoko noh. Dahil gusto ko munang malaman kung mahal niya ako as a friend or mas higit pa bago ako mamatay. ''Sorry. Kailangan mo tulong?"

"Hindi na. Kaya ko naman mag---" napahinto ako ng bigla niya kinuha yung kutsilyo na hawak ko at siya na ang naghiwa dun sa sibuyas. Tinitigan ko lang siya at nakita ko kung gaano siya kabilis. Nilagay na niya yung pan at binuksan na niya yung stove. Pinanood ko lang siya na magluto para samin.

--

''Boys, sino payag sa inyo na manood tayong sampu sa isang kwarto?" suggest ni Norcelynn. Hahahaha... ang dami. Jk. Nagtaas naman ng kamay lahat ng boys. Plano nila ang 'stay up all night' kaya nags'suggest sila kung ano ang gagawin namin para sa 'stay up all night' nila. Ayaw ko nga eh kaso sinabihan akong killjoy kaya payag na lang kahit inaantok na ako. ''That's all settled. Sa kwarto tayo ni Winter.''

Napataas naman ang kilay ng boys dahil mukhang hindi pa naman nila ako kilala dahil war lang palagi ang meron kami. Tinuro naman ako ni Dafney at ngumiti sabay sabi ng, "Siya si Winter. Madalas namin siyang tawaging Winter specially kung cold yan sa mga taong nasa paligid niya.''

''Ang ganda nun ah? Hyungs, yun itawag natin sa kanya.'' suggest rin naman ni Neil sa ibang club. Ang daming club. [1] stay up all night [2] Winter or Evaline [3] gaya ng number 1 [4] gaya ng number 2. ''Maganda naman kaya okay sakin.''

Napalingon ako kay Anexie na siyang unang pumayag na tawagin akong Winter. Bwisit na mga bruhang 'to. Tinawag kasi akong Winter sa harap ng boys ayun tuloy nalaman nila yung tawag ng family ko at closest friends ko sakin. ''Kami rin ni Jude payag na.'' sabi naman ni Jiro. ''Payag si Arnie.''

''Final, Winter ang itatawag natin kay Evaline.''

LOVE or WARWhere stories live. Discover now