Do You Like Him?
Nandito kami sa bahay nila Gummy.
"Hahahahahahahahaha!" tinatawanan namin ni Mj si Gummy. First time niya kasing makakita ng wasabi and then she got curious tapos sinubo niya yung isang kutsara.
Iyak na nga siya ng iyak eh. Tsk.
"Bebe girl. Tama na---"
"Don't tell me that! Hindi mo man lang ako pinigilan nung sinubo ko yun! Eh malay ko ba na ganito kaanghang?!"
"I'll just go get you some ice cream." natatawang sabi ni Mj sabay alis.
"So... how's Rommel?" tanong ni Gummy habang iniinda yung dila niyang masakit. Buti nga naintindihan ko pa yung mga sinasabi niya eh.
I shrugged. "I don't know."
"What do you mean you don't know? You're his bestfriend for God's sake!"
For the past 5 months? I honestly don't know anymore. Ni hindi na siya nagyayaya kumain, mamasyal. Hindi na rin siya nagtetext at pumupunta sa bahay. Kung magtetext man siya, magtatanong lang kung anong assignment, ganun. Ibang-iba na siya. And kung makikita ko man siya sa school, parati niyang kasama si Andreya. Oo, I admit, minsan nagseselos ako. Pero wala eh.
Hindi rin ako nage-effort na yayain siya. Naka-ilang yaya na rin ako eh. At palagi rin siyang may palusot para hindi siya makapunta. Sasabihin niya na pupunta siya sa mga barkada niya (Which is kami NOON) or pupuntahan niya si Andreya kasi may date sila.
Nililigawan na rin ako ni Jv. Simula nung mga paghatid-hatid niya sakin sa bahay, hindi na niya ako hinayaang humindi. Sino ba naman ako para hindi pumayag diba? Eh ang buti ng kalooban nung tao.
Bakit hindi ko siya kasama ngayon? Kasi may practice ang basketball team. Susunduin niya naman ako mamaya e.
And si Mj naman, nagmaka-awa sa coach niya sa tennis na umabsent muna para makasama si Gummy. Oh diba? Tangina naman oh. Nagmumukha tuloy akong third-wheel dito.
"Gummy, you're spacing out again.." puna sakin ni Gummy.
"Oh... sorry..." sabi ko habang sinusubo ang cheese sticks.
"I heard he's courting Andreya." sabi niya at natigil ako saglit sa pagsubo. But what's new? Hindi na ako masosorpresa kung isang araw mabuntis niya si Andreya--- teka. ANO BA 'TONG MGA INIISIP KO?! Umiling ako at sumubo ulit.
"Yes. So?" sabi ko at sumubo ulit ng malaking amount ng cheese sticks.
"Do you like him, Gummybear?" seryoso niyang tanong and sumakto pa talagang uminom ako ng Coke nung tinanong niya yun dahilan kung bakit ako nabilaukan ng todong-todo.
"You okay?" tanong niya sabay hawak sa likod ko.
NO! HINDI AKO OKAY! TANUNGIN KA DAW BA NG GANUN!
"Gummy!" I exclaimed nung naka-recover na ako. "YOU CAN'T JUST ASK QUESTIONS LIKE THAT!"
"DUH! Just answer the question! Do you like Rommel or not?"
"OF COURSE NOT!" mabilis kong sagot with matching tarsier eyes pa.
Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at tinitigan niya ako. Pagkatapos ay nagkasalubong ang kilay niya.
"Your eyes state the opposite."
"NO! I DON'T! GUMMY! JUST DROP THIS!"
"I won't. Not until umamin ka na may gusto ka kay Ro---"
"WALA NGA AKONG GUSTO SAKANYA!"
She sighed.
"Gummy... I know all your damn expressions. Bakit ba ayaw mong aminin sa sarili mo na gusto mo siya?"
Bakit nga ba? Simple lang. Dahil alam kong kahit kelan, hindi niya ako magugustuhan. Ang dali-dali nga para sakanyang iwasan at hindi ako pansinin e, mahalin pa kaya? I'm not one of those girls na bigla nalang eepal at aamin na gusto nila yung bestfriend nila kapag may iba na siya. I'm not brave. Natatakot rin akong ma-reject, mapahiya. That's why kahit na minsan gusto kong umamin, there's something that's keeping me from doing it.
I sighed at huminga ng malalim. Napagtanto kong wala ring saysay kung itatago ko pa ang nararamdaman ko.
"Yes... gusto ko siya." pag-amin ko.
She tsk-ed and she showed me her 'I Knew It' look. Naniningkit na ang mga mata niya.
"Kelan pa?"
"Do I really have to answer that, Gummy? Napaamin mo na nga ako tapos---"
"When did you start liking him?"
"NOONG GRADE 6 TAYO! NUNG TINULAK MO SIYA SAKIN! FOR GOD'S SAKE!" iritado kong sigaw para matigil na ang maharot niyang bunganga.
She snapped her fingers.
"Nung nahalikan ka niya?!" tumango ako.
Flashback:
Ang shunga talaga naming tatlo. Tignan mo nga naman oh. Imagine, sa dinami-daming kaibigan ni Bro at ang daming manliligaw ko and ni Gummy. Ni wala man lang nagsabi o nag-text man lang na walang pasok ngayon. Kaya eto kaming tatlo, naglalakad sa corridors ng school. Wala talaga. Kami lang talaga. At nakuha pang mag-joke ni Bro samantalang halos ma-kalbo na ni Gummy yung buhok niya.
"Amputcha naman oh! Pinalitan na natin yung cast ng Three Idiots! Hahaha!"
Duh. As if naman na may nakakatawa dun.
"Baka One Idiot lang." sabi ni Gummy kaya napatawa ako. Pinaggitnaan kasi namin si Bro. Si Gummy sa left niya at ako naman ay malamang nasa right.
"Ito naman. I'm just trying to enlighten our day---"
"No thanks. It's already ruined."
"Tss."
And with that, naglakad ulit kami.
Pero di nagtagal, nag-asaran ulit si Gummy at si Bro tungkol sa mga crush nila.
"Haha! Asa ka pa na magugustuhan ka nung Mj ba yun?" pero syempre, Bro said it just like a joke.
"At ikaw din! Asa ka na mapapasagot mo si Clarisse? Ang feeling! Hindi ka magiging type nun!"
"Okay lang. Hindi lang naman siya ang babae sa mundo eh."
"Argh! I hate you!" at sinabunutan ni Gummy si Bro.
"Gummy! Bro! Tigilan niyo nga yan! Ano ba! Minamalas na nga ako nagbabangayan pa kayo!" sita ko sakanila.
Nag-straighten up naman sila bigla. Hinarap ako ni Bro.
"Ano? Hindi lang kaya ikaw ang minamalas dito. Minamalas din ako sa babaeng to." and tinuro niya si Gummy without looking at her. Naka-harap parin si Bro sakin.
"Mas malas ka!" at tinulak niya si Bro dahilan para masama ako dahil nakaharap siya sakin. Sa lakas ng tulak niya kay Bro, umabot pa kami sa walls. Hanggang sa naramdaman ko na may malambot sa labi ko.
Binuksan ko ang mata ko at nagulat ako. Bro... Naka-dikit ang back ko against the wall... at naka-dikit rin ang lips naming dalawa...
End of Flashback:
I sighed as I remembered it.
"God..." narinig kong sabi ni Gummy.
"We shouldn't talk about it. It makes me wanna puke." sabi ko. Buti narin at naintindihan niya.
But the truth was... I lied. It didn't made me wanna puke. It made my heart beat faster than ever.
BINABASA MO ANG
It Started With Love♥ Continuation
RomanceContinuation po Niya hehe ^_^ ACCOUNT ISSUES PO KASI KAYA..