Out
"Okay na ang sugat mo, miss. Nalinisan ko na. Mag-hintay nalang po kayo saglit dito." sabi ng nurse at umalis na pagkatapos niyang linisan at gamutin ang paa ko.
Tinignan ko si bro na busy sa pangangalikot sa phone niya.
Hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako kung bakit siya nandon nung nangyari sakin 'to.
"Lyan!" biglang bumukas ang hospital curtain at nakita ko si Jv.
"Okay ka lang ba? Kumusta na yung paa mo? Ano bang nangyari?" sunud-sunod na tanong niya sakin habang hinahawakan niya ang lahat-lahat ko.
"Okay lang ako." naiilang kasi ako dahil sa nalaman ko tungkol sakanilang dalawa ni Bella.
Pinagpatuloy niya ang pagsisiyasat sakin nang dumating na ulit ang nurse at sinabi niyang pwede na daw kaming umuwi.
Kaya naman inayos ko na ang sarili ko. Ay, oo nga pala. Naiwan ko ang sneakers ko sa dagat!
Binalingan ko si bro na hindi parin tinitigilan ang phone niya.
"Yung sneakers ko." paalala ko sakanya.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Bubuhatin nalang kita." at kinalikot ulit ang phone niya.
"Ako nalang ang bubuhat sakanya. Tutal, binuhat mo na siya kanina." offer ni Jv.
"Hindi. Ako na." ni hindi man lang niya kami tinignan habang sinasabi niya ito.
Sinasabi niyang siya na ang bubuhat sakin pero ano pa ang ginagawa niya?! Aba, aba, hindi parin kami okay!
"Jv, tara na." inis na sinabi ko at magpapa-buhat na sana ako kay Jv nang pigilan ako ni bro.
"Tara na." sabi niya at binuhat na niya ako.
Binuhat niya ako hanggang sa labas. Si Jv naman, sinusundan kami at wala pa yatang balak umuwi.
"Rom!" sabay kaming napatingin kay Andreya na mukhang kanina pang naghihintay. Nilapitan niya kami.
"Anong nangyari? Ba't mo 'ko iniwan dun sa bar?" iritadong sabi niya. Oh, so nanggaling din pala siya sa Ayoen. Sinamahan siya ni bro dun.
"May nangyari lang sakanya." at tinignan ako ni bro. Tinignan ako ni Andreya.
Siguro kung hindi pa ako tinignan ni bro, hindi niya ako papansinin.
"Kila Bella ka muna sumabay. Ihahatid ko lang siya."
"Rom, meron naman si Jv dyan eh. He can take care of Lyan."
"O-oo nga." pagsang-ayon ko naman.
Hindi siya pinansin ni bro at binaba niya na ako sa front seat ng sasakyan.
"Rom! Pano na 'ko?!" naiinis na din si Andreya. Sa inis niya, sinipa niya ang harap ng sasakyan ni bro. Wow, ganito pala siya pag galit.
"Ands, pwede ba?! Sumabay ka na muna sakanila!" iritadong sigaw ni bro sakanya. Natigil naman si Andreya.
"Hindi kasi nag-iingat e." narinig kong bulong niya. At sure na sure akong may kasamang irap iyon.
Bakit, kasalanan ko ba na mangyari sakin iyon? Ewan ko ba pero parang ibang Andreya ang nasa harap ko ngayon.
At bago ko pa masagot sa sarili kong tanong, nandito na kami sa seminary.
**
"Teka... dun naman yung mga room ng volleyball players eh. San tayo pupunta?" tanong ko sakanya.
Kanina pa kasi siya tahimik.
Huminto siya sa harap ng isang kwarto. Oh no. Don't tell me.
"B-bro... b-bakit d-dito?"
Baka balak niya akong i-rape. Eh ang hirap pa namang pagbigyan siya sa sitwasyon ko. Sana pala sinabi nalang niya non. Nung wala pa 'tong sugat ko. Chos. Nagka-sugat lang ako, na-baliw na 'ko. Hays.
"Bro, sagutin mo naman ako..."
And still, wala parin akong natanggap na sagot mula sakanya.
Kinakabahan na ako. Kung balak niya akong gantihan dahil sa mga sinabi ko nung isang araw, pwes, hindi dapat ganito!
"Buksan mo yung pinto." utos niya sakin.
"A-ayoko nga!"
"Binubuhat kita. Hindi ko yun maaabot."
Tinignan ko siya ng masama pero sinunod ko din.
Handang-handa na akong sumigaw ng 'rape!' nang makita kong nandun sila sir at ang trainor namin. Nanlaki ang mga mata ko. Ba't nandito sila? Gang rape?
"S-sir... a-anong ginagawa niyo dito?" pero hindi niya ako sinagot. Imbes ay sinenyasan niya si bro na ibaba ako sa upuan na malapit sa table na kinauupuan nila.
Pansin kong iba ang aura nilang dalawa ngayon.
Nakatayo lang si bro sa gilid ko.
"S-sir... may problema po ba?" tanong ko ulit. Tinignan ni sir Mosuela ang paanan kong puno ng bandage.
"What happened to that, Ms. Delos Reyes?" tanong niya.
Sa tanong niya palang, alam na alam ko na kung bakit pumunta kami ni bro dito.
"I... s-sir... I---"
"She stepped on something sharp, sir." Rommel answered for me.
"Malaki ba ang sugat?" tanong ni sir.
"Hindi naman po." sumagot ulit si bro.
Tumayo si sir sa upuan niya at pumunta sakin. Nagulat ako nang lumuhod siya at kinuha niya ang right foot ko tsaka pinatong sa lap niya.
"S-sir... ARAY! SHIT, SIR!!!" sigaw ko at pumikit ng mariin. Eh paano ba naman kase? Pinisil niya ng pagkalakas-lakas ang sugat ko.
Pagkatapos nun, bumalik siya sa upuan niya habang ako, dinaramdam parin ang sugat ko. Ang sakit kaya!
"Masakit ba?" tanong ni sir. Dali-dali naman akong tumango.
"Oo naman sir! Ang sakit kaya ng pagkaka-pisil mo kanina!" daing ko. Suminghap si sir.
"Kung ganon, I am very sorry to say this to you, Ms. Delos Reyes, pero hindi ka na makakapag-laro."
"Ano po?" ulit ko.
Baka kasi na-mali lang ako ng pagka-rinig.
"Hindi ka na makakapag-laro. Not with that." sabay tingin niya sa sugat ko.
"Pero sir! Kaya ko naman ah! Maliit lang naman 'to---"
"Maliit? Eh bakit ganun nalang ang reaksyon mo kanina habang pinipisil niya ang sugat mo?" sabat ng trainor ko. Umirap ako sakanya.
"Sir... kaya ko 'to, sir. Sir, please. Gusto kong mag-laro..." pagmamakaawa ko sakanya.
"At paano ka makakapag-laro? Magpa-paa paa ka? Magtsi-tsinelas? Required ang magsoot ng rubber don. At paano ka makakapag-rubber dyan?"
"Sir... kaya ko. Sir, wag niyo naman akong tanggalin, sir."
"No, Ms. Delos Reyes. Kung sana hindi mo inuna ang pagba-bar at pakikipag-party sa mga kaibigan mo, hindi sana nangyari 'to. I'm sorry but ipapasa ko na ang sulat sa administrators. Excuse me." at lumabas na siya. Laglag parin ang panga ko habang nagsisimula nang tumulo ang luha ko.
"Magaling kang player, Delos Reyes. Pero sana, inuna mo yung responsibilities mo." sinabi rin ng trainor namin at lumabas na ulit siya.
"Lyan---"
"Ano?! Pagsasabihan mo rin ako?! Well, then go!"
"Tara na." at binuhat ako ni bro pabalik sa kwarto.
Bakit ganun? Kung kelan ako nag-pursige para sa isang bagay... ang unfair. I don't deserve this. I don't deserve this kasi wala naman akong nagawang masama. Pero bakit?
BINABASA MO ANG
It Started With Love♥ Continuation
RomanceContinuation po Niya hehe ^_^ ACCOUNT ISSUES PO KASI KAYA..