Chapter 22

13 0 0
                                    

Water

"Delos Reyes! Ikaw nanaman! Yan na lang ba ang kaya mo? Kumain ka ba ng agahan o hindi?" sigaw ng trainor namin.

Bwisit! Kung bakit nag-hire pa kasi sila ng baklang trainor eh! Ako nanaman! For the 5th time, ako nanaman! Hinto kasi ako ng hinto para makahinga.

Umirap ako ng palihim sa trainor namin at pinagpatuloy ang pag-takbo. Narinig ko pa ang pag-tawa ni Bella sa ginawa ng trainor.

Kasalukuyan naming iniikot ang buong practice field ng walang hinto. Ani raw kasi ng trainor namin eh kailangan namin ito. Tseh! Neknek niya! Kasalanan ko bang baguhan lang ako sa mga ito?

Nilapitan naman ako ni Andreya dahil masyado na akong nahuhuli sakanila.

"Yaan mo na yun. Mas maganda ka naman dun eh." at kinindatan niya ako. Ngumisi ako.

Nang sa wakas ay pinahinto na niya kami, may umabot sakin ng isang water bottle. Liningon ko naman kung sino iyon.

"Oh. Pawis na pawis ka na." sabi niya habang tinitignan ang mukha kong puno ng pawis. Inabot pa niya ang towel ko sa gym bag at binigay niya. Tinanggap ko naman iyon.

"Oo nga eh." ngumiti ako habang pinupunasan ang mukha ko.

"Inumin mo na 'to. You need it." sabay abot niya ng water bottle. Tatanggapin ko na sana nang may kumuha nito.

"Aww. Thanks, Jv." sabi ni Bella habang binubuksan ang water bottle. Uminom siya doon.

"Bella, that's Lyan's."

"I don't care. I need it. Kanina mo pa inaabot sakanya pero di niya tinatanggap. So, akin na." sabi niya at umalis na.

Nagka-tinginan naman kami ni Jv.

"Sorry. I'll just buy you---"

"Dude. Ba't ang tagal mo? Kanina pa kami nagwa-warm up. Tara na. Pagagalitan tayo ni Sir Mosuela nito." sabi ng ka-team mate niya.

"Sabihin mo sunod nalang ako."

"Jv, ako nalang. Kailangan ka ng team mates mo. Kaya ko naman."

"Lyan---" tinignan ko siya. Napa-buntong hininga ito.

"Tara." at umalis na sila.

I sighed. Binuksan ko ang gym bag ko at hinanap ang wallet ko. Bwisit na Bella yun! Uhaw na uhaw ako eh!

Papaalis na sana ako nang may tumabig sa braso ko. Lumingon ako at nakita ko na si bro yun na may dalang isang supot ng bottled waters.

"Bakit?"

"Sobra kasi yung binili namin ni Andreya. Sayang naman kung itatapon namin."

Itatapon? Ba't di niyo nalang i-save para di ka bili ng bili para sakanya?! Tinanggap ko yung supot.

"Thanks." sabi ko. Tumango siya ng hindi man lang ako tinitignan at umalis na.

JERK!

**

Pinatawag naman kami nung lunch kaya pumunta kami sa fields. Tumabi sakin si Andreya.

"Uy..." hingal na hingal niyang sabi.

"Okay ka lang?" tanong ko. Pulang-pula kasi yung mukha niya.

"Oo... m-may tubig ka ba dyan?"

"Wala eh. Nasa tent ko."

"Ah... naubos kasi yung tubig ko kanina."

WHAT? Eh sobra yung tubig niya este nila diba?

"Diba sobra yung binili niyo kanina ni Rommel?"

Tumango siya.

"Oo. Sobra. Pero kinuha niya yung iba eh. Sabi niya ibibigay niya raw sa mga team-mates niya. Wala ngang naiwan sakin eh."

Napatunganga nalang ako. P-pero diba? So... hindi talaga totoo yung mga sinabi ni bro?

Napa-ngiti nalang ako. At least ngayon, alam kong may pakealam parin siya sakin. That's more important for me.

It Started With Love♥ ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon