Mich
Si Bella lang ang naging maingay throughout the ride. Tahimik kaming dalawa ni Jv sa buong biyahe.
Okay. Nag-kiss sila Jv at Bella dito? So naging mag-on sila? Naguguluhan ako. Nararamdaman ko namang tinitignan ako ni Jv sa salamin pero hindi ko nalang siya pinansin.
Nang sa wakas ay nakarating na kami sa Ayoen, agad na hinila ni Bella si Jv papasok ng bar. I also heard Jv call me but I didn't mind him. Ugh.
Sumunod ako sa loob at nagulat ako nang halos lahat ng nandon ay galing sa seminary.
They look different. Ang wild nila. May nakita akong lalaking dinidilaan ang leeg ng babaeng kasayaw niya.
Dumiretso ako sa counter at nag-order ng shake. Pagkatapos ay lumabas na ako ng bar dahil hindi ko na nakayanan ang ingay.
Naglakad-lakad ako sa resort habang iniinom ko ang shake ko. Maganda naman pala dito sa Ayoen eh. Walang hint ng kadumihan. Malinis. At talagang peaceful. Maliban dun sa bar.
Tumigil ako sa tabing-dagat. Tinanggal ko pa ang sneakers ko para ma-feel ang tubig. Nakaka-relax. Pinikit ko ang mga mata ko.
Pumasok ulit sa isip ko ang sinabi ni Bella kanina. First kiss? Kanino? Kay Bella ba? Kay Jv? O sa kanilang dalawa? Pero bakit? Paano?
Uminom ulit ako sa shake ko. Hindi dapat ako ganito. Labas ako dun. Labas ako sakanilang dalawa. Labas ako sa ginawa nila.
"Mich, you're more than enough for me." mabilis kong nilingon ang nagsabi non.
Si Mj na kasama ang babaeng hinalikan niya nung isang gabi. Silang dalawa. Nasa harap ko.
"I love you, Stin." sabi naman ng babae. Ngumiti si Mj.
They really can do this infront of me, huh. Well, let's see.
"Then what about Jamikka, Mj?" nanghahamon na sinabi ko at pumunta ako sa gitna nila.
Namutla agad si Mj nang makita niya ako. I smirked at him at tinignan ko ang babae niya. Halatang nagtataka siya sa mga pinagsasasabi ko.
"Lyan..." malumanay na tawag niya sakin.
"Isn't she enough for you? Kulang pa ba ang 5 years na pagsasama na yun?"
"Stin, anong sinasabi niya?" naguguluhang tanong ng babae.
"Mich---"
"Miss... I just want to introduce myself. I am the bestfriend of your boyfriend's real girlfriend." I proudly said. Nagulat ang babae and then she faced Mj.
"Y-you have a girlfriend?" tanong ng babae at bago pa maka-sagot si Mj, inunahan ko na siya.
"Yes. Her name's Jamikka. And they've been together for 5 years. Biruin mo yun? Ang tagal nila, diba?" pagmamalaki ko. Nakita kong tumulo ang luha ng babae. She's hurt.
"So how does it feel, Miss? To ruin their history? How does it feel?" she was crying. Siguro nagsisisi siya. Too late for her.
"Lyan, she's not---"
"At ikaw... how's the feeling? That you got us looking stupid all this time thinking that you're the one for her. Huh?"
Hindi siya sumagot.
"A-alis na 'ko." sabi ng babae at aalis na sana nang hinawakan ni Mj ang wrist niya.
"Mich, I can explain---"
"Maybe we aren't really for each other." at tinanggal niya ang kamay ni Mj saka tumakbo.
Tinignan ko si Mj. Hurt and guilt was written all over his face.
"Did you really love Jamikka?"
Dalawang minuto bago siya sumagot.
"I love her---"
"But not that much because you cheated, right?"
"Lyan... you don't understand..."
Panimula niya. Tinaas ko ang isang kilay ko, showing that I wasn't pleased.
"Crush ko si Mich simula pa nung elem. Pero paulit-ulit lang niya akong nire-reject non. Hanggang sa bumalik siya sa probinsya nila. I was heartbroken that time... then... I met..."
At tinignan niya ako. His eyes asking if he could continue what he was saying.
"Jamikka... she reminds me so much of Mich. And nung nalaman ko na gusto niya 'ko, that's when I tried to forget Mich. For 5 years, I was happy and in-love with Jam."
Nakikita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata. But it's not working on me anymore.
"How did you and Mich---"
"She works at the seminary."
Hindi ako nagsalita. I don't want to talk to him.
"Akala ko wala na talaga nung nakita at nakausap ko siya. Kaya umiwas ako sakanya. Pero nung umamin siya at umiyak sa harap ko... all I could think of that time was her---"
Sinampal ko siya ng malakas. Shit ka Mj! Nakita kong hindi siya pumalag sa sampal ko. He stayed like that. Na parang ina-accept niya ang sampal na yun.
"Maka-sarili ka! You didn't even consider Jamikka's feelings!" punong-puno ng hatred kong sinabi.
Nanlaki ang mga mata ko nang may naalala ako.
"Nung gabing... nung gabing nag-hahalikan kayo sa fields... m-may nangyari na ba sa inyo?"
Ayaw ko mang tanungin pero I couldn't just take it anymore.
Tinignan niya ako saka siya unti-unting tumango. Nalaglag naman ng sobrang baba ang panga ko at nanlaki ang mga mata ko. Tinapon ko ang shake ko sa buhangin.
THIS GUY'S REALLY... fvck. Sinampal ko ulit siya. And this time, naging super red na ang pisngi niya at ang kamay ko.
"Hindi mo man lang dineny?! Ha, Mj?! Shit!" at pinunta ko ang kamay ko sa noo at pumikit. Sobra-sobrang frustration na ang nararamdaman ko. Pano pa kaya ang girlfriend niya?
"Pero Lyan, believe me... I love---" at sinubukan pa niyang hawakan ang dalawang kamay ko pero binawi ko iyon.
"Don't touch me..." at tumakbo na ako papalayo. Narinig kong tinawag niya ako pero I didn't mind him. Barefoot akong tumatakbo habang umiiyak but I don't care. I just want to cry it all out right now.
Tumatakbo ako nang I felt something on my feet. At dahil dun ay napa-dapa ako sa buhangin.
Umupo ako dahil naramdaman kong masakit ang right foot ko.
"Lyan! Lyan! Shit, are you okay?" tinignan ko si Mj na napa-upo at tinitignan ako. Pumunta ang tingin niya sa paa ko.
"Shit, may bubog sa paa mo. Tara. I'll take you to the hospital." at akmang bubuhatin na niya ako pero tinulak ko siya.
"Ayoko. Pabayaan mo na ako." sabi ko despite my situation. Pained ang expression ko.
"Pero---"
Napatalon ako nang may bumuhat sakin. Tinignan ko kung sino iyon.
"A-anong ginagawa mo?" tanong ko pero hindi niya ako pinansin.
"I'll take her." sinabi ni bro kay Mj. Tumango naman si Mj.
"Yung sneakers ko..." sabi ko kay bro habang papunta kami sa labas ng Ayoen.
Ba't ba siya nandito?
"Uunahin muna natin 'yang sugat mo. Ayokong mamantsahan ng dugo ang sasakyan ko." sabi niya.
"Aba't---" napatigil ako nang wala akong maisagot.
And the next thing I knew, papunta na kami sa hospital.
BINABASA MO ANG
It Started With Love♥ Continuation
RomanceContinuation po Niya hehe ^_^ ACCOUNT ISSUES PO KASI KAYA..