Chapter 24

10 0 0
                                    

First Kiss

Mainit parin ang ulo ko sa mga sumunod na araw. Ramdam kong tinitignan ako ni bro everytime na magkalapit kami but I wouldn't do the same. Tss. At dahil na rin sa mood ko, nag-improve ang laro ko. Sinabi ng trainor namin na pak na pak daw ang mga spike at serve ko. Tinanong din niya kung ano raw ang nangyari sakin at bakit nag-level up ako. Hindi ko nalang siya pinansin. Nakikita ko rin si Mj pag practice nila. At kitang-kita sa mukha niya na masaya siya. Tss. Masaya siya na tino-two time niya ang gummy ko. Ang kapal lang ng mukha.

Huling araw na namin ngayon sa seminary. Kaya eto kami, todo practice.

"Hi..." nilingon ko si Jv habang naka-pokerface ako. Naka-ngiti siya at pawis na pawis galing sa basketball court.

"Sungit mo naman." sabi pa niya at kinurot niya ang pisngi ko. Pokerface parin ako.

Nang wala parin akong balak na makipag-usap sakanya, may nilabas siya sa gym bag niya. Nakita kong isang Pepero iyon. Tinignan ko iyon at agad na sumang-ayon ang tiyan ko. Napalunok ako. Akmang kukunin ko na iyon nang nilayo niya.

"Hindi naman sayo 'to ah. Ba't kinukuha mo?" nang-aasar na sabi niya.

"Akin na!" sabay abot ko.

"Nilabas mo eh! Edi akin yan! Akin na! Gutom na 'ko!" sabay abot ulit.

"Smile ka muna." sabi niya. Binigyan ko siya ng isang plastic na ngiti.

Tumawa ulit siya tapos kinurot niya ulit ang pisngi ko.

"Ba't ba bad mood ka?" tanong niya. Hindi ko nalang siya pinansin at binuksan ko na iyong Pepero.

"Sige na nga. Alis na 'ko." sabi niya at umalis na.

Pinagpatuloy ko ang pagkain ko nang napadpad ang tingin ko kay bro at Andreya sa isang sulok. Si Andreya na naka-patong ang ulo sa balikat ni bro at si bro na kinakalikot ang phone niya. Tss. Tae.

Padabog kong tinapon sa basurahan ang naubos kong Pepero at umalis na sa volleyball court.

Palakad-lakad ako sa seminary nang kinausap ako ni Bella.

"May lakad kami ng girls mamayang gabi. Sasama ka?" bored niyang sinabi.

"Saan?"

"Basta."

"Ahm---"

"Yannie!" tinignan ko si Jv na ngayon ay papunta na sa amin ni Bella. Kakausapin ko na sana siya pero inunahan ako ni Bella na mukhang nabuhayan ng loob.

"Hi Jv! May lakad kami mamayang gabi! Ano? sama kayong dalawa?"

"Saan?"

"Dun sa Ayoen. Alam mo kung saan?"

"Ah... oo. Anong gagawin niyo dun?"

"Magce-celebrate."

"Celebrate? Eh hindi pa nga tayo nananalo eh." singit ko.

Pag kay Jv talaga, nabubuhayan ng malalanding WHORE-mones ang babaeng ito!

"Basta. We wanna celebrate something. At hindi iyon makukumpleto kung wala kayong dalawa. So ano? Sasama kayo?"

"Hindi ba magagalit sila sir?" tanong ko.

"No. Sabi nila kanina, gala time na natin mamaya. So ano?" tanong niya ulit.

Nagka-tinginan kami ni Jv.

"Okay." sabay naming sinabi. Lumaki naman ang ngisi niya.

Ewan ko but I've got a bad feeling about this.

**

Nag-suot ako ng isang cropped top, high-waisted shorts at sneakers. Nagdala narin ako ng jacket. Pagkatapos kong mag-ayos, pumunta ako sa labas ng seminary kung saan kami magkikita-kita. At mukhang ako nalang talaga ang hinihintay nila dahil nang nakita ako ni Bella ay umirap siya.

"Finally! Akala namin, hindi ka na sasama!" sinabi niya. She then turned to Jv.

"Tara na! I'm soooooooo excited!" at pumasok na siya sa front seat ng kotse ni Jv.

Wait. Front seat?

"Bella, dyan si Lyan." sinabi ni Jv nang napansin niya ang pagka-tulala ko.

"Oh please, Jv. Para namang first time ko maka-sakay dito e we shared our first kiss naman here."

Nanlaki naman ang mata ko at tinignan ko si Jv. He was wearing the same expression too.

It Started With Love♥ ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon