Pepero
"Oh Lyan, you're here..." sabi ni Andreya nang naka-ngiti. Malamang Andreya, alangan namang papunta palang ako. Teka, ba't ba naging mainit ang ulo ko sakanya? Please, don't tell me it's because of the jealousy.
Nginitian ko siya. Yeah, I know it's fake.
"Abuan, Andalio, Arellano..." at nag-check pa ng attendance ang admin namin.
May kumalabit naman sakin kaya napalingon ako.
"Jv!"
Ngumiti siya.
"Sasakay ka ba sa bus?" umiling ako.
"Ok... then san ka sasakay?" tanong niya. Na-guilty naman ako bigla. Shet gummy, sorry. I'll make it up to you talaga when I get home. Hindi ako malandi, concerned lang talaga ako sa feelings ng mga manliligaw ko...
"Ok lang ba kung sasabit ako sa sasakyan mo?" tanong ko with matching smile.
Nakita kong mas lalong lumaki ang ngiti niya.
"Sure!"
**
"Wala ka nang bibilhin? Junk foods, drinks, or anything?" tanong niya habang nag-aayos kami ng seatbelt. Napa-isip naman ako bigla. Waaahhh! Oo nga pala! Di ako nagdala ng Pepero! Urghhh. Favorite ko pa naman yun.
"Uhm, Pepero lang." sabi ko sabay smile. Hihihi.
"Sige... bilhan kita mamaya." sabi niyang naka-ngiti at nag-drive na siya. Kinuha ko na rin ang earphones ko at nakinig nalang ako sa music.
Hay, Jv. Why do you have to be so good?
Pinikit ko ang mga mata ko. Tama. Ganito dapat ang mangyari. Ang palagi kong makasama si Jv nang makalimutan kong may gusto ako kay Bro. Kung ganito lang sana palagi, e malamang inlove na inlove na ako kay Jv.
"Lyan..." binuksan ko ang isang mata ko at tumingin ako sakanya. He chuckled.
"Akala ko tulog ka... tatanungin ko lang kung anong flavor yung gusto mong Pepero." sabi niya. Napansin ko namang nag-stop over kami sa isang convenience store. Kinusot ko ang mata ko at umayos sa pag-upo.
Nakakahiya naman kung siya ang bibili. Ako na nga ang sumabit, ako pa 'tong nag-utos.
"Samahan na kita." sabi ko. Hindi na rin siya umangal dahil binuksan ko na ang pinto. Lumabas rin siya. Sinoot ko ang hoodie ko. Ang lamig kaya sa Baguio!
"Ako na." sabi niya at inunahan niya akong bumukas sa pinto. Napa-ngiti naman ako.
Dumiretso ako sa racks ng mga Pepero at kumuha ako ng sampung karton nung may almonds. Di bale. Ako naman ang magbabayad e.
"Bili lang ako ng drinks natin." paalam ni Jv at umalis na siya.
Tumitingin pa ako nang...
"Lyan!" lumingon ako. Oh. Si Andreya at si Bro. Ouch. Ngumiti nalang ako.
"Akala ko sumabay ka sa bus?" Umiling ako at tumingin kay Bro. Naka-iwas ang tingin niya samin. SAKIN. I guess he didn't even like my presence here.
"Hindi e. Sumabay lang ako."
"Kanino?"
"Kay Jv..." ngumiti naman siya at napa-tingin siya sa hawak-hawak ko. Nanlaki ang mga mata niya.
"Gusto mo rin pala yan?" tanong niya habang tinuturo ang mga Peperong hawak-hawak ko.
"Favorite ko." ngumiti ako. Tumawa naman siya.
"Pareho pala kayo ni Rommel? E pinakuha nga niya ako ng lima kanina niyan e. Hahaha! Ito oh!" sabay pakita niya sa mga supot na hawak ni Bro. Tinignan ko rin iyon at nagkatinginan naman kaming dalawa.
Paborito namin yang dalawa. Yan ang kinakain namin pag depressed kami or pag bored. Ngayon ko lang na-realize na sobrang na-miss ko pala siya. Damn.
Binawi niya ang tingin niya. "Tara na. Mala-late na tayo." at nauna na siyang umalis.
"Ang suplado talaga nung lalaking yun." sabi niya while making faces.
"Sige, Lyan!" sabi ni Andreya. Nag-goodbye narin ako at umalis na rin siya.
Natulala lang ako. What did I do to him? Ano bang nagawa ko sakanya para iwasan niya ako ng ganito?
"Tara? Okay ka na?" sabi ni Jv. Tumango nalang ako.
**
"Lyan, are you okay?" tanong niya habang nasa sasakyan na kami.
"Y-yeah... of course."
I mean, who wouldn't be okay to see my bestfriend with the girl of his dreams? Who wouldn't be okay to feel and see that my bestfriend is slowly drifting away from me?
BINABASA MO ANG
It Started With Love♥ Continuation
RomanceContinuation po Niya hehe ^_^ ACCOUNT ISSUES PO KASI KAYA..