Don't Interfere
Hindi parin matanggal ang ngiti ko pagkatapos naming kumain ng dinner. Nang natapos na ako, pumunta ako sa room namin at nakita kong naka-online si Gummy. I sent her a message na agad naman niyang sinunod.
"So... kamusta?" sabi niya.
"Err... okay lang."
"Bantayan mo ang Mj ko ha!" pangaral niya sakin. Tumawa naman ako. So clingy.
"Kdot." at napa-tingin naman ako sa labas ng bintana. Nakita kong may babae at lalakeng tumatakbo papunta sa maliit na bench dun.
Nagtagal ang titig ko sa lalaki. Oh no... no, no, no. Hindi pwede.
"Gummy? Baba ko na a? May gagawin lang ako."
"Wait la---" binaba ko na at tinignan ko ulit sila. Naka-upo sila sa bench at mukhang may pinag-uusapan. Maingat akong bumangon at naglakad para hindi magising ang mga kasama ko. Nag-suot ako ng jacket at dali-dali akong pumunta sa labas.
Inabangan ko sila at nanlaki ang mga mata ko nang nag-halikan sila.
No... no, no. Hindi niya magagawa 'to. Nilandi lang siguro siya... no... This is not happening.
Ang sakit pala. Ang sakit makita na sinira nung lalaking pinagkakatiwalaan mo ang tiwala mo sakanya.
Namuo ang luha ko habang tinitignan ko sila, lalo na nung hinila pa niya ang babae patungo sa katawan niya. Now I know... he also wanted this. Literal na akong umiiyak ngayon. Basta ang alam ko... kinamumuhian ko na siya. Pano niya nagawa 'to? Of all the things na pwede niyang gawin, bakit ito pa?
Pinunasan ko ang mga luha ko at tinignan ulit sila. Hindi... kailangan ko siyang i-confront. Hindi niya pwedeng gawin 'to. Hindi ako papayag. Bumilis ang pag-hinga ko.
Susugod na sana ako papunta sa kanilang dalawa nang pinigilan ako ng isang braso. Nilingon ko kung sino iyon.
"Anong gagawin mo?" casual niyang tanong.
Eh tanga ka pala bro eh! Ikaw siguro ang makakita na nakikipag-halikan sa iba yung boyfriend ng bestfriend mo, knowing their 5-years relationship, tutunganga ka?!
"Ano ba sa tingin mo?" pissed off kong sagot.
He remained silent. Tinitignan niya lang ako habang hawak niya ang wrist ko.
"Bitiwan mo nga ako!" sigaw ko sakanya sabay bawi sa kamay ko pero tinakpan niya ang bunganga ko at hinila niya ako papunta sa kung-saan.
"Mmmmmmhhhmm!" sigaw ako ng sigaw dahil masyado na akong naha-high blood sakanya ngayon.
"Useless yan." sabi niya naman sa bawat sigaw ko.
Hinila-hila niya ako hanggang sa labas. Wala bang security dito? Ugh!
Kinagat ko ang kamay niya ng todong-todo kaya naman binitawan niya ako habang nagmumura siya.
Saka ko naman napansin na nandito na talaga kami sa labas. May streetlight pa nga eh. Katakot naman. Ang dilim dilim. Yung streetlight lang ang nagsisilbing ilaw naming dalawa.
"Ba't mo ba ako dinala dito?! Ugh!" mataray kong tanong habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Ano? Sa tingin mo ba hahayaan kong sugurin mo sila?" sabi niya na parang ang bobo ko lang dahil hindi ko alam yun.
Tinuro-turo ko ang seminary kung nasan silang dalawa. "Niloloko niya ang gummy ko! Sa tingin mo ba na hahayaan ko lang yun?!" sabi ko. Puputok na talaga ang mga ugat ko sa ulo dahil sa kasisigaw.
BINABASA MO ANG
It Started With Love♥ Continuation
RomanceContinuation po Niya hehe ^_^ ACCOUNT ISSUES PO KASI KAYA..