uwian na! makikita ko na naman siya sa may claveria...
makikita ko na naman ang crush ko... kahit na araw-araw ko naman siyang nakikita sa school iba pa rin kapag sa may claveria ko siya nakikita.. kumakain ng street food..
pano hindi naman kasi lahat ng babae kumakain ng street food.. palagi nilang sinasabi na madumi raw.. blah blah blah... ang dami kasing maaarte sa school namin.. kaya nga nagustuhan ko si Jessie... hindi siya tulad nung ibang girls sa school na 'to... simple lang siya.. walang arte sa katawan...
naaalala ko pa nung una ko siyang nakilala...
dito rin yun sa may claveria... nagmamadali siyang umuwi nang biglang nasira yung bag niya at nahulog lahat ng libro niya.. dali dali ko naman siyang tinulungan.. hindi ko pa siya crush nun...
nakatingin lahat ng tao sa amin... ang akala ko nga bigla siyang aalis pagkapulot nung mga libro niya... kaso hindi... nagulat nga ako at tumawa pa siya.. tinawanan niya ang sarili niya... hindi raw kasi niya napansin na sira na yung bag niya....
nakitawa na rin ako sa kanya... tapos niyaya niya akong kumain ng street food... ililibre ko pa nga sana siya kaso siya pa yung nagbayad... bilang "thank you" na raw yun sa pagtulong ko sa kanya... pumayag naman ako...
at dun na nga nagsimula ang lahat....
kahit hanggang ngayon na 3rd year na kami, crush ko pa rin siya.. sabi nga ng barkada ko dapat daw magtapat na ako...
MAGTAPAT? AKO?
patawa talaga 'tong mga barkada ko... hindi ko nga alam kung naaalala pa niya ako... tingin ko nga hindi na eh... almost 2 years na kaya ang nakalipas nung nangyari yun... malamang di niya na tanda yun...
PERO AKO...
TANDANG-TANDA KO PA...
dagdag pa nila hindi na lang daw basta crush yung nararamdaman ko.. "love" na daw ang tawag dito...
haha.. oo love nga...
ONE-SIDED LOVE.
alam ko naman kasi na madaming pumoporma sa kanya.. lagi ko kayang nakikita yung mga lalaki na umaali-aligid sa kanya... hindi nga ako sigurado kung single pa siya....
oo ako na ang torpe..
e ano ba naman kasi ang alam ko sa ligaw-ligaw na yan...
kuntento na rin ako sa ligaw-tingin...
okay na sa akin na makita ko siya sa may claveria, kumakain ng street food...
KUNTENTO NA AKO DUN....
yun ang palagi kong sinasabi sa sarili ko...
at yun din ang akala ko....
pano ba naman... nalaman ko kasi na magtatapat yung isa kong kaklase sa kanya... at akala ko okay lang din sa akin... akala ko okay lang na may ibang magtapat sa kanya...
bigla ko tuloy na-imagine na pag nagkataon may iba na siyang kasamang kumakain ng street food...
ewan ko ba pero nang naisip ko yun.. biglang nag-iba ang pakiramdam ko at dali-dali na lang akong tumakbo papunta sa may mga street food.
agad-agad kong kinuntsaba yung nagtitinda ng street food.. buti nga eh pumayag sila sa gimik ko...
uwian na nun kaya kapos na ako sa oras.. tapos nandyan na siya palabas ng gate...
"Bahala na."
wala na akong pakialam kung mabasted man ako sa harap ng madaming tao...
iisa lang ang naisip ko nun...
HINDI KO KAYANG MAKITA NA MAY IBA SIYANG KASAMA.
nung nakalabas na siya sa gate kasama yung mga kaibigan niya... nilapitan ko siya... sabay abot ng ilang stick ng isaw...
ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa buong buhay ko... yung tipo na parang gusto ko na lang maglaho bigla... pero wala ng atrasan 'to...
pagkaabot ko sa kanya ng isaw. tinawag ko na agad yung mga street food vendor... tapos inilinya nila yung mga kariton nila at nabuo ang sentence na:
"JESSIE I REALLY LIKE YOU... WILL YOU BE MY GRILFRIEND?"
hindi siya kumibo...
natagalan bago ulit ako nakalingon sa kanya...
mababasted na ata ako...
pero bahala na...humarap na ulit ako sa kanya...
laking gulat ko...
naiiyak siya habang nakangiti...
sabay sabi ng...
"Sira ka pala e! Magtatapat ka rin pala pinatagal mo pa ng 2 years... ang hirap kayang maghintay... Louie!"
wala na akong nasabi pagkatapos kong marinig yun sa kanya... matagal na rin pala niya akong crush...
niyakap ko na lang siya at natawa na lang ako sa sarili ko...
sino ba naman kasi ang mag-aakala na makakakita ako ng "love life" sa street food? :)