+ Some Text Missing

237 7 2
                                    

"Ang mahiwagang mensahe~~"

Biglang tumunog yung cellphone ko. Sino naman 'tong nagtext sa akin.

1 new message.

FROM: Chino

oy.. wun? may lakad dw ang barkada.. sama ka?

Si Chino pala yung nagtext.

Reply:

di ako pwede ngaun. busy. kelangan ko pa tpusin ung ARP nmin. sori. pkisabi na lng din sa brkada.

SENT.

Tae naman. Ngayon pa nila naisipan gumala.. gustuhin ko man di rin ako pwede dahil sa ARP (Argumentative Research Paper) namin.

Medyo awkward din kaya. Nandun si Chino. Kagulat pa nga at siya yung nagtext sa akin. Sigurado inutusan naman siya ng barkada namin.

Bahala na.

"Ang mahiwagang mensahe~~"

May nagtext na naman. Si Chino na naman siguro 'to.

1 new message.

FROM: Sun Cellular

DELETE.

Akala ko si Chino.. Sun lang pala. Bakit ko nga ba naisip na si Chino yung nagtext? 

Nagkakagusto na rin ba ako sa kanya?

Shit o. A-W-K-W-A-R-D!

Barkada kami pero nag-iba na yung tingin ko sa kanya pagkatapos niyang magconfess sa akin. Fourth year high school kami nung nagconfess siya. Halos 1 year na ang nakalipas pero di ko pa rin makalimutan yun at simula nun naging awkward na yung pakikitungo ko sa kanya.

Ewan ko ba kung bakit. Pero awkward lang talaga. Siguro awkward dahil binasted ko siya nun pero kahit ganun ang nangyari hindi nagbago yung pakikitungo niya sa akin.

Pakiramdam ko nga ako lang yung nakakaramdam ng feeling na yun.

Bakit? Nakokonsensya ba ako dahil binasted ko siya nun?

Nakokonsensya ba ako dahil nalaman ko sa mga kabarkada namin na iniyakan niya raw ako?

TAE oh. Yun mas lalo pang nakadagdag sa awkwardness na nararamdaman. Nung nalaman ko na umiyak siya. Iniyakan niya ako.

Pero tingin ko naman naka-move on na siya. Nakaka-smile na nga siya sa akin e. Dapat lang nga na magmove-on na siya. 1 year na kaya nun.... 1 year na nga..

"Scrolling through my cellphone for the 20th time today

Reading that text you sent me again

Though I memorized it anyway~~"

Nagising ako sa ringtone ng cellphone ko. May tumatawag pala. Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Hello. Sorry ngayon ko lang nasagot. Ngayon lang kasi ako nagising..." sabi ko habang naghihikab.

"Hello Pat... di mo ba na-receive yung text ko kagabi? Kanina pa kami dito sa tambayan.. pumunta ka raw sabi nila..." kahit di ko na tingnan ang pangalan nung tumatawag alam ko kung kaninong boses 'to. Boses 'to ni Chino. Ngayon niya lang ulit ako tinawagan.

"Ah Chino sorry talaga.. Na-receive ko yung message kaso nakalimutan kong i-set yung alarm clock ko.. papunta na ako.. pakisabi sa barkada--" 

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon