YEN'S POV.
Valentine's Day na bukas. Anniversary din namin bukas ni Keith..
Tanda ko pa kung papano siya nagconfess sa akin nun...
Haha.. Kahit 1 year na kami kinikilig pa rin ako kapag naaalala ko yun.
Haba kaya ng buhok nung time na yun. Kinuntsaba pa niya yung barkada ko.
Bukas kaya... ano kaya ang ibibigay niya sa akin?
**VALENTINE'S DAY**
Ang tagal naman ni Keith. 20 minutes na ako naghihintay dito wala pa rin siya.
Hindi rin siya sumabay sa akin kanina papuntang school... Di rin siya nagpakita nung recess break.
Baka naman....
Hindi... hindi yan... sa dinami-dami ng pwede niyang makalimutan yung anniversary pa namin. Tsaka si Keith ata yung pinag-uusapan natin.. Imposibleng makalimutan niya yun.
Nag-iimagine lang ako ng kung anu-ano...
I TRUST KEITH NAMAN E.
Kaso ngayon lang 'to nangyari... ngayon lang siya na-late...
Ay naku Yen.. nag-ooverthink ka lang...
"Sorry matagal kasi natapos yung practice namin sa sayaw..." sabi ni Keith.
Ngumiti lang ako. Tiningnan ko siya. Wala siyang dalang flowers. Walang chocolate. Walang kung anu man.
Nakalimutan niya talaga?
"Kain na tayo... baka mapuno na ng tuluyan ang caf.. gutom na rin ako."
Sabi niya. Yun lang ang sinabi niya.
TAE.
Sa dinami-dami ng pwede niyang kalimutan yun pang anniversary namin.... wala akong pakialam kung makalimutan niya ang Valentine's Day pero ang makalimutan niya ang anniversary namin--
IBANG USAPAN NA YUN.
Sinamahan ko siya sa caf. Hindi ako kumain ng full meal. Nawalan kasi ako ng gana. Hindi rin ako kumikibo. Tingin ko naman napansin niya yun...
Hindi rin siya masyadong kumikibo.
Gustung-gusto ko na nga sana ipaalala sa kanya na anniversary namin ngayon kaso ayoko.
Gusto kong siya ang makaalala.
KASO MUKHANG WALA TALAGA.
Pagkatapos naming kumain umalis agad siya. May practice pa RAW ulit kasi sila. Itetext niya na lang daw ako mamaya..
Yung practice naalala pero yung anniversary namin hindi?!
TAE TALAGA.
Bahala siya.
Siguro ganun talaga... Kapag matagal na kayo sa relationship... Nagsasawa na yung isa.
Uwian na. Wala talaga. Kahit sa text wala. Pinapunta niya lang ako sa gazeebo.
Hindi ba talaga niya naalala?
SHET SIYA KUNG GANUN NGA.
Ilang minuto rin ako naghintay sa gazeebo. Sa gazeebo pa niya ako pinaghintay kung saan puno ng flowers at lovers... habang ayun ako.. mag-isa...hinihintay siya.
Aalis na sana ako nang biglang tumigil sa pagkilos yung mga tao sa gazeebo tapos nagsayawan na sila
Nagulat ako.. Akala ko parang flash mob lang 'to ng isang section tapos nakita ko na lang si Keith. Kasali siya sa mga nagsasayaw.
Eh hindi niya naman 'to section ah. Dun ko na napansin na kasali sa mga nagsasayaw yung mga kasama niya sa dance troupe.
Hindi pa ma-process ng utak ko kung bakit siya nandun nang biglang pinatugtog yung "By Chance" na kanta.. tumigil lahat sila sa pagsayaw except kay Keith.
TAE. THEME SONG NAMIN YUN!
Sinayaw ni Keith yung theme song namin. Nag-ala JAMICH ang sira.
Nandun lang ako nakatayo...pinapanood siya hanggang sa matapos yung kanta. Sigurado ako na pulang-pula ang mukha ko nung time na yun...
Nilapitan niya ako sabay bigay ng bouquet ng flowers at sabing...
"Happy Anniversary Babe... kala mo nakalimutan ko no..." :)