+ Tulay

139 2 2
                                    

"Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi ko na lang sana tinulungan si Jake sa panliligaw kay Abbie... Hindi na lang sana ako nagvolunteer pa na maging bridge nilang dalawa."

SHET.

Malay ko ba na ganito pala kasakit...

Malay ko ba na ganito ang mangyayari...

Malay ko ba na mai-in love rin ako kay Abbie...

Eh kung alam ko lang sana...

kung nalaman ko lang agad...

 .

**flashback**

"Oy yung usapan natin ah!" pasigaw na habol ni Jake habang patakbo siya pabalik sa classroom niya.

"Oo nga. Ako na ang bahala.." sagot ko naman sa kanya habang pabalik na rin ako sa sarili kong classroom.

Nagpapatulong kasi yung ungas sa akin. Nagpapatulong na manligaw sa isa kong classmate. Si Abbie. Ewan ko nga kung ano nakita ni Jake sa kanya. Hindi naman siya masyadong maganda. Hindi rin siya cute. Tingin ko pa nga boring ang personality niya pero dahil tropa at best friend ko si Jake tutulungan ko siya.

"Hindi naman siguro magiging problema kung magiging bridge ako. Imposible naman kasi na magkagusto ako kay Abbie. Hindi naman ang tulad niya ang type ko."

"Abbie may nagpapabigay nga pala..." sabi ko sa kanya sabay abot ng chocolate.

Ngumiti lang siya sa akin. Tapos yumuko agad. Ang weird talaga. Mukhang kinilig ata siya sa binigay na chocolate ni Jake. Kumakagat din pala ang mga tulad niya sa ganyang gimik ng mga lalake.

Mukhang okay naman ang lahat. Gumagana ang plano ni Jake. Ang kelangan ko lang naman gawin ibigay yung mga pinapabigay ni Jake sa kanya tsaka dapat din daw malaman ko kung ano yung mga ayaw at gusto ni Abbie para raw malaman niya.

Sa madaling salita... Kailangan kong maging close kay Abbie.

"Paul ano na... Close na ba kayo?" makulit na tanong ni Jake sabay hampas sa likod ko.

"Tina-try ko na ngang maging close sa kanya... mukhang madali naman siyang kausapin..." sagot ko sa kanya sabay ganti rin ng hampas sa likod niya.

"Ah hi Jake... hi Paul... may sobra kasi sa ginawa kong desert... baka gusto niyo... bilang thank you na rin sa chocolate last week." pabulong na sabi ni Abbie habang nagba-blush. Inilagay niya sa table ko yung desert tapos tumakbo na siya pabalik sa upuan niya.

Nagblush siya.

Nagblush siya.. pero mukhang hindi napansin ni Jake. Sobrang tuwa kasi nung kumag dahil sa desert na binigay ni Abbie.

Mukhang gusto niya rin si Jake. Magiging madali na lang pala ang trabaho ko nito e. Sisiw na lang 'to.

Ilang weeks din akong nakipagclose kay Abbie. Pinapakinggan ko yung mga boring niyang kwento tapos sinasabi ko naman agad kay Jake pag nagkita kami.

Nakakapagod pala. Nakakapagod pala maging bridge sa kanilang dalawa.

Ilang weeks na din akong naging bridge sa kanilang dalawa. Medyo nasanay na rin ako na palagi kong kasama si Abbie, wala rin naman siyang ibang masasamahan kasi wala siyang barkada sa klase namin.

Sa ilang weeks na yun medyo nagbago rin ang tingin ko kay Abbie. Hindi naman pala boring ang personality niya. Hindi rin siya boring kasama.

Ang totoo medyo okay naman siya... medyo cute nga siya... palage lang siya nakasmile sayo... madaling pakisamahan... nakikinig kapag may sinasabi ka sa kanya... walang kadramahan sa katawan... simple lang walang arte sa katawan.

Kaya hindi na ako nagtataka ngayon kung bakit nagustuhan siya ni Jake.

Ang totoo madali lang siyang magustuhan ng kahit sinong lalaki kung kikilalanin lang talaga siya. Maski nga siguro AKO, MAGUGUSTUHAN SIYA.

"Bukas ko na sasabihin kay Abbie. Bukas na ako magtatapat... Salamat sa tulong Paul.." sabi sa akin ni Jake sabay tapik sa balikat ko.

"Okay, good luck!" sagot ko kay Jake habang nakangiti.

Nakangiti nga ako pero pakiramdam ko hindi dapat. Hindi dapat ako nakangiti. Tapos bigla ko na lang naalala si Abbie. Bigla ko naalala yung kwento niya... yung smile niya... kahit yung first time ko siya kinausap bigla kong naalala.

Hindi ko ma-gets kung bakit naalala ko lahat yun bigla-bigla.

Tapos biglang lumutang sa isip ko yung sinabi ko...

"Maski nga siguro AKO, MAGUGUSTUHAN SIYA."

SHIT.

In love ba ako kay Abbie? Kelan ba nagsimula na magustuhan ko siya?

Magdamag na nagpaikot-ikot sa utak ko yung dalawang tanong na yun. Hindi nga ako nakatulog, lalo pa't alam ko na ngayon na magko-confess ang best friend ko kay Abbie.

 Lunch break nang pumunta si Jake sa classroom namin. Kinausap niya kaming dalawa ni Abbie tapos pumunta kami sa likod ng canteen.

Wala lang kibo si Abbie. Nakatayo lang siya sa tabi ko.

SA TABI KO.

Si Jake naman nasa harapan naming dalawa. Kung titingnan mo ang mukha niya para siyang natatae na hindi ko malaman. Pero kahit ako hindi ko rin maintindihan kung ano ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Parang may masakit sa loob ko na ewan.

Magsasalita na sana si Jake nang biglang humakbang paabante si Abbie. 

Sa hindi ko malamang dahilan biglang mas tumindi yung sakit na nararamdaman ko. Hindi lang siya dumoble... trumiple pa.

"Paul... ano kasi... ang totoo... gusto na kita simula pa lang nung first pa tayo... kahit di mo pa ako kilala nun gusto na kita.. kaya ng natuwa ako nung naging close tayo..." sabi ni Abbie habang nakatingin diretso sa akin.

Nung marinig ko yun, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kung ano dahil kitang-kita ko sa likod niya... nandun si Jake, ang best friend ko.. nakatayo...

"Maski nga siguro AKO, MAGUGUSTUHAN SIYA."

"Maski nga siguro AKO, MAGUGUSTUHAN SIYA."

"Maski nga siguro AKO, MAGUGUSTUHAN SIYA."

Paulit-ulit na lumitaw yung mga salitang yun sa utak ko...

"Gusto ko si Abbie... gusto ko siya..."

GUSTO DIN KITA.

Yun ang gusto kong sabihin kay Abbie ng mga oras na yun pero iba ang lumabas sa bibig ko...

"Sorry Abbie pero hindi kita gusto. Si Jake... siya ang may gusto sayo. Naging TULAY lang naman ako sa inyong dalawa. Sorry..."

Hindi ko matingnan si Abbie ng diretso habang sinasabi ko yun sa kanya dahil alam ko na kapag tiningnan ko siya... baka maamin ko pa ang totoo.. Kaya umalis na agad ako pagkasabi nun sa kanya. Iniwan ko siya kasama si Jake.

TOTOO NAMAN BRIDGE LANG AKO. TULAY LANG AKO SA KANILANG DALAWA.

ISANG TULAY NA HINDI PWEDENG MA-IN LOVE SA ITINATAWID NIYA.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon