- Author's Note: Hindi ko masasabi na yung buong story ay true to life pero may scenes na medyo totoo.. haha pero di talaga eksaktong ganun ang nangyari. Based lang 'to sa mga shinare ng friend ko. Haha. Sorry kung exaggerated ang ibang scene. Dedicated ang story na 'to sa wattpad user din na si Shebabes. xD [ gets mo ang title? alam ko walang sense ang title. xD ] -
------
"Weh? Ikaw? Naka-move on na talaga kay Ryan? Di nga?" pang-asar na reaction ng kabarkada ko habang sinasabi ko sa kanila na finally naka-move on na ako sa sira ulong si Ryan.
Tae 'to. Ayaw akong paniwalaan.
"Bakit? Hindi ba ako mukhang nakamove-on na ha?" asar kong sagot sa kabarkada ko.
"Hindi kasi nagshe-share ka pa rin ang information tungkol sa kanya at palage mo pa rin siyang binabanggit... kaya tingin namin di ka pa nakakamove-on te..." sagot naman ng asungot.
"Tama!" second the motion nung isa ko pang kabarkada.
Aba talagang!
Pero di nga? Mukha pa akong hindi nakakamove-on? Takte naman kasi... siguro nabulag talaga ako nung mga time na kasama ko pa si Ryan... nung best friend pa ang turingan namin..
Okay. I admit it. Gwapo si Ryan. Matalino. Matangkad. Chinito. Magaling tumugtog ng gitara at kumanta.
Halos perfect na diba. Kaya di ko rin masisi yung mga babae na nagkakagusto sa kanya. Matinik din kasi yung ungas na yun pagdating sa chicks.
As in sobrang tinik.
Sa sobrang tinik niya... pati ako na best friend niya natinik niya.
Binabanatan ako ng ungas pero di naman ako nagrereact. Hindi ako nagrereact dahil mahirap na. Mahirap na't baka matuluyan pa ako. Pigil na nga ang kilig ko sa tuwing bumabanat yung ungas na yun e.
Siguro dahil na rin bata pa ako nun... tsaka kung makapambola yung Ryan na yun.. kala mo totohanan na talaga. Napaniwala pa nga niya ako dun sa sinabi niya hihintayin daw niya na mag-19 ako tapos liligawan niya raw ako...
Syempre medyo kinilig ako nun. MEDYO LANG NAMAN. Akala ko kasi seryoso siya dun sa sinabi niya.
Tapos malaman-laman ko na lang na may dine-date na pala siyang iba.
Eto ako kilig-kiligan dun sa sinabi niya.. tapos ayun pala siya may pinapakilig pang iba.
SHIT DIBA? SHIT TALAGA.
Buti na lang nga nakilala ko si Chris. Hindi ko pa siya napapansin si Chris nun kasi nandiyan si Ryan. Napansin ko lang siya nung sumayaw siya sa Gawad Pluma Awards namin. Vanilla Twilight yung sinayaw niya nun.
Malayong-malayo siya sa presko at chickboy na si Ryan. Ang similarities lang ata nila ay yung pagiging mahilig sa music.
Simula nun naging interesado na ako sa kanya.
Nakaupo ako sa division namin hinihintay ko yung barkada ko tapos nakita ko siya. Mag-isa. Mukhang may hinihintay din. Syempre kunwari di ko siya napapansin. Pinapakinggan ko yung favorite song ko.. yung You Got It All by MYMP.
Napapakanta ako habang pinapakinggan ko yun. Di ko naman alam na medyo malakas pala yung pagkakakanta ko..
" I, i was a game he would playHe brought the clouds to my dayThen like a ray of lightYou came my way one nightJust one look and i knewYou would make everything clearMake all the clouds disappearPut all your fears to restWho do i love the best?Don't you know, don't you know..~~"
Nung napatingin ako sa kanya. Napansin ko na parang may sinasabi siya sa akin kaso hindi ko narinig dahil nakasaksak sa tenga ko yung earphones ko.
"Ah.. ha?" sabi ko sa kanya habang tinatanggal ko yung earphone sa kanang tenga ko.
"Sabi ko.. favorite song mo ba yan?" tanong niya ulit habang natatawa. May dumi ba sa mukha ko para matawa siya? "Narinig ko kasi kinakanta mo..." dagdag pa niya.
"Ah oo.. favorite song ko 'to..." sagot ko sa kanya. Tapos dumating na ang mga classmate niya.
"Ah sige una na ako..." sabi niya sabay lapit sa mga classmate niya. Ngumiti lang naman ako pabalik sa kanya.
SHIT. Ang cute niya.
Ewan ko ba kung bakit pero ang gaan niyang kausap kahit na sandali lang yun...kaso nga lang yun na yung first and last time na nakausap ko siya.
Nakikita ko pa rin naman siya... minsan nga napapansin ko rin na nakatingin siya sa akin kaso hindi na kami uli nag-usap.
Naisip ko tuloy, baka hindi interesado sa akin.
Birthday ko na. Naglog-in ako sa facebook.
Greeting dito. Greeting jan. Greeting dun. Kahit nga si Ryan binati ako pero di ko pinansin. Neknek niya no.
Tapos may nakita akong isang notification.
"Chris posted a link on your wall."
Napangiti na lang ako bigla ng nakita ko yung notification na yun. Pinindot ko naman yung link..tapos dumiretso yun sa youtube at may nagplay na video.
"Hi Shey.. happy birthday.. sorry nga pala kung itong video lang na 'to ang naggawa ko pero sana magustuhan mo.. nga pala... para sayo 'tong na 'to..." sabi ni Chris tapos ay kumanta na siya.
"The strands in your eyes that color them wonderful
Stop me and steal my breath
Emeralds from mountains thrust toward the sky
Never revealing their depth
Tell me that we belong together
Dress it up with the trappings of love
I'll be captivated
I'll hang from your lips
Instead of the gallows of heartache that hang from above
I'll be your crying shoulder
I'll be your love suicide
and I'll be better when I'm older
I'll be the greatest fan of your life~~"
SHIT. Cute niya talaga.
Tapos nawala si Chris sa video at may lumitaw na mga words.
" Happy Birthday Shey... Sana okay lang yung version ko nung I'll Be... Di ako masyado marunong kumanta tulad ni Ryan pero......
"KAYA KO NAMANG ISABUHAY YUNG MESSAGE NUNG KANTA."
OH-EM-JI!
Love Confession ba 'to? Yun ang dapat kong abangan!
Hahahahaha.
*******
- Sorry sa ending. Di pa kasi tapos love life niya e. Ayaw ko ring umembento ng ending. haha -