+ Patrick loves Spongebob

153 4 2
                                    

Dianne’s POV

“Woooooooooooooooooooooooh!”

Halos mapaos na kami sa kakasigaw ng mga kabarkada ko. Eh pano ba naman, pinapanood namin ang kickball match ng batch namin habang nagbabantay sa booth ng love knot.

Todo suporta rin kami kasi isa sa mga naglalaro si Patrick.

Oo si Patrick… Ang ungas na si Patrick na crush ko simula pa nung 1st year high school pa kami.

“Go Papa Pat!!!!” sigaw ng mga bakla kong batchmates.

Kung makasigaw naman ‘tong mga ‘to wagas… Eksaherada lang? Hahahaha… Pero hindi ko naman sila masisisi… Eh kami nga rin kung makasigaw wagas.

“Oy bakla tumingin sayo si Patrick… Ayeee…” kantsaw ng barkada ko…

“Malamang titingnan niya ako… May crush siya sa ‘kin e.” pabiro kong sagot sa kantsaw niya.

Yup. Tama crush niya ako. Sinabi pa nga niya yun sa akin e. Hahahaha… palabiro kasi si Patrick kaya naman sinasakyan ko lang din ang joke niya.

Alam ko kasi na si Kat talaga ang crush niya.

SPONGEBOB PA NGA TAWAG NIYA KASI SIYA DAW SI PATRICK.

Korni ng tae no!

Patrick’s POV

Nanunood si Dianne sa kickball match ko kaya naman gagalingan ko. Inspired e, panoorin ka ba naman ng crush mo.

Oo crush ko si Dianne. Seryoso. Walang halong biro. Alam ko rin na crush nya ako kahit di niya sinasabi.

Hindi ko nga mapigilan na hindi mapangiti at mapatingin sa gilid ng court.

“Go Pat!”

Yun yun o! Sarap sa feeling. Nagchi-cheer yung crush mo para sayo. Kaya naman ipapanalo talaga namin ‘to… sisiguraduhin ko yun…

Para sa batch namin at para kay Dianne.

Dianne’s POV.

“Waaaaah! Ang galing galing naman… ang galing niyong tsumamba ah!” sabi ko Patrick sabay hampas sa kanya sa likod.

Tsansing. Hahaha.

“Tsamba ka dyan! Magaling talaga kami… lalo na ako!” sagot naman niya sabay akbay at gulo sa buhok ko…

Tae.

Pawis na pawis sya pero kahit ganun ang bango pa rin nya. Parang perfume yung pawis, di ko tuloy mapigilan sarili ko na mapasinghot.

“Eh inspired ka ata e kasi nagcheer yung crush mo! AKO!” sabi ko sabay tawa.

“Naman!” sagot naman nung ungas.

Sabi ko sa inyo diba. Palabiro talaga si Patrick.

“Sige bihis muna ako crush!” sabi niya.

“Okay crush.” sagot ko naman sabay suntok sa braso niya.

Pumunta na siya sa CR. Ako naman bumalik sa Love Knot booth.

Patrick’s POV

Yun o! Nayakap ko sya kahit sandali.

Shet ang cute niya talaga lalo na sa malapitan…

Ang haba ng eyelashes nya. Nakadagdag din sa ka-cutan niya yung braces niya…

In love na ata talaga ako sa kanya. As in totoo na ‘to. Ligawan ko na kaya sya?

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon