Ch. 7

3 0 0
                                    

Ariana

Nasa iisang kotse kami ngayon, papuntang Sky Ranch.

Takte naman kase sila magdesisyon! Biglaan! Dun na daw kami bibili ng damit! Aish!

Nasa pinaka-likod ako ngayon ng SUV at katabi ko si Jack. Gabi na din kasi kaya yung sa first row, si Liam at si Joanah, natutulog si Joanah habang nakahiga habang naka unan sa binti na may throw pillow ni Liam. The same thing goes with Rey Venne at Anne.

Ayoko naman pumunta sa front seat dahil ang disrespectful ko naman kay Jack.

"Gusto mo matulog?" Napalingon ako sakanya nang nagsalita siya.

"Huh? Ay hindi naman." Ngumiti ako.

"Ang ganda mo parin ngumiti..." Sabi niya.

"Says the boy na nagtanong kung marunong ba kong ngumiti."

"Pano mo yun nalaman?"

"Nakwento lang ni Joanah." Sabi ko at kumuha ng kumot sa ilalim ng upuan. "Gusto mo?"

"Unan nalang, dalawa..." Kumuha ako ng dalawang unan at binigay sakanya.

Nag-kumot ako habang nakaupo.

"Akala ko di mo na ko kilala, ang famous mo na kaya!"

"Grabe ka naman!" Tawa ko.

"Ayaw mo talaga matulog?" Tanong niya.

Tumingin siya saakin. Mapupungay na yung mata niya. Antok na ata siya. Tinignan ko yung oras sa relo ko, it's already nine o'clock.

8:00 siya natutulog.

"Sinend mo ba Yung homework kahapon?"

"Oo, di mo ba nakuha? Mga 8:30 ata yun."

"Ahh, wag ka na magsend ng 7 to 8 o'clock kasi matutulog na ko nun."

"Ikaw ata ang antok eh! Matulog ka na!" Sabi ko.

Kinuha ko yung isa niyang unan at nilagay sa lap ko.

"Okay lang?" Tumingin siya sa mata ko.

If there is one thing that I loved about him, it's his eyes. They are perfectly round and it's chocolate brown color gave me comfort.

Tumango ako at hinayaan siyang humiga.

Eto nanaman yung gusto kong hawakan yung buhok niya. Bigla niyang niyakap yung isang unan.

"May sleepover kayo?"

"Oo meron, sama ka?" Tanong ko naman.

"Hindi ako pwede sa mga ganyan, naghahanap ako ng kayakap tuwing gabi."

Nasamid ako bigla.

Bigla tuloy naging awkward yung palagid. Aish! Bakit kaylangan niyang sabihin iyon! It's unnecessary!

Tumango nalang ako at tumingin sa malayo.

Parehas pala kami?

I suddenly snapped back to reality when he grabbed my hands and places it on his hair.

I got what he meant at hinaplos haplos ko yung buhok niya.

I suddenly smiled.

Cinderella never asked for a prince, she asked for a dress and a night off.

Spin off "returned for him"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon