Chapter 1

4.9K 68 6
                                    


Daniel's POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko.

I opened my eyes

Sigh.

Nakakatamad naman pumasok ngayon. Wala naman atang gagawin sa school ngayon e.

Nakahiga ako sa kama nakatingin sa kisami. Muni muni muna. Wag nalang kaya ko pumasok ngayon? Tama yayain ko nalang sina —

"AAAHHHH!!" Si mama yun ah?

Agad akong napa balikwas at lumabas halos liparin ko pababa ang hagdan.

"Ma! Asan ka? Bakit? Anong nangyari? Ma asan ka?! " Sunod na sunod na sabi ko pag dating ko sa sala. Shits wala si mama dito!

Tumakbo ako sa kusina wala din sya dito.

Asan ba yung mga tao dito? Yung mga maid wala ano bayan!

"Ma! Asan ka ma?!" Sigaw ko ulit.

Narinig kong bumukas yung pinto sa likod ko. At agad akong napalingon. Nakita ko si mama lumabas ng office nya. At namumula.

"Ano anong nangyari? Bakit ka sumigaw? Bakit ka namumula? Sinakal ka ba ma? Sinaktan ka ba? Okey ka lang ba ma? Ma! Talk to me ma! Anong nangyari? May pumasok ba dito? Ginamit mo ba yung taser mo? May tao ba dyan sa loob? Ano? Tatawag na ba ko ng pulis?" Sunod sunod na sabi ko habang niyuyugyog si mama.

"Anak ano ba kumalma ka! Hahaha anong tao? Anong taser? Pulis pulis sinasabi mo dyan?" mama habang ngiting ngiti.

"E diba sumigaw ka? Kanina? Tsaka bat pulang pula ka? " Tanong ko na may halong pag tataka.

"Hahahaha ano ka ba! Yung tatay mo kasi nag text sakin eto basahin mo sinong hindi kikiligin?" At inabot sakin ang phone nya.

From: My Hubby

Goodmorning sa pinaka magandang babae sa mundo. Nasa philippines na ko i'll be there in an hour. Get ready and let's have breakfast outside bago ako magpahinga sa bahay. I miss you so much misis ko :*

Okey...

Hindi ko alam anong mararamdaman ko. Para pading teenager ang mga magulang ko.

4days lang naman nawala si papa sa pinas Hays hahahaha its a relief na walang nangyaring masama.

Siguro nag tatanong kayo Bakit ba ganon nalang ang kaba ko no? Mamaya kwento ko. Katamad pa e hahaha.

"Edi wow ma. Hahaha osya akyat na ko akala ko naman anong nangyari hays." Sabi ko at hinalikan si mama sa noo.

"Ha? Hoy bata ka mag breakfast ka na may pasok ka pa anong oras na ah? Malelate ka" mama

"Hindi ako papasok ma nakakatamad. Walang gagawin sa school" sabi ko. Nakakatamad naman kasi talaga ngayon.

puro kalandian lang ang magaganap dahil—

"Anong hindi ka papasok kuya? Pumasok kaaaa!!!" Sabi ni carmela habang pababa ng hagdan kasama si ate Roana

"Oo nga dj! Excited pa naman kami sa araw na to tapos hindi ka papasok?" sabi ni ate Roana.

She's a Devil from Heaven (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon