Chapter 66

11.3K 269 7
                                    

CHAPTER 66: THE HIDDEN AGENDA

Ellie/Karryle POV

"Guys, don't forget my welcome back party on Saturday okay? Make sure that you'll make it."  Sabi ko habang naglalakad kami papunta sa parking lot.

"Are you sure that you don't want us to drop you off?" Sabi ni Leona at naikawit pa ang kamay niya sa braso ko. 

Natatawang tumango ako sa kaniya at pumunta sa kotse ko na nagpa-wow sa kanila.

"Wow! The latest Porsche Taycan! Is that yours, Ellie? Cool!" Sabi ni MJ at paikot na tiningnan ang kotse ko.

Magsasalita na sana ako ng makita ko na papunta sa parking lot si Shiela at Prince. Nang makarating ang dalawa ay agad ko itong nilapitan dahil isang kotse lang ang pagitan ng kotse ni Prince.

"Hi! I just want to invite the two of you to my welcoming party this coming Saturday." Sabi ko at ngumiti sa dalawa na ikina-irap ni Shiela.

"By the way, I have a proposal to make for you, Prince. My agency is currently looking for a male model. Are you interested?" Sabi ko at seryosong tiningnan ito.

"Unfortunately, he is not interested in your current or future proposals." BIglang singit ni Shiela.

"If you change your mind, here's my agency manager's contact information. I hope you'll consider this opportunity. It's a great offer." Sabi ko at ngumiti bago tumalikod sa kanilang dalawa. 

Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko at nakipagbeso sa kanila bago sumakay sa kotse. Imbes na dumiretyo sa mansion ay mas pinili ko munang dumaan sa bahay na kinalakihan ko, kila Kuya Josh.

Bago bumaba ng kotse ay sinigurado ko na walang tao na makakakilala sa akin. Matapos mag-doorbell ay lumabas si Manong Guard. Hindi ako nakilala nito.

"Good evening po, Ma'am. Ano po ang sadya, Ma'am?" Sabi ni Manong Guard at tumingin sa relo. Marahil gabi na ay nagtataka ito sa pagpuntan ko.

Magsasalita na sana ako ng may pumaradong kotse at lumabas dito si Kuya Josh.Napangiti ako at agad na niyakap nito. Ramdam ko ang pagkabigla nito.  

"Aba'y may bago po ba kayong nobya, Ser? Boto pa naman ako 'don sa magandang kaibigan ni Ma'am Karryle." Sabi ni Manong Guard na ikinatawa ko.

"Manong, ang tagal ko ng ipinapaliwanag na kaibigan ko lang si Alliyah at may boyfriend na po 'yon." Sabi ni Kuya at napakamot na lamang sa ulo.

"Teka nga muna, Manong. Ano ba ang kailangan mo dito, Miss? Gabi na ah?" Baling sa akin ni Kuya na ikina-iling ko.

"Kuya, pati ba naman ikaw? Hindi ako nakilala?" Sabi ko at bahagya itong kinurot sa braso. 

Agad na nanlaki ang mata nito.

"Little sis! Kailan ka pa bumalik? Teka-teka baka may makakilala sayo, sinigurado mo bang walang nakakita sayo? Ay, alam na ba nila Mommy? Pumasok ka muna sa loob, halika na--" Niyakap ko ulit siya na ikinaputol ng pagsasalita nito.

"Relax lang, Kuya. Sa loob na tayo magkwentuhan." Sabi ko at bumitaw sa pagkakayakap dito. Ngumiti muna ako kay Manong Guard na naiiyak ata bago hinila si Kuya sa loob.

"Mom! Mom! Come here, she's back! My little sister is back!" Excited na sigaw ni Kuya na ikinatawa ko.

"Kailan ka pa dumating? Hindi ka man lang nagsabi, edi sana nasundo ka namin ng barkada. Upo ka muna." Sabi ni Kuya at aligagang inaya ako umupo na lalong nagpangiti sa akin.

Nag-mature na si Kuya, hindi na siya pala-asar---

"Ang ganda na natin ngayon ah! Model na model!" Pang-aasar nito na ikinawala ng ngiti ko.

Aba, ayos! Mas gwapo nga siya ngayon pero nang-aasar pa din pala.

"Kuya, ayos na sana e. May hirit pa! Pero kidding aside, namiss kita!" Sabi ko at yinakap ito ng mahigpit.

"And to answer your question, di na ako nagpasundo kasi nai-surprise ko sila sa school kanina. Akala ko nga nandoon ka pero nalaman ko na bukas ka pa daw papasok. Talaga naman, Kuya! Hindi nagbabago, tamad pa din." Sabi ko at tumawa na ikinanguso nito.

Mayamaya pa ay dalawang importante sa buhay ko ang bumaba ng hagdan.

"Hi, Tita Mommy and Tito Daddy! Your daughter is back!" Sabi ko at inunahan na silang yumakap.

"Sweetheart, sobrang namiss ka namin. Kailan ka pa bumalik? Hindi ka man lang nagsabi." Sabi ni Tita Mommy at hinalikan ako sa pisnge.

"Kumain ka na ba, anak? Manang! Makiki-handa nga po ng hapunan." Sabi ni Tito Daddy at hinila ako sa dining table na ikina-iling ko.

"Ako na, Manang. Ako na po ang maghahanda para sa anak ko." Sabi ni Tita Mommy at hinalikan ako sa noo bago umalis.

"Kumusta ang baby ko, hmm? Mas gumanda ka anak, mukhang hiyang ka sa Korea." Sabi ni Tito Daddy na nakapagpangiti sa akin.

Sweet pa din ang taong tumayong tatay ko, at napaka-swerte ko dahil ang dalawang pamilya ko ay talagang mas minahal ako ng sobra at laging sinu-suportahan.

"Ayos ba, Tito Daddy? Nakikilala mo pa din po ba ako?" Sabi ko at bahagyang yumuko.

"Oo naman, anak. Kahit ano pa ang ityura at suot mo, makikilala at makikilala ko pa din ang batang lumaki na minahal kami ng sobra sobra." Sabi ko na nakapag-paluha sa akin.

"Ano ba yan. Little sis! Iyakin ka pa din? Akala ko ba pagbalik mo di ka na iiyak?" Pang-aasar ni Kuya kaya tiningnan ko ito ng masama.

"Tears of joy talaga ito, Kuya! Ano ba yan!" Sabi ko at pinunasan ang luha ko.

Masaya kaming naghapunan habang nagkwe-kwentuhan. Matapos kumain ay pumunta kami sa living room.

"Anak, kamusta ang plano mo?" Nag-aalalang tanong ni Tita Mommy.

"Tita Mommy, huwag kang mag-alala hindi ako mapapahamak. Kailangan ko lang talaga ito para sa ikakagaan ng puso ko." Sabi ko at sandaling niyakap siya.

"By the way, may welcome party po ako bukas. Huwag kayong mawawala ah? I want all of you to be there. Of course bonus lang yung show na magaganap bukas." Dagdag ko pa.

"Hindi kami mawawala sa party mo, lil sis. Lalo pa at sinabi mo na nandoon ang lalaki na 'yon." Sabi ni Kuya at kita sa mata niya nag galit kay Prince.

"Kuya, huwag ka ng gumaya sa akin na napuno ng galit ang puso, sabi ko nga hindi ba? ayokong madamay kayo." Sabi ko at hinawakan ang kamay nito.

"Huwag mo akong alalahanin, laban natin ito at hindi pwedeng ikaw lang ang gaganti." Sabi ni Kuya at maliit na ngumiti sa akin.

"Natutuwa ako sa inyo mga anak, kahit papaano ay napalaki namin kayo ng maayos ng Mommy niyo. Hanggang ngayon ay magkaka-kampi at nasa tabi pa din kayo ng isa't " Nakangiting sabi ni Tito Daddy.

Masaya ako na nakabalik na ako sa kinalakihang pamilya ko at hanggang ngayon ay mahal na mahal pa din nila ako.

Pagkatapos ng party sa sabado, sisiguruduhin ko na papayag si Prince sa offer na inalok ko sa kaniya at unti-unti na siyang mahuhulog sa mga tinatago kong plano.

END OF CHAPTER 66



The Nerd Revenge [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon