Chapter 67

11.7K 276 11
                                    

CHAPTER 67: THE GHOSTLY RETURN

Friday. Bukas na ang welcome party ko at papunta kami ngayon ng Cafeteria at dahil lunch time ay halos mapuno na ang mga upuan. Habang naghahanap ng upuan ay mahinang siniko ako ni Nicole kaya agad akong napatingin dito.

Napangisi ako ng tingnan ang itinuturo niya. May bakante sa table nila Shiela, sakto para amin. Agad namang napa-iling ang boys sa binabalak namin pero sumama pa din.

"Hi! Do you mind if we join you at this table? The seats are almost full right now, and we don't have a choice but to ask you for a favor." Mahinhin at kunwaring nahihiya kong sabi kay Prince. Agad naman akong tiningnan ng masama ni Shiela.

"Sure/No." Sabay na sagot ng dalawa. Nagkatinginan pa ang dalawa.

Tumingin ako sa mga kaibigan ko, sinenyasan sila na magsalita at asarin pa si Shiela.

"Oh come on, Shiela. It's just a fvcking table." Mataray na sabi ni Leona. 

Agad na lumingon ang ibang students sa amin dahil sa namumuong tensyon. Napansin ko na nagpipigil ng tawa si MJ kaya pasimple ko itong hinataw sa braso.

"Oo nga, this is just a fvcking table. Kaya pwede ba, sa iba na lang layo maki-share?" Sabi ni Shiela at umirap pa.

Agad na nagbulungan ang mga estudyante na nakarinig ng sagot niya.

Ang arte naman ni Shiela, pag-aari niya ba yung table?

Maayos naman na nagtanong si Miss Ellie, anong pinoproblema niya?

Narinig ko kasi sa mga BSBA student na natalo daw ni Miss Ellie si Shiela sa posisyon ng President sa org nila.

Hindi ba siya marunong tumanggap ng pagkatalo? Gosh, nakakahiya.

Rinig kong bulungan ng ilan sa malapit sa table namin. Ikaw mismo ang sumisira sa image mo, Shiela. Wala pa akong matinding ginagawa pero unti-unti ng umaayos sa akin ang lahat.

"Hindi mo gets? This is just a fvcking table, makiki-share lang kami ng table. Hindi kami mang-aagaw. Takot ka ba sa sarili mong multo?" Naka-taas ang kilay na tanong ni Leona.

Magsasalita pa sana si Shiela pero pinigilan na ito ni Prince.

"Umupo na kayo, ayoko ng gulo. Pagpasensiyahan niyo na si Shiela." Sabi ni Prince.

Umupo na kami at nakita ko na nakangisi si Leona. Pagkatingin nito sa akin ay kumindat ito kaya pasimple akong napatawa.

"Libre ko, guys. Ano sa inyo? Ako na mag-order." Mayabang na sabi ni Mj at inilabas ang wallet.

"Talaga naman, ang yabang dude!" Sabi ni Chase at bahagyang umiling.

Pasimple akong tumingin kay Prince at nakitang nakatingin ito sa asaran na ginagawa ng boys.

Ano, Prince? Nawalan ka ng mga kabigan sa ginawa mo, diba?

Unti-unti kong kukunin lahat sayo.

"How about you, Ellie? What do you like to eat?" Sabi ni Alliyah.

"Just say what you want because it's MJ's treat." Sabi ni Nicole at ipinakita pa ang wallet ni MJ. Napailing ako sa kakulitan nila.

"Would it be possible to request a steak at the cafeteria? I'm really craving one right now." Seryosong sabi ko pero biro lang naman talaga. 

"MJ, paano ba yan? Steak daw, order mo sa labas." Tumatawang sabi ni Louise. 

Lalabas na sana si MJ ng pigilan ito ni Leona.

The Nerd Revenge [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon