SK 6:

6.5K 253 6
                                    

A/N: sorry for the slow update...nakakulong ako sa BL world (boys love stories) bisyo ko ito e, 7 years ago... wala pa ako sa wattpad world. Ang ganda kasi ng story,  Addicted Heroin and Advance Bravely by Chai Ji Dan... ang husay niya wala akong masabi.... tapos may inaabangan din ako sa Thai dramas...pero di ko naman nakakalimutan ang ka dramas kasi may Hospital Ship , nandoon ang ultimate bias ko sa mga korean artist si Ha Ji Won with Min Hyuk of CN Blue( noona dongsaeng relationship...) 

Tapos ang siste , basta may pinapanood akong bago naglalakbay din ang isip ko...may uumpisahan na naman akong series... hindi na kasinghaba ng mga Romualdez stories. (pending muna iyon, nagbabakasyon pa ang mga Romualdez sa isip ko) 

Spell the series

Sana huwag kayong mabibigla sa mga stories na isusulat ko pa in the future dahil sa totoo lamang nag-umpisa ako sa mga wicked/taboo stories...You can leave anytime you want... ito naman ay hindi sapilitan...

.....


SK 6:

The girls giggle in front of her. narinig niya rin ang bulungan ng mga ito patungkol sa kanya habang gumigiling sa kanyang harapan. Pero wala siyang pakealam doon, ang atensyon niya ay na kay Derron. Nakasandal ito sa couch habang nakadekwatro, nakasampay ang isang kamay sa sandalan habang ang isa'y may hawak na baso ng alak na nakuha pang iniaangat sa kanya habang nakangisi.

She hates that look. Tumayo siya at tinulak ang mga babae na nasa kanyang harapan. Napakamanhid ng mga ito dahil hindi makita ang kanyang pagkadisgusto. Nagreklamo ang mga babae dahil napaupo ang mga ito. Tinungo niya si Hel at binigyan ito ng isang malutong na sampal sa pisngi.

"Don't act as of you know me." Sabi niya dito saka nagmadaling umalis. Sinungaling ito. Wala itong alam tungkol sa kanya. Hindi ibig sabihin na naging tama ito sa isang bagay ay kilala na siya nito. Hindi.

Hindi niya alintana kung may mabunggo man siya sa bilis ng kanyang paglalakad. Gustong gusto niya lamang makaalis dito. Binabawi niya na ang sinabi niya kanina na pinagpapasalamat niya ang pagsulpot ni Derron.

He's an ass. A jerk, bastard and all.

Pumara siya ng taxi ngunit bago pa man may tumigil sa kanyang harapan ay may humawak na sa kanyang braso.

"May kotse tayo."

"Let me go!" utos niya dito na hindi naman nito sinunod. Because she was reluctant to go with him, Derron had no choice but to drag her in his car. Pinili niya na lamang na huwag pumiglas dahil masasaktan lamang siya. Binuksan nito ang pinto ng passenger seat saka siya tinulak papasok sa loob.

"Hindi mo ba nagustuhan ang regalo ko?"

"Putang ina mo!" mura niya dito.

"Wow! Didn't know you can curse in Filipino. Ang lutong in faireness." Natatawang sabi pa nito. Napahilot naman siya sa kanyang sentido. Mas sumakit pa yata ang ulo niya ngayon, kailan ba matatapos ito.

"Paano kung siya ang sumasayaw sa harapan mo? Will you still act that way? I don't think so..." heto na naman ang mga opinyon ni Devon na akala mo kilalang kilala siya. She didn't response, she remain scowling at him. Ipinikit niya ang kanyang mga mata baka sakaling manahimik ito at kimkimimin na lamang ang mga walang kwentang opinyon.

Napadilat siya ng kanyang mata ng biglang nagpreno ito. Nilingon niya ito para pagalitan kaya lamang ay napakaseryoso ng mukha nito habang nakatangin sa harapan.

Bigla siyang kinabahan ng makita si Elton na nasa kanilang harapan. Nakaupo ito sa hood ng putting kotse nito na nakapark sa mismong tapat ng kanilang bahay. Pagkalingon niya ay nakalabas na si Derron para tunguhin si Elton na matalim ang tingin sa kanya.

Satellite Kiss : EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon