SK 13:

6K 207 9
                                    



3/10/2018


SK 13:

Pagkagising niya ay kumuha agad siya ng tuwalya para magshower, habang naliligo ay bumabalik sa kanyang ala-ala ang kabaliwan na ginawa niya kagabi sa kanyang asawa. She can't believe herself, nagawa niya iyon? Sobrang nakakahiya. Ano na lamang ang iisipin ni Derron, at paano niya ito haharapin ngayon?

Marahang katok ang narinig niya sa pintuan, "Come out now. Mahigit isang oras ka na riyan, alam kong tapos ka na." dinig niyang sabi nito. Tapos na siyang maligo, nakaupo na lamang siya sa bowl, nag-iisip , nahihiyang lumabas. Nakatapis siya ng tuwalya, kaya naman mas lalo siyang nahihiya.

"Bahala na." she heaved a sign. Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan, sinilip niya kung nandoon sa loob si Derron, nang makitang wala ito ay mabilis pa sa alas kwatro na nagbihis siya. Hindi na siya naghintay na katukin pa muli nito, paglabas niya ng kwarto ay nakita niya ito sa harapan ng mesa, nagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng kape. Lumingon ito sa kanya nang nakangiti.

"You done? Kumain na tayo, I'm starving." Nakangising sabi nito. She looked away, humila siya ng bangko sa tapat nito , ang mata niya ay naka focus lamang sa pagkain na nasa harapan.

Tumikhim ito dahilan para tumingala siya.

"Do you remember what you did last night?" he's smirking siya naman sa kabilang banda ay nabilaukan, napainom siya sa orange juice na nasa kanyang gilid. Dahil sa pagkakataranta ay bahagya pa itong natapon sa kanyang damit, mabilis namang dumalo sa kanya si Derron, kumuha ito ng tissue para pahiran siya.

"Ang clumsy pala ng wifey ko kapag nag-bablush." Tudyo pa nito muli, wala yatang planong tumigil sa pang-iinis sa kanya.

"I –I can do it." Pinigila niya ang kamay nito, paano'y nasa gilid na iyon ng kanyang right underboob.

"Nabasa e, palitan na natin, " lumapit pa ito sa kanyang tainga. " Bihisan kita?"

"Derron!" tumayo siya at lumapit dito, bumunghalit naman ito ng tawa sa kanyang reaksyon.

"Hindi nakakatawa, huwag mo ng ipaalala." She crossed her arm. Nakatingin siya sa ibang direksyon, she can't take having breakfast with him. "I won't repeat that again." Mahinang sabi niya, sapat para marinig ito. ang baliw kasi niya kagabi, bakit kasi naisipan niya pa iyong gawin? Ngayon, hindi siya tatantanan sa kakaasar ni Derron.

"Okay, I'll stop. Bati na tayo, hindi ko na iyon ipapaalala, but I won't mind you doing that again, kahit na medyo masakit dito." tinuro pa nito ang tinutukoy nito. She was flustered.

"Maliligo na ako, para makapag ready na tayo sa wedding." He suggested.

The wedding went well, pinakikinggan niya ang wedding vows ng mag-asawa, naiyak pa ang dalawa. Walang ganoon sa kasal nila ni Derron, sa reception ay hindi ito humihiwalay sa kanya. He makes sure that she's not out of place. Lagi siya nitong sinasali sa usapan, kung mayroon mang topic na pinagkukuwentuhan ang mga kaibigan nito ay matiyaga itong nagpapaliwanag sa kanya, dahilan para makuha niya ang bawat biruan.

"Hindi namin inisip na si Derron ang unang makakasal, he was the most playboy on them." Sabi ng isang babaeng kaibigan nila, halatang pinipigil ito ng asawa pero nagpatuloy pa rin ito sa pagkwento. Wala naman siyang say doon, that's Derron past. At kung mambabae man ito hanggang ngayon, she can't blame him, may bagay na hindi siya kayang ibigay kay Derron.

"Shut up." Sermon ni Derron dito, mas hinapit pa siya palapit sa katawan nito, ang kanang kamay nito ay naka-akbay sa kanya. Hindi naman niya sinasaway dahil pilit niyang sinasanay ang kanyang sarili na normal lamang dapat ito.

Satellite Kiss : EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon