5/6/2018
...
SK 18:
Nagising siya sa habang abala ang kanyang asawa sa pakikipag-usap sa kanyang tiyan. Walong buwan na kasi iyon at pakiramdam niya sasabog iyon sa laki. Months ago, nalaman nila na lalake ang kaniyang pinagbubuntis. She wanted it to be a surprise but her husband was too persistent. Mas gusto nito na alam na nila ang gender para maihanda ng maayos ang mga gamit ng kanilang panganay. Kaya naman mabilis nito na pinaumpisahan ang pagrerenovate ng katapat nilang kwarto, ang dingding ay nilagyan ng wall paper ng kotse at eroplano. Derron bought so many toys kahit pa man hindi pa iyon malalaro ng kanilang anak.
"Good morning." She greeted, nakangiting tumingala si Derron sa kanya, he kissed her lips, he pulled away, nakakahiya dahil hinabol niya ang halik nito. Nambitin na naman ang kanyang asawa. Tatawa tawa naman itong naupo sa kanyang gilid, ang isang kamay ay nakahimas pa rin sa kanyang malaking tiyan. Hindi na ito makapaghintay sa paglabas ng kanyang anak. Maaring naging masamang tao ito noon pero hindi niya maipagkakaila na magiging mabuti itong ama sa kanilang anak. Naranasan niya , sa gitna ng kanyang pagbubuntis ay todo alalay ito, hindi na ito nambababae, allergic na raw sa mga tingin at sulyap ng ibabang babae, except her.
"Saka na kapag nakapanganak ka na, susulitin natin." Tatawa tawang sabi nito sa kanya. Hindi na siya kumibo, nahihiya pa rin siya.
"Gutom ka na? Naghanda na ako ng almusal."
"Hindi ka pagod? May office ka pa." Sigurado siya na maaga na naman itong gumising, late na nga nakauwi dahil sa trabaho tapos maaga pang gumising para ipaghanda siya ng almusal. Dahil hindi na siya pumapasok sa office, ang mga trabaho niya at napunta na kay Derron, kaya naman doble kayod ito.
"It's all right, sabi nga nina mommy, mag leave na raw ako baka anytime manganak ka na."
"Too early pa naman." Ayaw naman niya na maiwan nito ang mga trabaho, isang buwan pa naman bago ang kanyang due. May kasama rin siya sa bahay kaya hindi naman nito kailangan maparanoid.
"Paranoid much, pero I was tempted , syempre gusto ko kasama ko kayo araw-araw ni baby." Hinawakan niya ang mukha ni Derron, posible pala na araw –araw mahulog ka lalo sa isang tao? Akala niya matapos si Ceres, titigil na sa pagtibok ang kanyang puso. Hindi pala. Mayroon palang mas nakalaan para sa kanya.
Inalalayan siya ni Derron pagtayo hanggang sa pagbaba sa hagdanan, kulang na nga lang ay buhatin siya nito. Todo bilin pa ito sa kanya kahit hanggang nasa lapag sila, minsan gusto niya na tahimik lamang ito. She never thought that he will be this nagger, hindi ba dapat sa babae iyong titulo na iyon? Natalo siya ni Derron sa parte na iyon.
"Ma'am, may naghahanap po sa inyong babae." Binaba niya ang binabasang baby book. Wala naman siyang inaasahan na bisita.
"Sino daw?" Kilala naman ng kanilang kasambahay ang mga kamag-anak nilang babae. Hindi naman nito pinatuloy agad ang bisita.
"Kaibigan nyo daw po. Hindi nagpakilala ,tawagin ko lamang daw po kayo." Dahil sa kanyang kuryosidad ay napatayo siya, inalalayan siya ng kanilang kasambahay dahil hirap na rin siyang kumilos, nagtungo silang dalawa sa gate para tignan ang kanyang bisita. Hindi siya iniwan ng kasambahay dahil mahigpit din ang bilin ni Derron na huwag magpapasok ng kung sino man.
Nakatalikod ang babaeng may mahabang buhok, nakaharap ito sa pulang kotse na nakaparada sa tapat.
"Hinahanap mo daw ako?" doble ang kanyang kaba habang sinasabi iyon, pamilyar ang tindig ng babae sa kanyang harapan. Hindi niya siya magkamali ng humarap ito. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa, tumikhim at tumigil ng matagal sa kanyang tiyan bago muling binalik sa kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
Satellite Kiss : Escape
General Fiction"A moon is Earth's natural satellite, just like you for me; we are bound with each other by a gravitational pull. " Two best of friends, One crazy dance, an arrange marriage, an unrequited loves equals four rumbling hearts. This is Satellite Kiss. G...