SK 1:

9.7K 303 12
                                    

Listening to don't let me down by the Beatles...


SK 1:

"Good morning gentlemen, sorry for waiting." Bati niya sa mga investors na ayon sa kanyang secretary ay fifteen minutes nang naghihintay. Damn Derron, dahil sa kalokokohan nito they might lose this million dollar investment. Kung sana ito ang nagpagod sa project na ito, pero hindi , ang tanging partisipasyon lamang na nagawa ng kanyang walang kwentang asawa ay ang pumirma. Everything was on her, from small details up to this day, ang negosyo nila ay Alcoholic and Beverages Manufacturing. They badly needed this investment to expand their business around Asia. Kaya namna, lagi rin siyang may nakahandang excuse kapag tinanong na ang kanyang asawa. Pero mukhang hindi siya handa sa tanong ngayon.

"Where is your husband, we was expecting him to be here at our contract signing." Si Mr. Tang, isang Chinese billionare, bakit ba nawala sa isip niya na ang businessman na ito ay pinapahalagahan ang pamilya. Hindi ito nakikipag negosasyon sa single o hindi kasal, para dito ang pamilyadong tao lamang ang siyang may kakayahan na magpatakbo ng isang negosyo. Wala itong tiwala sa mga walang asawa, kahit ba hindi naman doon nasusukat ang kakayahan ng isang tao.

Napatingin siya sa kanyang sekretaryang si Lucky, kabado rin ito at hindi alam ang gagawin. Alam ni Lucky ang estado nilang mag-asawa, wala na siyang matatago dito dahil lagi niya itong kasa-kasama. Bukas na bukas ang mata nito sa pagtataksil ng kanyang asawa na may posisyon pa na mas mataas sa kanya.

"I'm sorry gentlemen but my husband had a meeting prior to this engagement." Apologetic niyang wika dito, kumunot ang noo ng matanda, pati ng dalawa pa nitong kasama. Nag-usap ito sa wikang mandarin bagay na naiintidihan niya rin naman dahil may dugo siyang Chinese, kaparehas ni Derron, those Chinese bloods that runs in their blood binded their marriage in the first place.

"I'm afraid we have to move this contract signing until your husband is available." Sabi ng katabi nito.

Hindi pwedeng mangyari iyon, she put everything in this project, ang pagpapaliban dito ay para na ring pag-papakawala sa pagkakataon. Alam niyang maraming mga kumpanya na naghihintay lamang ng pagkakataon na makasulot. She was about to protest when the door opened. Niluwa noon ang lalakeng kinaiinisan niya, nakabihis ito ng matino habang nakangiti sa lahat.

"I'm sorry gentlemen for being late." Kapansin -pansin din ang bouquet ng white lilies na nasa dala nito. "Happy anniversary sweetheart." Lumapit ito sa kanya sabay halik sa kanyang labi, kung hindi niya pa tinulak ang dibdib nito ay hindi pa ito titigil. If only looks could kill, marahil ay tumba na ito. Kung pwede lamang dumura at magmumog ng alcohol ay ginawa niya na.

"Mr. Wu." Bati ng mga businessmen sa kanyang magaling na asawa, nilapitan ito ng kanyang asawa at isa isang kinawayan, ginagawa nito iyon habang naghahabi ng kasingungalingan kung bakit ito na-late ng dating.

"It was our anniversary today and I prepared a little last night with my wife...and you know what happened after." Natawa naman ang mga kausap, dalang dala sa kasinungalin na halos magpalubog sa kanyang kinatatayuan.

"Now, we understand, your wife must be really embarrassed that's why she told us that you had prior engagement. She had no idea that you will come." Kwento ni Mr. Tang na nakangiti na.

"Thanks for understanding, you know how can't get enough with each other. We treasure each other much just how we treasure this company. " sabi ng loko na humila ng upuan patabi sa kanya. They look like an ordinary sweet couple in front of other people , kailangan nilang panatilihin ang ganoong imahe or else, makakarating ito sa mga elders, ang kalalabasan mababalewala ang lahat ng kanyang pinaghirapan.

"That's good to hear. Hindi kami nagkamali ng napiling kumpanya. We are hoping that next time we get to meet your future son." Pahuling sabi ng kausap na businessman matapos magkapirmahan.

Satellite Kiss : EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon