SK 7:

6.6K 242 6
                                    


...

SK 7:

"We're almost there Derron." Yuri whisper. Natatanaw niya na kasi ang hospital. Kung kanina ay nang –aasar pa ito, ngayon ay tahimik na ito, hindi na nagsasalita bu she can still hear him breathing. Hindi naman siguro nito ikamamatay ang tama ng bala sa binti.

"Calm down, mas ninenerbyos ka pa sa akin, ganyan ka pala mag-alala, sana pala dati na nangyari ito."

"Will you stop talking nonsense? Nabaril ka na nga kung ano-ano pa ang sinasabi mo." Naiinis na saway nya dito. Tahimik naman itong tumawa. Buti at nasa tapat na sila ng emergency room, sinakay agad sa stretcher si Derron saka dinala sa loob ng emergency room. He was attended immediately. She was interviewed in the admitting section about her husband's whereabouts. Matapos noon ay kinausap siya ng doctor na gagawa ng operasyon. Habang dinadala si Derron sa operating room ay tinawagan niya na ang kanilang mga pamilya para ipaalam ang mga nangyari.

Mabilis na nakarating ang pamilya ni Derron, niyakap siya agad ng mommy nito.

"How is he?"

"He's okay mommy, nasa O.R. na po siya kanina. " she explained. Hinawakan naman siya nito at tiniganan mula ulo hanggang paa. Niyaya niya naman itong umupo sa bench doon.

"Ano bang nangyari? Who shot him? May kagalit ba siya? Negosyo ba?" Sunod –sunod na tanong nito. Ang daddy naman ni Derron ay nakatayo sa gilid habang may kausap din sa cellphone.

"Hindi po niya kaaway tita." Nahihirapan siyang ipaliwanag, pero alam naman niyang darating ang panahon na malalaman at malalaman din ng lahat. Natatakot siya sa magiging reaskyon ng mga ito sa kanya kapag nagkataon. Natatakot siyang mahusgahan, iyon din ang dahilan kung bakit nagkaroon ng lakas ng loob si Elton laban sa kanya, alam niyang takot siya sa eskandalo, bagay na sinamantala nito. Pinagsamantalan nito ang kanyang mga kahinaan.

"Sino iha?"

"Si Elton po."

"Who's Elton? Yung kaibigan ng inyong pamilya." It was Derron's father with his autocratic tone that demands and immediate and honest answer. Mabagal siyang tumango.

"Damn him! Nandito rin ba siya sa hospital na ito?" Galit ang mata nito habang nakakuyom ang mga kamay. Pinipilit itong pakalmahin ng asawa pero mabilis itong umalis, marahil pupunta sa nurse station para alamin kung nasa hospital din si Elton.

"Yuri!" it was her mother who called her. Mabilis siyang tumayo para yumakap dito. She was so strong earlier but the moment her body touch her mother's she broke down. Bihira siyang umiyak. Bihira siyang humingi ng tulong, pero hindi na niya kaya ngayon.

"Ma"

"Si Elton , binaril niya si Derron." Hinila siya ng kanyang ina palayo sa kanyang biyenan. Ikinuwento niya dito ang nangyari.

"Let's just pray that he is all right." Tukoy nito kay Elton.

"Hindi ko yata kaya, paano kung ulitin nya ulit iyon? Takot na takot na ako sa kanya." Kahit pa kailangan ni Elton ng tulong ng psychiatrist, nahihirapan siyang hilingin na sana bumuti ang lagay nito. She can't just set aside what he did to her. The pained that he cause may take another lifetime to heal.

"I'll call his family." paalam ng kanyang mommy, tumango na lamang siya ng lumayo ito. Bumalik naman siya sa pwesto ng mommy ni Derron.

Utang na loob niya kay Derron ang kanyang buhay ngayon. Paano pala kung nagmatigas siya at umuwi mag-isa? Napasapo siya sa kanyang mukha.

Babawi siya kay Derron.

...

"I'm fine, daplis lamang ito." Pagyayabang ni Derron kinabukasan. Ang buong pamilya kasi nito at nasa room nito sa hospital. Hindi siya pumasok para alagaan ito.

"Yabang mo!" sabi ng kapatid nito, binato pa ng orange si Derron na nasalo naman nito. Siya naman ay naka-upo sa silya sa gilid ni Derron. Pinapanood ang masayang pakikipagtalo nito sa pamilya.

"Mabuti at ganyan lamang sa iyo. Hindi ikaw ang tinamaan ng bala sa baga." Ang daddy ni Derron, dito niya rin nalaman ang grabeng lagay ni Elton. Galit na galit ito. Kung pwede nga lamang na utusan nito ang mga doctor na huwag ng gamutin ang taong bumaril sa anak ay ginawa na nito.

"Ano ba talaga ang pinag-awayan nyo ng taong iyon?" muling usisa ng daddy nito. palaisipan pa rin kasi ang nangyari. Napatingin siya kay Derron, nakatingin rin pala ito sa kanya. Kinuha nito ang kanyang kamay at pinisil.

"Masyado kasi akong gwapo kaya ayun, hindi matanggap. Ang kaso lamang, masamang damo ako, kaya hindi ko ikakamatay iyon." Imbes na matuwa ay nasermunan pa ito ng pamilya sa sinabi. Siya naman ay nakatingin lamang dito habang tinatanggap ang sinasabi ng pamilya.

Habang nakatingin ay ibang Derron ang kanyang nakikita.

" Yuri, may naghahanap sa'yo sa labas."

"Sino raw?" si Derron ang nagtanong sa kapatid. Tumayo naman siya para labasin kung sino man ang nasa labas. Kaya lamang ay ayaw pa siyang bitawan ni Derron. Halata na ayaw siya nitong palabasin.

"OA ka , babae ang naghihintay sa kanya sa labas. Wala namang aagaw kay Yuri." Imbes na umayos ay mas lalo pa itong sumimangot.

"I'll be okay." Sa huli ay pinakawalan rin siya nito. Ang taong naghihintay sa kanya sa labas ay ang mommy ni Elton, mugto ang mata nito.

"Tita."

"Pwede ka bang makausap sandali?" tumango siya dito. Nagpunta sila sa garden ng hospital. Naupo sila sa bench na nasa tapat ng fountain. Hindi siya umiimik , hinihintay niyang ito ang maunang magsalita.

"Patawad sa ginawa ng anak ko, mula noon hanggang ngayon... akala ko maayos na siya. That's what he always insists before. We never thought that he had this plan. Plano ka niyang agawin sa asawa mo at itakas..." muli itong suminghap." Hindi ko alam kung saan kami nagkulang sa kanya, binigay ko naman ang lahat, pero bakit nagkaganoon ang anak ko?" humarap ito sa kanya..." Kung pwede ko lamang hilingin noon pa na sana anak ko na lamang ang piliin mo, kahit maraming tutol, ako ang susuporta sa inyo, pero hindi... alam kung hindi pwede at hindi mo rin siya gusto." Nabigla siya ng tumayo ito saka lumuhod sa kanyang harapan.

"Tita, tumayo ka po please." Paki-usap niya dito. Kaya lamang ay ayaw siya nitong sundin.

"Yuri, please forgive my son, kahit mahirap. Ako na lamang ang kamuhian mo, please talk to my son, kausapin mo siya para gumising siyang muli... please Yuri. Alam kong ikaw ang hinihintay niya para gustuhin niyang gumising."

Huminto siya sa pagpapatayo dito. Hindi niya kayang gawin ang pakiusap nito.

"I'm sorry tita, but I can't do that. Ilang taon ko na siyang pinagbigyan... pagod na ako sa kakaintindi sa kanya." Kahit pa umiiyak ay iniwan niya ito. Tapos na siyang intindihin si Elton. If he wants to live he will find his way...call her heartless, it's just that she can't find it in her heart to forgive him. Kahit anong kapa niya, hindi niya makita. He destroyed everything in her...her innocence, her heart, her love.

Kung pwede nga lamang siya na ang kumitil sa buhay nito...ginawa niya na.



...

Satellite Kiss : EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon