//ngayon ko lang narealize nag-epilogue na pala ako 😂😂😂 my bad! so technically 3 endings 'to! Yung una ay wala syang pinili 😂😂😂//
Elliot Reese Stevens
Sa dinami-dami ng nangyari, sa tinagal-tagal ng paghihintay sa tamang pagkakataon, wala ako ni isang pinagsisihan dahil nakilala ko si Isabelle.
Nag-iisa lang s'ya, walang kapares, walang pwedeng ikumpara.
Akala ko tuluyan ko na s'yang palalayain, dahil sa loob ng sampung taon unti-unting nawawala ang pag-asa ko na magkakasama pa kaming muli.
She chose not to choose. I can't blame her, nasaktan ko s'ya kahit di ko naman sinasadya, kung naging mas ma-ingat at mas matapang lang ako hindi naman kami aabot sa ganitong sitwasyon.
Aminado ako na sobrang nasaktan ako kasi yung katotohanang minahal na rin n'ya si James kaya hindi n'ya nagawang pumili ay parang malamig na tubig na ibinuhos sa akin.
Kasalanan ko rin naman, ako ang nagtulak na magkakilala sila.
Walang araw na hindi ko naisip si Isabelle. Sampung taon at finally magkikita kami ulit.
James and I learned to get along. Lalo na at pareho naming inaanak si Diana, Dave and Mj's daughter.
Yakap-yakap n'ya si Diana. Mahabang itim na buhok. Balingkinitang katawan, tila labanos na kutis.
Paano ko naman makakalimutan ang nilalang na iyan.
I said "Hi" tapos nagulat ako na may kasabay akong lumalakad papalit kay Isabelle. Lumingon ako kung sino. Si Dean, of course he will be here.
Biglang tumawa si Isabelle kaya napatingin ako sa kanya. God knows how much I missed her laughter. Pero nagtataka naman din ako kung bakit s'ya tumatawa at mukhang ganon din si Dean.
Then she said "come here both of you, namiss ko kayo" at sabay kaming niyakap.
Nauna akong bumitaw "so how's life?" Sobrang lame but what can I do? Ang tagal din namin hindi nagkita.
She smiled "never been better" theb slightly chuckled "no offense to both of you, pero mas malinaw na ang puso't isip ko ngayon"
I scratch my nape, na-tatameme pa rin ako sa kanya.
Matapos ang tanghalian, I saw her walked outside sa may garden, sinundan ko only to see her talking to Dean. Syempre may kirot, pero hinanda ko na rin ang sarili ko na baka si Dean na talaga yung mas mahal n'ya.
Kaya bumalik ako sa loob tapos lumapit si Diana "Tito Lili, why you sad?" Kinarga ko s'ya.
"Because the girl that I want doesn't love me anymore" she pouted.
"But Ninang Belle loves you" nagulat ako, para sa isang three years old na bata magmumula ang ganitong sagot.
"Do you think so?" She nodded happily na para bang siguradong sigurado s'ya.
"Ninang!" She screamed and smiled nasa likod ko na pala si Isabelle.
"Yes baby?"
"You love Tito Lili?" I froze on the spot
Isabelle just laughed, mukhang alam ko na kung sino ang napili n'ya. I forced a smile.
She then looked at me intently "of course I do, I love him so much" yung ngiti ko totoo na.
Kaya hindi na ako nakapagpigil, binaba ko si Diana at hinila palapit si Isabelle tsaka hinalikan. I've waited ten fucking years for this.
To be able to kiss and hold her again.
Nagpalakpakan naman lahat ng mga kasama namin sa bahay.
"Yehey! Daddy na ulit kita?" Tumakbo palapit sa amin si Bellamy. Ang laki na ng anak ko.
I pulled him into a hug "I'm always your Dad"
"I love both of you" I whispered with tears pooling out of my eyes.
Hugged my family once again.
----
"Kuya! Pahiram na kasi ako ng motor" Bellamy just ignored Octavia.
"Sungit kaya wala kang girlfriend!"
"Octavia wag mong guluhin ang kuya mo, taking up Medicine made him that way" biro, Bellamy just groaned.
"Octavia, delikado okay? Babae ka, lagot ako kay Mama pag pinayagan kita" paliwanag n'ya sa kapatid n'ya.
Someone back hugged me while I'm watching the kids bicker "the twins are both sleeping na" she said.
"Bellamy grew up so well, tignan mo kung gaano s'ya ka-protective sa kapatid n'ya" I said.
"Mana sa Tatay" hinarap ko s'ya at sinamaan ng tingin "sa MGA tatay, rather" sabay tawa tapos bigla s'yang tumigil, "Yats... I think my water just broke"
:)
//may nakapanood ba ng the 100 dito? Wala lang doon kasi galing yung pangalang Bellamy at Octavia, siblings din sila doon hehe//
VOUS LISEZ
Heart: Under Construction
FanfictionNagmahal nasaktan magmamahal masasaktan Love is a cycle called Life
