Target 2

31 10 1
                                    

Target 2

The Unexpected

Jenna’s POV

He is someone I want to protect that’s why I have to let him go. Why did it go this way?

Alam kong hindi ko kayang gawin pero I have to do this. Alam kong hindi ko siya kayang ipahamak pero importante rin ang mga kasama ko. Halos mga kapatid ko na rin sila. We trained together for four years. We survived many challenges. Along the way, unti-unti kaming nababawasan, hindi dahil nag-quit sila but because they die. WS’ mission is a do-or-die order.

Nasa loob ako ngayon ng kwarto namin ni Vyrel. Our team is staying in a hotel right now at nagkataon ni si Vyrel ang kasama ko sa iisang kwarto. Mula kahapon nang nalaman namin kung sino ang target ay hindi pa kami nag-uusap. Kung hindi pa kami nagkita kanina sa lobby, iisipin kong iniiwasan niya ako. But why does she have to do that? Habang nasa gitna ako ng pagbibihis, narinig ko ang pagbukas ng pinto, nasa loob kasi ako ng walk-in closet ng hotel.

“So, ganun na lang ‘yun ngayon, Vynix Laurel?!”

Narinig ko ang boses ni Calvin na halos umalingawngaw sa buong kwarto. Galit na galit ang boses niya and I can feel his rage kahit nasa closet ako.

Calvin Riley Timberlake.

He is one of us pero ang totoo pahapyaw lang ang alam ko kay Calvin dahil hindi naman kami close at maypagkamasikretong tao kasi siya. Sa WS, mayroong ranking ng mga agents, if you are in a team, miyembro ka ng mga XV but if you work alone it’s ZX. At dahil team kami, we are in XV. Nang magsimula ang team, pito pa kami noon pero namatay ang dalawa naming kasamahan kaya we are left with five members. We are ranked according to our physical, emotional, mental and social strength. In my team, I have the highest rank that’s why nasa akin ang I.D name na XV7. Calvin was supposed to be the XV7 however binagsak niya ang dalawang examination. Wala siyang ginawa sa buong exam kundi tumayo. And still he ended up as XV4. Anyway, enough about XV and ZX. Bakit nag-aaway ng ganito ang dalawang ‘to? Ngayon ko lang kasi narinig na tumaas ng ganun ang boses ni Calvin kasi napaka-free ng personality niya at paliging nakangiti. And take note, tinawag niya si Vyrel sa buong pangalan nito.

“Pwede ba, Calvin?!! I don’t have time for this meaningless thing!” bulyaw ni Vyrel sa kanya.

“What?! Meaningless?! Meaningless na pala ngayon sa’yo ‘yun?! You were a VIRGIN for God’s sake!!”

Napahawak ako sa bibig ko nang marinig ko ‘yun. There was a moment of silence nang binitawan ni Calvin ang mga sinabi niya. And I felt like nasa isang napaka-awkward na situation ako dahil hindi nila alam na naririnig ko ang pinag-uusapan nila. Lalong humirap ‘yun nang dahil sa mga narinig ko. Sila Vyrel at Calvin ba? Parang hindi naman sila nasa ganung relationship. Maybe that was the reason kung bakit these past few days hindi ko nakikita si Vyrel. Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig kong magsalita na si Vyrel.

“J-Just..Just forget about it. We don’t know what we were doing that night. We were in the influence of alcohol that’s why it happened. So, please. Leave me alone.”

Ramdam ko na nahihirapan na si Vyrel magsalita pa dahil pumiyok na ang boses niya sa mga huling salita. Anytime by now, she could break down in tears pero pinipigilan niya lang dahil andyan si Calvin.

“Vyrel.” Frustration was traced in his voice when he spoke of her name. “We should talk this over again. Kung ikaw, kaya mong kalimutan ‘yun, ako, hindi!” After he said those words, he stormed out of the room. Parang feeling ko nga muntikan nang masira ang pinto, eh.

Nang makaalis na si Calvin, dun na tuluyang humagulgol si Vyrel. And I am seriously in a situation na hindi ko alam ang gagawin ko. Then, bigla siyang nagsalita.

“Jen, I know you’re in there.” HUH???!!! Alam niyang andito ako? Kaya lumabas na lang ako.

“How did you know?” awkward kong tanong sa kanya.

“Your cellphone?” tsaka niya tinuro ‘yung phone ko na nakacharge sa isang outlet. “Hindi mo kaya kayang lumabas na hindi dala ‘yang cellphone mo.” Dagdag pa niya habang sinusubukang ngumiti.

“You know, you shouldn’t force yourself. H’wag kang ngumiti kung di mo kaya.” I patted her head.

Mahaba at nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kwarto namin. She tried to break the silence pero she can’t find the right words to say.

“So, ano ba kasing pumasok sa kokote mo and you made out with that guy?” Nang sinabi ko ‘yun, napatingin siya sa’kin at parang iiyak na naman. Napabuntong-hininga na lamang ako.

“Okay. I know. I know. You were under influence of alcohol and..” naputol ang sasabihin ko kasi bigla siyang tumayo.

“It wasn’t like that! Yes, we were under the influence of alcohol at nagpadala kami pero hindi ko pinagsisisihan ang nangyari at ‘yun ang problema ko, Jen! Damn that virginity! ‘yon ang concern ni Calvin, eh. At ayoko nun, Jen! Nababaliw na ba ako?”

Imbis na maramdaman ko ang frustration ni Vyrel, halos matawa pa ako nang biglang nag-iba aang expression niya from crying to poker face nang tinanong niya kung nababaliw na ba sya.

“Kaya ka nagkakaganyan dahil mahal mo si Calvin, ano?” Bigla siyang natahimik nang sinabi ko ‘yun. “And you are so frustrated kasi ang main concern niya ‘yung virginity mo na isinuko mo sa kanya instead na sa’yo mismo.”

Tumango lang siya na parang bata. We’re at the same age. Pero mas matanda talaga si Vyrel sa akin ng ilang buwan pero parang ako pa ang ate sa aming dalawa.

“Eh, ba’t naman kasi uminom-inom pa kayo?” Tumayo na rin ako at sinuot ko ang jacket na nakalapag sa bed ko. Aalis na sana ako nang magsalita si Vyrel.

“Just to drown myself because of the mission.” She sternly looked at me.

“What’s with that look?” tinawanan ko na lang ‘yung sinabi niya at nagsimulang maglakad patungo sa door.

“So, what’ll you do? Hayaan siyang mamatay? Hindi ka na ba talaga concerned sa kanya?” Tuloy-tuloy na pagtatanong niya sa’kin.

“He’s an agent. He can handle himself. Besides, wala rin naman tayong choice.” Binuksan ko na ang pinto nang may pahabol pa na sinabi si Vyrel.

“Wala tayong choice kasi nasa XV division tayo. Pero kung nasa ZX ka ba Jen, can you sacrifice yourself for him?”

“I don’t love him that much.” Tipid at walang emosyon kong sagot kay Vyrel.

Nang makalabas na ako sa room. Nangilid ang bumubuong luha sa mga mata ko.

I don’t love him that much. Parang binalik ko lang sa alaala ko ang salitang binitiwan ko kay Vince para lang layuan niya ako.

I don’t love you enough to stay with you. Nagsasawa na ako sa relasyon natin, Vince. Let’s end this.

Nang makarating na ako sa lobby, parang wala ako sa sarili sa naglalakad dahil tumatak at binalik ng alaala ko ang break-up namin ni Vince.

“Jenika?”  A familiar voice called me. It’s very familiar na halos magwala sa kakatibok nitong pasaway kong puso.

MISSION (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon