Target 9

12 10 0
                                    

Target 9

Zyron

Devane’s POV

Kahit naiinis ako kay Edcarl, miyembro pa rin siya ng team at isa rin siyang agent kaya hindi talaga maiiwasang mag-alala ako sa kanya. Pero kailangan ko munang kalimutan ang scene na ‘yun. Right now, my priority is Dylan. Ako ang sumunod sa kanya. Mas mabilis kasi ang patakbo ko ng motorbike kaysa kay Kirk. Sila kasi ni Cole ay ibang ruta ang tinahak. Delikado ang ginawa nilang paghabol sa nakabaril kay Edcarl. Dalawa kasi ang sakay nun at ang babaing nasa likod ang bumabaril. Idagdag pa ang babaing miyembro ng Assassins na si Scarlet. Tsk.

Malayo-layo na ako ngayon sa main highway pero kitang-kita ko pa rin si Dylan from my place. I decided to decelerate nang marinig ko ang order ni Kirk na bumalik na kami sa main HQ mula sa aking earpiece na suot. Pero nagulat ako sa biglang pagliko ni Dylan. God! He’s driving towards me. Before I could pull out my gun one-handedly, tinigil niya ang motorbike niya at agad na inasinta ang wheels ng motorbike na gamit ko.

“Shit!” Nawala ang control ko dito kaya’t tumilapon na ako ng di oras. Luckily, hindi masama ang mga sugat na natamo ko. (Nagdurugo lang naman ang noo ko.) I was fighting myself not to faint. Ang sakit kasi nang pagkakabagsak ko sa daan. Sementado kaya ang binagsakan ko. Buti na lang at may jacket ako at nakapantalon kaya wala ako masyadong galos.

Before I could even stand properly, may biglang humigit sa braso ko. It was the guy who’s responsible for this. Tinututukan niya ako ng baril at kinalakadkad patungo sa isang abandonadong building. Dahil pakiramdam ko ay hinang-hina na ako, kahit anong pagpupumiglas ang ginawa ko ay walang epekto kay Dylan.

Nang makarating kami sa rooftop ng nasabing building, binitiwan niya agad ako but he’s still pointing his gun to me. Hinhawakan ko ang nagdurugong noo ko to stop the bleeding that way at pilit na tinitingnan siya pero hindi ko magawang iangat ang mga mata ko sa kanya. My eyes are already failing me. Gustung-gusto na nitong pumikit dahil hilong-hilo na ako at ang sakit-sakit nan g buong katawan ko. Grabe lang nga siguro ang fighting spirit ko kaya nasa kaisipan pa rin ako hanggang ngayon.

“You are Devane Ayl.” Panimulang sabi ni Dylan na may pagkamangha sa tono ng boses niya. Why the heck? Bakit siya naaamaze?

“And you are a Zyron, too.” Doon na ako biglang napatingin sa kanya. Kanina hindi ko ‘yun magawa pero parang magic word lang ang salitang ‘Zyron’ na nagpawala sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Bakit niya alam? Papano niya alam na isa akong Zyron? Ang mga nakakataas lang sa ACZ ang nakakaalam nun.

“How? How did you know that?!”

“You’re alive.” Tumindig ang balahibo ko ng makita ko ang ekspresyon niya. He looks so relieved, happy but also sad. Hindi ko malaman but his smile was so familiar to me. Parang naiiyak na rin ako sa nararamdaman ko. I felt like I found one of the people whom I’ve lost. Napaatras ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan. I get it how he knew that I am an Ayl dahil may apelyido na nakalagay sa tagiliran ng jacket ko. Pero papano niya nalaman na isa akong Zyron?

“How did you know that I am a Zyron?!” nagsisigaw na ako na parang baliw dahil frustrated na frustrated na ako. I felt betrayed by my feelings dahil sa mga bagay na hindi ko maintindihan ngayon.

MISSION (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon