Target 3

26 10 0
                                    

Target 3

Meeting the Target

Jenna’s POV

“Jenika?”I literally froze when I heard him call my name. Napako yata ang paa ko sa sahig. Pamilyar na pamilyar pa rin sa’kin ang boses niya. Galing sa likuran ko ang boses at hindi ko magawang tumalikod para matingnan kung sino nga ba ‘yun. Kasi para sa akin, hindi na kailangan dahil alam ko at alam ng puso ko na si Vince talaga ang tumawag sa pangalan ko. Pero naglakas loob akong harapin siya at halos madurog ang puso ko nang makita na may kasama siyang babae na nakalambitin pa na parang unggoy at nakabalot na parang ahas sa braso niya.

“Oh! Vince! Nakabalik ka na ng Melga? Kelan pa? How are you? Bakit ka andito? Girlfriend mo?” Parang nakailang tanong ako dun, ha?

Natawa pa siya dahil sa sunod-sunod kong tanong. “Oo, nakabalik na ako kaya nga ako nandito sa harap mo, di ba?” sarkastiko niyang sagot. “Last week pa ako andito sa Melga and I am absolutely fine, I just came by to say Hi kay Vyrel, asan ba siya? Tinawagan ko siya kahapon at binigay niya ang address ng hotel na ‘to. And, oh! This is Devane, my one and only girl bestfriend.” Dagdag pa niya.

Parang nabunutan ng tinik ang puso ko nang marinig ang magic word na ‘bestfriend’ mula sa sariling bibig ni Vince.

“Hi, I’m Devane Ayl. And you are?” tanong ng babae sa akin. Amplastik, ha? Kitang-kita ko sa ngiti niya. At hindi pa siya naglahad ng kamay. Tiningnan niya pa talaga ako head-to-toe. What’s her deal ba?! Bahala ka! Patarayan tayo, Miss!? Sige!

“Jenika Narrine Martinez”tipid kong sagot.

“You are who to Vince?” talagang sa akin niya pa tinatanong ‘to? Eh, parang alam na naman niya, eh. Nanggagalaiti na ako sa inis. Oo, alam ko, nagseselos ako pero ang ugali ng babaeng ito ang di ko matanggap, eh. She is showing friendliness pero mababasa mo naman, as in napakatransparent na hindi iyon sincere at pinaplastikan ka lang. She is maybe better from those backstabbers kasi harap-harapan ka niyang sinasaksak, indirectly nga lang, pero kahit na! I just don’t like her. Period!

“So?”dagdag niya pa kasi ang tagal kong sumagot. Nagmamadali lang? May pupuntahan, ‘te?

“I am his bitchy ex-girlfriend! So, excuse me. I have to go.” Hindi na ako nakapagpigil at ‘yun ang lumabas sa bibig ko. Narinig ko pang tinawag ako ni Vince habang nagwalk-out ako papalayo sa kanila at lumabas ng hotel pero dinedma ko na lang ‘yun. Bahala sila sa buhay nila ng bestfriend niyang ‘yun! Bestfriend daw. Tse!

Devane’s POV

I am his bitchy ex-girlfriend!

I was taken aback by her words. Hindi ko kasi iniexpect na ganun ang isasagot niya. Akala ko pa nga magiging awkward ang atmosphere at sasabihin niyang bestfriend siya ng kapatid ni Vince o di kaya friend siya ni Vince but ‘the bitchy ex-girlfriend’, I did not see that one coming. Hindi ko talaga inexpect na ganun niya i-introduce ‘yung self niya. And she seriously acclaimed herself as a bitch. What confidence! Na-amaze at na-amuse ako bigla sa pag-uugali niya. Ganito pala ang babaing gumayuma kay bestfriend.

“Uy! Parang naestatwa ka dyan! Nagulat ka, no?” then, he smirked. Para atang proud na proud siya sa ginawa ng ex niya.

Kinalas ko ang pagkakapit ko sa braso niya at umupo sa receiver’s area ng hotel. Sinundan din naman ako ni Vince dun at umupo rin siya.

“Iba rin kasi ang trip ng ex mo. Kaya ka nga nagkakaganyan kasi she’s one of a kind.” Nabuntong hininga na lang ako nang di oras.

MISSION (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon