Target 10
Into the Enemies’ Den
Devane’s POV
Ito na yata ang pinakamalas na araw ko. Pagkagising ko, sinabihan lang ako ng doctor ng pinagdalhan sa akin nina Kirk at Cole sa pinakamalapit na clinic na my gun is confiscated because of acting recklessly at maghintay lang daw ako dahil susunduin naman daw ako nila. But I was just so pissed off, umalis ako ng clinic, ignoring the shout of the doctor behind me. Wala na nga akong baril, wala pa akong cellphone. Nakakabwisit talaga. Sa sobrang inis ko, binuhos ko ang galit sa nakita kong lata sa daan at sinipa ito ng ubod ng lakas pero bullshit may natamaan ako ng di sinasadya
Kaya heto ako ngayon, tumatakbo nang tumatakbo sa abot ng aking makakaya dahil buhay ko ang nakasalalay dito. Ba’t naman kasi ako napadpad sa kanto na puro mga mamamatay tao yata ang nandun.
I seriously don’t know what to do anymore. Sugatan ako. Pagod na ako sa kakatakbo. Maybe, I should just give up. Nang biglang…
BOOOOGGGSSH!!
Peste! Sino naman ba kasi ang walang hiyang haharang-harang sa daan? Buhay ang nakataya ngayon dito! At ayoko pang mamatay ngayon kahit noong una medyo atat na akong mamatay but not this way. NOT THIS FREAKING WAY!
Nang tumingala na ako para tingnan kung sino ang nakabunggo sakin, kahit nasa sahig pa ako, parang ayoko nang tumayo. Nanlalabot halos lahat na mga buto sa katawan ko. It’s DYLAN! Dylan as in DYLAN KLEIV CYDER! Ang bwisit na sniper ng The Assassins at ang dahilan kung bakit sugatan at minamalas ako ngayon!
“Are you okay, babe? Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nagpunta?”
What?! Ano daw? Babe? Sino? Luminga-linga pa talaga ako at nang marealize ko na, nahulog na talaga ang panga ko. Habang inaalalayan niya akong tumayo, para pa ring tumigil ang oras ko. Buffering…. Ang tagal mag-sink in ng lahat.
Nang nagising na ako from being frozen, narealize kong wala na ang mga humahabol sa akin. At, OH EM GEE! Bakit ako nakahawak sa kamay niya. Agad ko iyong binawi. At tinapik ko pa talaga ang kamay ng tumulong sakin. Wala talaga akong utang na loob, no? Che! Syempre! Kalaban kaya namin ang Dylan na ‘to.
“Easy. What are you doing here?” He asked me while shaking his left hand to ease the pain. ‘Yung left hand niya kasi ang tinapik ko.
“It is none of your business. So, don’t just butt in. I can handle them by myself.” Aba! Napakawalang hiya ko talaga! Susmaryosep! Taray to the max, Devane. Napataas ang isang kilay ni Dylan nang sinabi ko ‘yun.
“You could have died, you know.” Pakshit! At sinabi niya talaga ‘yun with worried look! Ano ‘to bolahan? Hoy Dylan, ‘wag kang ganyan! Napaawang sandali ang bibig ko nang marinig ko iyon.
“I know. Just leave me alone.” Pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako at naglakad palayo upang humanap ng taxi.

BINABASA MO ANG
MISSION (ON-HOLD)
Ficción GeneralLove, friendship, family, trust, loyalty. Ano ang mas mahalaga sa'yo? But all of them are disregarded because of one single thing, the truth. This is a story of people who have sacrificed everything in order to know the truth of what really happened...