Target 8
Allies and Enemies, Assemble
Devane’s POV
Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman kong tumutunog ang cellphone kaya I searched for it. Hindi naman kasi huminto sa pagri-ring. Sino ba naman kasi ang tatawag sa akin ng ganito kaaga? ‘yun ang tinatanong ng utak ko. I answered my phone without even checking the caller i.d.
“Hello!” padabog kong pagbati.
“Devane! Asan ka na ba? We called you so many times pero hindi ka sumasagot! Damn! Vince is missing at kanina pa kaming madaling araw naghahanap sa kanya! Do you know where he is?” Hindi nagregister sa utak ko kung ano ang pinagsasabi nitong kausap ko and I don’t even recognize her voice. Pero I get it when she said that Vince is missing! What the fvck? Anong oras na ba? Napamura ako ng malakas when I saw the time displayed sa wristwatch ko. It’s already freaking 8:45am!
“Nasan na kayo? Have you checked his place? Their house? O di kaya sa sementeryo?” natataranta kong pagtatanong sa kabilang linya.
“Sementeryo? Bakit naman kami pupunta dun?” Napamura ulit ako. Vince never visited the cemetery pagkatapos mamatay ng mga magulang nito. He was just not ready yet. At ayaw niyang pinag-uusapan ang mga magulang niya. At hindi alam ng ibang mga agents sa patay na ang mga ito. It’s going to be his parents’ 3rd death anniversary next week. At ayokong maging death anniversary din ni Vince ‘yun!
“He is in that damn cemetery! Just get there as fast as you can! Susunod ako!” Bwisit! Bakit nagpunta siya dun ng mag-isa?! He knows that he’s being targeted. Gusto niya ba talagang mamatay?!
Nagmamadali akong nag-ayos at hinalungkat ang kwarto ko sa kung saan nakalagay ang baril ko. Damn! Bakit sa oras na kailangan ko ‘yon ngayon pa talaga mawawala?!
“Here’s what you are looking for.” Napasigaw talaga ako ng pagkalakas-lakas. One, I was shocked kasi sumulpot lang siya bigla, wala man lang babala. Two, dahil may ibang tao sa KWARTO KO! At three, si Rick, si RICK DELGADO ang taong nasa harap ko! Binigay niya sa akin ang baril ko na nasa likuran lang pala ng isang frame. I just gave him the angry look tsaka lumabas ng kwarto KO. Ako pa talaga ang unang umalis at iniwan siya dun sa KWARTO KO! Hindi ko napansin nasa likod ko lang pala siya sumusunod. May mala-hangin yata ang taong ito, pwedend-pwede nga talaga isama sa mga stakeout. Grabe, kahit ang mga yapak niya parang wala masyadong ingay. Ano siya? Lumulutang sa hangin?
Nakarating kami sa parking area at napansing isang kotse lang ang nandoon. I looked at him with what-the-fuck-look on my face pero ang gago poker face lang at pumasok ng dire-diretso sa kotse na ‘yun.
“What are you waiting for? Get in! Hurry up!” sinabi niya sa akin yun with authority in his voice at seryosong-seryoso ang mukha nito. Wala na rin akong nagawa but to jump in. Bwisit! Mas matanda ako sa lalaking ‘to, kahit buwan lang, pero hindi man lang ako ginagalang. Gaspang talaga ng ugali!
Ilang minuto lang ang nakalipas nasa sementeryo na kami. Grabe magpatakbo ng sasakyan ang lalaking ‘to, buwis buhay! Mabuti na lang talaga, at may sumapi sa aking santa at nag-seatbelt ako kanina.
BINABASA MO ANG
MISSION (ON-HOLD)
Художественная прозаLove, friendship, family, trust, loyalty. Ano ang mas mahalaga sa'yo? But all of them are disregarded because of one single thing, the truth. This is a story of people who have sacrificed everything in order to know the truth of what really happened...