Target 4

25 11 0
                                    

Target 4

The Team

Vince’ POV

“That actually took longer than expected.” Pambungad na bati sa akin ni Devane nang pumasok na ako sa kotse. I just smiled at her and apologized for the wait. Kitang-kita ko na kasi ang pagkainip sa mukha niya.

 “What’s wrong? You are grumpier than usual” I know I should not set fire to the gasoline but ang sarap lang kasing inisin ni Devane lalo.

“Colonel Denver called many times already. Nabibwisit na nga ako, eh. Ang tagal-tagal mo kasi sa loob. Ano ba kasing ginawa mo dun? Kumain ka pa siguro, ano?” Sasagot na sana ako sa mga tanong niya but she cut me off. “Anyway, let’s get going.”

Pagkadating namin sa office ni Col. Denver, lalong kumunot ang noo ni Devane dahil may nakita siyang hindi kaaya-aya sa kanyang paningin. Iyon ay si ACZ Agent Edcarl Cristopher Miranda. Devane truly hate this guy, ewan ko nga ba kung bakit.

“Monteverde” at may binigay sa black envelope sa akin si Colonel na may naglalamang files ng anim na agents including Devane and Edcarl. Magre-react na sana si Devane but mas naunang nagsalita si Edcarl.

“Unfortunately,  we are team members now, Vane.” Kulang na lang ay umusok ang tenga’t ilong ni Devane sa pagkainis. Para kasing forte nitong ni Edcarl ang inisin si Devane, eh.

Pinabayaan ko nang magtalo silang dalawa sa gilid at sinimulang tingnan ang ibang mga files. Col. Denver did not also mind what was happening behind me. Naging instructor na rin kasi namin si Col. Denver nang nasa academy pa kami at nasanay na rin siguro siya na sa tuwing magkikita ang dalawang ‘to, away na talaga ang kalalabasan.

Edcarl Cristopher Miranda,21, he specializes in close combat and knows different types of martial arts and as far as I know he’s the best at it. Matangkad siya and got a good build which is a product of his daily training routine. Pero ‘yun nga lang, wala rin sa forte niya ang word na kung tawagin ay “teamwork”, simula pa lang kasi noon, one-man team lang talaga si Edcarl at mailap rin siya. Worse is ginagawa niyang hobby ang pang-iinis kay Devane which is not good. Napabuntong hininga na lang ako, natawa na lang si Col. Denver sa reaksyon kong iyon.

“The worst is yet to come.” Parang kinabahan yata ako sa sinabi ni Col. Denver. Ni-resume ko na ulit ang pagbasa ng next one.

John Cole Enriquez, 21. Napangiti na lang ako nang makita ko ang file ni Cole. I’m thanking him to be a part of the team. Magkaibigan kami ni Cole. He’s a very easy-going type of person. Parang ako lang, palaging nakangiti. He specializes in driving. Magaling siyang driver sa kahit anong sasakyan. And if I’m not mistaken, magkakilala sila nina Edcarl at Xyrel simula pa lang nung bata pa sila.

Xyrel Beth Jefferson, 21. Mabait si Xyrel. Sobrang bait. Ewan ko nga ba kung saan niya hinuhugot ang kabaitan niya, eh. Hindi ko pa siya nakikitang magalit at napakalawak rin ng pasensya niya kaya na rin siguro naging specialization niya ang mga bomba, gunpowders at iba pang mga armas.

Jaira Xzen Creol, 20. I have never had the chance to befriend her. Nagkausap nga kami pero three or four times lang siguro. Palagi rin kasi siyang nawawala paminsan-minsan sa academy grounds. She is a hacker.

“Rick Benedict Delgado?” napasigaw yata ako sa pagkabigla nang makita ko kung sino ang huling member ng team. Col. Denver just gave me a hinting smile at natigil rin sa pag-aaway sina Edcarl at Devane. Agad pumunta sa tabi ko si Devane at hinablot niya sa akin ang file ni Rick.

“What?! Colonel! You’ve got to be kidding me! Alam mo naman ang history namin ni Delgado! Muntik na nga kaming magkamatayang dalawa, tapos nasa iisang team pa kami?!” sigaw ni Devane. I could see anger and frustration written all over her face.

MISSION (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon