Chapter 4: TMI

1.2K 26 11
                                    

Chapter 4

"Pass your papers now. 1,2,3"

Thank you Lord, muntikan nang maiwan yung papel ko, nag pasurpise quiz kasi si Sir, sa Algebra. Nung natapos na akong mag sagot, hindi ko napansin na natulala na pala ako. Nawala na lang ang pagda-daydream ko nang sumigaw si Sir.

Ilang araw na din ang lumilipas hindi pa din kami nagpapansinan ng katabi ko. Nabobored na nga ako eh, at nalulungkot. Mabuti pa doon sa Christian School lagi akong may kausap at lagi kaming may sharing ng word of God sa classmates ko.

Tuwing Values na lang ako nakakabawi kay Lord kapag nasa school ako, minsan nga nagpapa free time si Ma'am kasi hindi interested ang mga classmate ko sa subject. Hinahayaan na lang niyang magkwentuhan.

Nalulungkot ako kapag Recess, mag isa lang akong kumakain ng miryenda at walang lumalapit sa akin.

Habang kumakain ako nag babasa ako ng Bible, maganda kasing nagbabasa ng Bible eh. Ngayon malaking Bible na ang dala-dala ko.

"What the f***. Long hair." naririnig ko yung ibang tao na pinag uusapan ako sa likuran.

"Jologs. HAHAHA. Hindi ko ma-imagine ganyan ang style ko. Baduy!" and they continue laughing and laughing again, minsan naiiyak na din ako pero pinupunasan ko agad ito ng panyo ko. Wala din namang mangyayari kung iiyak ako. Hindi ko din masabi kila Mama at Papa yung tungkol dito, kasi ayaw ko silang malungkot para sa akin.

Ako na nga lang ang pinag-aaral, mag rereklamo pa ba ako? Lord, sana masanay na ako na ganito na talaga. Nasanay kasi ako noon sa school ko, na walang naleleft-out.

"HAHAHAHHA." tumungo na lang ako at pinunasan ang luha ko, wag sana nilang mapansin na umiiyak ako.

"WILL YOU STOP BULLYING HER?!"

"Zachary... Hindi naman siya ang pinag uusapan namin eh..."

"Oo nga, di naman siya --- " tatayo na sana ako sa upuan ko, balak kong bumalik na lang sa room dahil ayaw ko nang marinig ang pinag uusapan nila.

"DON'T FOOL ME! ALAM KONG ALAM NIYO NA SI SERAH ANG PINAG-UUSAPAN NIYO!" hindi ko na napigilan ang sarili ko, kahit ayaw kong makisali sa kanila at gugustuhin ko na sanang umalis. Tumayo ako at humarap ako doon sa mga girls. Hinawakan ko si Zac sa braso niya, natatakot ako na mapaaway siya.

"GET OFF YOUR HANDS!" biglang tinulak ni Zac ang kamay ko sa braso niya at nag tawanan sila Bethina sa akin.

"HEY! The five of you! Mag sorry kayo sa kanya! Kung hindi --- "

"Kung hindi ano?? Bakit ano mo ba siya? Girlfriend mo ba siya? Kung makaasta ka dyan parang may something sa inyo ha? Sabihin mo nga sa akin...Bumaba na ba ang level ng isang Hearthrob na ngayon ay nalulunod sa PERA dahil sa FAME? Illuminati ka lang naman --- "

*PAK

Nagulat ako sa ginawa ni Zac kay Bethina. Sinampal niya ito kaya napataob ang mukha nito sa lamesa.

"You don't have the right to accuse me!" pagkatapos noon, umalis na si Zac at naiwan ako sa harapan nila Bethina. Umiiyak siya, yung mga kaibigan niya ay katabi lang niya, pinupunasan ang luha at inaayos ang buhok.

"Ano pang tinatayo tayo mo dyan?! Dahil sa'yo galit na si Zac sa amin! b****!" tumungo na lang ako, pero nagulat ako nang may humigit sa wrist ko at napatakbo na lang din ako ng wala sa oras.

Bakit?

Nagtataka ako kung bakit tinutulungan niya ako, pero siya na mismo ang nagsabi sa akin na wag ko siyang kakausapin at parang pinapalabas niya na wag na akong lalapit sa kanya. Pero bakit ganoon? Ngayon hawak hawak niya ang wrist ko habang kami ay tumatakbo, naguguluhan ako sa kanya.

Cherish YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon