Chapter 20
"Ano ba ang misplaced modifier dito?" mahina kong bulong sa sarili ko. Kasi naman eh! Hindi ako nakinig kay Ma'am Santos nung dinidiscuss niya itong lesson sa English eh. Nakakaasar kasi si Travis, napapaisip tuloy ako kung jinojoke time lang ako noon.
Hayss ano ba naman ikaw Serah? Nagpapaniwala ka doon.
Tumingin ako sa katabi ko, wala na si Mishka, kinuha na ulit ni Dria. Nakakatuwa nga eh, talagang pumasok pa sa room namin si Dria para kunin si Mishka habang si Zac naman ay pulang-pula na sa kahihiyan. Pinabalik din naman kasi si Zac kahit may dala-dalang baby. Nagtawanan pa ang mga kaklase ko. Mabuti na lang hindi hinigh blood itong katabi ko.
"My wife found a photograph in the attic that Smith had given to Jones." eh mukha namang tama ang grammar nito ah? Hmmm. Bakit ba kasi hindi ako magaling sa English eh
"Ang ingay mo." napatingin naman ako sa katabi ko na nakatingin sa akin. Bakit ganoon lumakas ata tibok ng dibdib ko ng.. Aish! Ito munang Misplaced Modifiers iintindihin ko eh. Teka, ano sabi niya? Maingay ako? Hala..
"Naririnig mo ako?"
"Oo, sobra." napabalik ang tingin ko sa notebook ko. Nakakahiya, ang lakas pala ng bulong ko. Akala ko kasi hindi naman ako mapapansin nito.
Nang bigla siyang lumapit sa akin at tinuro yung sentence na nahihirapan ako.
"Intindihin mo lang yung sentence. May mali kasi sa grammar dyan eh. Yung 'in the attic' dapat ilagay mo siya sa unahan para magandang pakinggan. Tamo, In the attic, my wife found a photograph that Smith had given to Jones."
"Thanks.." bigla siyang napatingin sa akin. Feeling ko na naman kinakabahan ako. Kasi naman nakalean siya sa armchair ko sabay tingin sa akin. Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko.
"Class I have a good news to all of you!" napatingin kaming lahat sa harapan. Si Ma'am Fuentes kasi yung adviser namin pumasok na may malapad na ngiti sa labi niya. Tinaas niya ang kamay niya na may hawak hawak na mga papel. "-Bigay niyo ito sa mga Parents nyo. Kasi next week magkakaroon kayo ng Field Trip sa Baguio!"
Pagkasabing pagkasabi ni Ma'am about sa Field Trip nag sigawan ang mga classmates ko at nagtakbuhan kay Ma'am para makakuha ng papel. Yun siguro yung panawagan para sa Parents. Hayss, sasama ba ako? Bigla naman akong Inabutan ni Zac ng papel, nakakahiya kinuha niya pa ako.
October 12- 14, 2012 yung Field Trip sa Baguio. 3 days and 2 nights. Ang masaklap pa doon, tatapat siya sa Sabado na may Youth Worship kami tapos Sunday na may Mass kami. Hayss, God naman eh.. Hindi ko alam kung sasama ba ako. Gusto kong sumama sa Tour kasi hindi pa ako nakakapunta dyan pero may simba naman kami.
Naku, kakausapin ko na nga muna si Mama about dito. Kay Mama na lang ang desisyon, para hindi na ako mahirapan sa pag-iisip. Pero sana po Lord kung ano man ang maging desisyon ni Mama sana matanggap ko. Kasi kapag nag simba ako malulungkot ako kasi hindi ako nakarating sa Baguio. Kapag naman sumama ako sa Field Trip malulungkot ako kasi pinili ko ang kasiyahan ko kaysa kay Lord.
Lord, help me! 600 per head ang babayadan namin. Kasama na yung Transportation, Hotel at Food. Pocket money na lang ang dadalhin.
"Sasama ka?" tanong sa akin ni Zac.
"Hindi ko pa nga alam eh."
"Kapag hindi ka sumama, hindi na rin ako sasama." sabi niya, ano ba.. Heto na naman itong dibdib ko parang orasan na nag-aalarm.
"Aww, ang sweet naman..." napalingon ako sa harap ko at nakita ko si Bethina na nakangiti sa akin.
"Sasama ka?" tanong niya kay Zac. Tumingin siya sa akin pero inarapan niya lang ako. Minsan gusto ko na siyang tanungin bakit ganito ang pakitungo siya sa akin? Ano ba ang ginawa kong masama sa kanya at nagagalit siya sa akin. Wala naman akong ginawang masama sa kanya eh. Pero bakit ganoon? Pag ako ang nakikita niya wala na siyang ibang ginawa kung hindi tarayan ako, pag salitaan ng kung ano anong bagay na hindi naman magaganda.
BINABASA MO ANG
Cherish You
Teen FictionSerah Cristobal is not your typical girl. She devoted all her life in serving God. Until a turn of events, happened, her parents decided to transfer her to San Jose National High School during her last year, unaware of the changes that may come to h...