Chapter 19: Baby

938 17 7
                                    

Chapter 19

Be kind and compassionate to one another, forgiving each other, just as in Christ God forgave you.

Ephesians 4:32

"Miss.. Hoy.. Gising na.. Manang.. HOY!!! Bingi ka ba?!" bigla naman akong napadilat doon. Inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakaubob at nagulat ako sa nakita ko. 

"Ma'am?" mahina kong tanong.

"Aba oo, ako nga. Aba ineng, alas-sais na. Wala ka pa bang balak umuwi?" napatayo agad ako at nag ayos ng itsura. Nakakalat pa pala sa table yung mga libro na nahiram ko. Narealize ko lang, nakatulog pala ako dito sa Library. And, mabuti na lang hindi totoo yung mga napanaginipan ko. Thank you Lord! 

Nung nalagay ko na yung mga libro sa Book Shelf. Naalala ko yung Bag ko! Nasa room pa pala iyon, kaya bumalik pa ako sa Third Building. Mabuti na lang, may liwanag pa at hindi pa bumababa ang araw. Kung hindi matatakot na akong bumalik sa room sa sobrang dilim. Hayss, Serah! Ano ba itong iniisip mo? Hindi ka dapat matakot sa dilim! Ginawa ni Lord yan eh. Nabanggit pa nga yan sa Bible sa Genesis. 

Pagkakuha ko ng bag ko, lumabas na ako at nilock ang pinto. Naalala ko lang.. Nandoon pa ba siya? Usapan 3 o' clock , iyon ang oras ng uwian namin. Pero anong oras na ngayon 5:47 p.m na. For sure umalis na iyon... Sinong lalaki ang mag-aantay ng dalawang oras at higit pa? Sa movies lang iyon, pati imposible iyon. Si Zac? Maghintay? Hindi ko maisip.

Lumakad na ako sa Corridor.. Pero bakit ganoon? Nadadayo ang mata ko doon sa may Garden. Sadya bang reflex ko iyon? Oh talagang ginagawa ko doon? What if kung nandoon pa siya? Hayss, ano ba Serah! Umalis na nga siya. Mabuti na din yung umalis siya, para hindi mo na din marinig ang explanation niya.

Pero napag-isip isip ko na din eh. Tama si Mama, papatawarin ko na siya. Bakit ba ako magpapaka pusong bato? Siya na nga mismo ang umamin sayo pati nag sorry naman sa akin harap-harapan. Nag protest pa siya na i-aresto na siya. I think nagsisisi na din naman siya. I hope tama itong desisyon ko, kung hindi lang siguro sa panaginip kong iyon. Hindi papasok sa isip ko ang magpatawad. No one knows, kung hindi ko pa siya patawarin baka batuhin nga niya ako ng bato. Kidding!

Habang naglalakad ako at nag-iisip. Nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad patungo sa may Garden. Mabuti at may mga poste ng ilaw dito! Pagabi na kasi, lumulubog na ang araw. Thank you sa mga nagbabantay ng school na binubuksan ang ilaw ng maaga. God bless you! 

Lumakad ako sa pwesto kung saan kami umuupo ni Travis.

Ang ganda pala ng lugar na ito pag gabi ngayon ko lang na realize. Kasi sa likuran niya may mga bulaklak tapos dagdag pa yung mga ilaw na maliit na nandoon sa ibaba nito. Ang cute lang, umupo ako sa bench. At tinignan ang paligid... WOW. Ang liwanag!  

Ganito pala ang itsura ng school garden pag gabi? Naku, gagabihin ako nito. Parang ayaw pa kasing umalis ng paa ko eh. Pati ayaw pang matapos ang pagkamangha ng mata ko sa paligid.

"Maganda ba?" napalundag ako sa pagkakaupo ko. At napatingin sa gilid ko. Paano?? Bigla siyang umupo sa tabi ko kaya heto na naman kumakabog na naman ang dibdib ko. 

"Zac." ewan ko basta na lang siyang lumabas sa bibig ko. 

"Hmm?" ngumiti siya sa akin pero iniwas din niya at tumingin siya sa paligid.  "-ang ganda ng garden ng school ano?" 

Hindi ko naman magawang makasagot kasi habang tinitignan ko siyang nakatingin sa paligid at nakangiti parang ang peaceful niya. Hindi mo gugustuhin guluhin kung anong ligaya ang meron siya ngayon.

"I'm sorry." nakatingin lang ako sa kanya ng bigla siyang lumingon sa akin. Iniwas ko naman ang tingin ko. Nakaramdam ako ng hiya doon.. 

"-Kaya ko nagawang batuhin ka kasi naaasar ako. Hindi ba? Bago ka umalis noon, kinausap kita pero tinarayan mo ako. Maybe, yun din ang isa sa mga reasons ko. Naaasar ako kasi kay Travis maganda ang pakikitungo mo, pero sa akin hindi. Pati naisip ko lang, nagiging close kayo. Lagi kayong magkasama tuwing Lunch. Baka isang araw sabihin na lang sa akin ni Travis, 'Aalis na ako sa banda. Magsisimba na lang ko'. Mga possible na gawin ni Travis sa amin yan kaya I decided na batuhin ka.

Cherish YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon