Chapter 18: Bato

941 18 8
  • Dedicated kay Noime Negrillo
                                    

Chapter 18

After niyang sabihin iyon, hindi ko napigilan ang kamay ko at sinampal ko siya. Wala akong pakielam kung magagalit siya sa akin sa ginawa ko. Kulang pa nga ang pagsampal ko sa kanya eh. Dahil sa pagbato niya sa akin ng bato... Kamuntikan na akong mamatay... Nag 50/50 kaya ang buhay ko doon. 

"How dare you?!" sigaw ko sa kanya, kahit umuulan, tumakbo ako sa ulan. Kahit alam kong basa na din yung Project namin sa T.L.E. Ang sakit lang kasi, bakit nya ginawa sa akin yun? May ginawa ba ako sa kanyang masama? Wala naman akong alam na ginawa ko sa kanya, para gawin  niya sa akin iyon. Noon sabi sa akin ni Mama masama daw magalit kasi ang galit ay walang magandang patutunguhan. Pero hindi ko talaga kayang kontrolin ang sarili ko. 

Ikaw kaya ganunin ng isang tao hindi ka ba magagalit? Halos mapatay na niya ako doon. Anong kala niya sa ginagawa niya? Laro? Pwes, laro siya para makapatay. Yun ang lang ang masasabi ko. 

Pagkauwi ko sa bahay...

"SERAH?! ANONG NANGYARI SAYO?" gulat si Mama pagkapasok ko sa bahay. Sana wala si Papa ngayon o kaya si Kuya. Kasi kay Mama lang ako may lakas ng loob na mag-open up eh.

"Ma, k-kilala ko n-na.." maiyak-iyak akong sabihin ito kay Mama.

"Anong kilala mo na? Pati magpatuyo ka nga muna at magbihis ng damit! Baka sipunin o lagnatin ka pa eh!" sinigawan ako ni Mama sa pag-alala. Kaya iyon sumunod na lang ako, nung tapos na akong magpalit ng damit at magpatuyo. Bumababa ako, at natagpuan ko si Mama na nakaupo sa may sofa. Tila, malalalim ang iniisip.

"Ma..." 

"Nak, anong ibig sabihin mo na kilala mo na? Kilala mo na kung sino ang bumato sayo?" kita ko sa mata ni Mama ang pagiging seryoso nung tinatanong niya ako. Nag nod na lang ako at umupo sa tabi niya. Mabuti talaga wala si Papa at si Kuya.

"Hindi nga po ako makapaniwala na siya ang gumawa sa akin noon. Alam niyo ba Mama, siya na mismo ang umamin sa akin. Mabuti na din iyon sa kanya mag mula. Pero Mama ang sakit eh! Alam mo yun may---" hindi ko na napagpatuloy pa ang sasabihin ko kasi si Mama niyakap ako. Naiyak na lang ako habang nakayakap sa kanya... 

"Ma, galit na galit ako kay Zac! Gusto ko siyang suntukin, sipain... Urgh!!!" hinawakan ni Mama ang kamay ko, napatingin tuloy ako sa kanya.

"Nak, nasasaktan naman ako sa ginagawa mo. Wag mo akong kurutin." natawa naman ako doon kahit papaano. Pero nawala din saglit..

"Sorry Ma..."

"Anak, alam mo naman siguro yung sinabi ko sayo noon di ba?" nag nod ulit ako.  "--Wag ka ng magalit sa kanya. Oo nga't muntikan ka ng mamatay doon pero alam mo ba? Nung pinanganak ko kayo ng Kuya muntikan na din akong mamatay? Bakit ganyan ang itsura mo Serah? Hindi mo ba alam na connected ang buhay ng isang Ina na buntis sa pinagbubuntis niya? Nung pinanganak ko kayo, nag 50/50 din ang buhay ko. Pero nagalit ba ako sa inyo? Hindi di ba? Kasi mahal ko kayo." 

"-Ikaw bilang si Serah, sige ngayon galit ka sa kanya. Pero mawawala at mawawala din yan. Basta ang tandaan mo magpatawad ka anak. Hindi mo makakalimutan ang ginawa ni Zac pero dapat mag patawad ka. Si God nagpapatawad ikaw pa kaya? Pati di ba ang kwento ko sayo, hindi ako nagalit sa inyo dahil mahal ko kayo di ba? Kaya ikaw, hindi ka na din dapat magalit kasi dapat mahalin natin ang kapwa natin." 

"--Tska pag humingi siya ng sorry. Patawarin mo, give him a second chance."

"I'm very very sorry Serah." naalala ko na sinabi niya

Nod lang ako ng nod kay Mama, sa palagay ko mahirap gawin yung pinapagawa niya. Iba naman kasi ang kaso namin eh. Gusto ko ngang sabihin kay Mama kung pwede ilipat na lang ako ng school. Pero alam ko naman hindi siya papayag kasi hindi naman niya afford na pag-aralin ako sa Private kasi pinag-aaral din niya si Kuya.

Cherish YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon