Chapter 11: Flirt

984 16 2
                                    

Chapter 11

Nagising ako nang naramdaman kong may nagp-pat sa ulo ko. Pagkamulat ko ng mata ko. 

"Waah!"napasigaw ako bigla naman niya akong tinulak dahilan para mag-roll ako sa sahig, grabe ang lakas. 

"Shhhh.." sabi niya sa akin habang ang mata niya ay nag a-apoy na sa galit... naku Lord, kayo na po ang bahala sa eardrums ko... Pero mali ata ako ng akala.. "-wag kang maingay, halika, aalis na tayo dito sa room baka kung anong isipin nila." 

Tumingin naman ako sa paligid. Maliwanag na siguro mag si-six o'clock na. Tapos nasa rooom nga pala kami. Pero bakit kami lang? Tumingin ako sa kanya, kaya ko bang itanong sa kanya iyon? Naku, kinakabahan na ako sa isasagot niya. Gusto ko siyang tanungin bakit ako ang sinama niya dito? Bakit pumayag siya na matulog ako sa lap niya? Hindi ba siya mag rereklamo? At lalong lalo na... Bakit AKO? Pero baka sigawan niya ako.

"Anong klaseng mukha yan? Tara na nga..." before I knew it... hinila na niya ang kamay ko, para itayo ako,nakahiga pa din kasi ako tapos sa paghila niya sa akin. Hindi ko naiwasan hindi mapatingin sa mukha niya which make an awkward position ang lapit kasi. "--pssshh..." and we snuck out the room silently. 

Bumaba kami sa baba, pero laking gulat namin dahil pagkababa namin tulog ang lahat sa mga upuan. May gising man pero kakaunti. Then I met someone whose looking to us. 

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Tinignan ko naman ang sarili ko. May mali pala... 

Napabitaw ako sa kamay ni Zac, magkahawak kamay pa din pala kami. 

"Oh..." he said. Lumayo na ako sa kanya, ang sama kasi ng tingin sa akin ni Bethina, kahit malayo layo siya, nakita niya pa din kami. Tinignan ko ang cellphone ko 5:55 na at may message.

From: Mama

Nandito na ako sa may gate. 

Pagtingin ko kung anong oras tinext ni Mama iyon. Hala, 5:00 a.m.. Dali-dali akong tumakbo doon sa gate and I found my mom, asleep while sitting. Lumapit naman ako sa kanya.

"Uy, Serah... Ikaw ha di ka nagsasabi may boyfriend ka na pala!" naku, kala ko tulog si Mama, tapos nakita niya kami ni Zac na magkasama. Lagot ako! 

"Ma, hindi ko boyfriend iyon!" pagtatanggol ko sa sarili ko, napaka imposible talaga.

"Eh ano mo siya manliligaw? Bakit magkasama kayo? Uyyy, umamin ka na kasi.."

"Ma, imposible talaga! Pati never na magkakagusto iyon sa akin at syempre ako din dahil kung magkakagusto man ako sa isang lalaki. Sisiguraduhin ko ng Christian iyon!" 

"Joke lang naman iyon anak, syempre gusto ko din ganoon nga maging boyfriend mo.. Siya tara na..." tinap na lang ni Mami yung ulo ko at umalis na kami para umuwi sa bahay. 

* * * 

3 Days ng nakakalipas ang Acquaintance namin pero iyon parang ang topic sa room namin. Naku, bukas na pala ang Exam namin. Nandito pala ako sa room nakatingin lang ako sa mga classmate ko na nagkwe-kwentuhan, naglalaro, nagtetext at marami pang iba. Nakalimutan kong dalhin yung Bible ko wala tuloy akong magawa. Wala din akong makausap kasi as usual tulog ang katabi ko. 

"Serah!" napalingon naman ako sa pintuan at nakita ko na kumakaway si Travis sa akin. Tumayo na ako para pumunta doon ng napansin kong nagbubulungan ang mga classmates ko including Bethina. HIndi ko na lang sila pinansin..

"Oh?" tanong ko sa kanya, ano kayang binabalak nito? 

"Bukas na exam natin, remember the bet?" Bet??? Hmmm...  "-kinalimutan mo na ako, sige na nga dahil malakas ka sa akin sasabihin ko na..." 

"Naalala ko na!" kapag naperfect niya yung exam may dare siyang ipapagawa sa akin, alam ko namang imposible niyang maperfect lahat ng iyon lalong lalo na yung mga Major pero possible pa din kasi Pilot Section siya. Tapos, kapag di niya naperfect... Ako ang magd-dare sa kanya.

"Ano deal?" tanong niya sa akin. Syempre..

"Deal." ngumiti naman siya ng nakakaloko, hala bakit pumayag ako? Kung sakaling manalo siya... Anong dare ang ipapagawa niya sa akin?

Lord, kayo na po bahala sa akin basta ako wala akong binabalak na masama kay Travis. Gusto ko lang siyang maisama sa Church namin kung sakaling mananalo ako.

"Let's shake hands, for the sign of approval." nilahad naman sa akin ni Travis ang kamay niya. Kukunin ko na sana yung kamay niya ng biglang may dumaan sa aming harapan.

"Bastusan pare?!"  sigaw ni Travis kay Zac.. Ano na naman kaya problema noon? Bigla naman siyang lumingon sa amin. Hindi ako sigurado kung nakatingin ba siya sa akin or kay Travis...

"Siguraduhin mong walang katarantaduhan yang mga dare-dare mo Travis. Malilintikan ka sa akin!"  bago mag sink sa utak ko ang mga sinabi niya, tumakbo na si Zac at hinabol naman ito ni Travis. 

Dare? Malilintikan daw si Travis? Is it.... He cares for me? 

Haysss, ano ba itong iniisip ko? HIndi pwede hindi maari! Dapat yung exam na bukas ang intindihin ko at hindi ito!

"Nababaliw ka na ba?" bigla naman akong napatingin sa babaeng nasa gilid ko -- Bethina. Mag-isa lang siya.

"Huh?"

"Paano ba naman, para kang tanga diyan na shinashake ang ulo. Kulang na lang iuntog mo sa pader. Want a help?" hindi ko na lang siya pinansin, I bowed my head instead.

"Alam mo, ang flirt mo." bigla akong napatingin sa kanya, ngumiti lang siya sa akin pero alam ko hindi maganda ang ngiting iyon. "-hayss, ang boring mo. Hindi ka man lang lumalaban no wonder kaya type ka ni Travis or Zac. Kasi you're so defenseless if ever na magkagusto ka sa isa kanila. They will play your heart and torn it to pieces. Weak ka kasi." 

Sa mga narinig ko hindi ko alam kung totoo ang mga sinasabi niya, wala akong idea. Posible nga siguro na gawin sa akin iyon ni Travis or Zac kaya malapit sila sa akin. It may be one of the reason. Pero hindi ko talaga masisikmura kung mangyayari iyon. Nakakapanlambot. 

"I'm not lying Serah. I knew the Switch for so long. Marami na silang ginanyan noon, sayo lang talaga ang matagal na proseso dahil iba ka sa amin." and after that she left... 

Hindi ko na napigilan ang sarili ko... Tumakbo ako sa mga Science Laboratory doon lang ang alam kong place na walang tao. Nang nakarating na ako doon, I burst out in tears. 

Lord masama na ba akong tao? Bakit kailangan kong magdaan sa ganito? Tanggap ko na, na wala talagang gustong makipag kaibigan sa akin pero sana naman wag ganito. Yung kakaibiganin ka ng ibang tao dahil may binabalak sila sayo.

"Uy, Si Serah ba iyon? Yung magaling kumanta" napalingon ako sa may pintuan at may ibang students ang nakatingin sa akin. Hindi ko pala nasarado yung pintuan. Bigla naman silang pumasok. HIndi ko pa ata sila nakikita.

"Bakit ka nandito Serah? Ayy, Ate pala. Freshmen lang kasi kami eh." dalawang babae at isang lalaki ang nasa harapan ko ngayon. Siguro kung wala akong pinagdadaanan ngayon tuwang-tuwa ako kasi kinakausap nila ako pero hindi eh. Naalala ko na naman yung sinabi ni Bethina sa akin. You're so defenseless... Ang weak mo kasi ... 

"Ate Serah okay ka lang?" i-cover my face with my hands. Ang sakit ng dibdib ko, hindi ako makahinga...

"SERAH!!!" kahit nahihirapan akong huminga, I tried to look on the person who called my name.

 Bakit siya pa?

Cherish YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon