S P E C I A L Chapter

525 12 0
                                    

Special Chapter 

 Author's Note: May convo sa Epilogue na ikakasal na dapat sila Bethina that is only a fiction di ba gumawa nga ng libro si Serah? Bahala na kayong umintindi nito. 

Bethina's Standpoint

"Akalain mo yung dalawa nagkatuluyan din after ng napaka habaaaaaaang taon." sabi sa akin ng nerd kong boyfriend. Well, kumalat na ang balita. Yung bonggang plano ni Zac na proposal kay Serah eh nauwi na lang sa loob ng kwarto. Unexpected things happen nga naman. 

Hayss, nakipagdebatihan pa ako sa kanya kung saan ang romantic place for proposal tapos doon lang nauwi. Eh hayaan ko na nga ang mahalaga umoo si friend. Hayss bakit ba ako nafrufrustrate?

Eh kasi ang tagal na namin ni Travis di pa rin nagpropropose. May balak ba itong pakasalan ako? Yung mga classmates namin may pamilya at anak na. Tapos yung mga kasama ko sa office ganoon na din tapos yung friend ko papunta na din doon. Ano ito ako na lang ang single sa grupo?!

"Bethina!" sigaw niya sa akin.  Malayo layo na pala siya sa akin. "Okay ka lang ba?"

Hindi ako okay, ayaw mo akong pakasalan

"Ah oo" tapos lumakad na ako papalapit sa kanya. Pauwi na kasi kami ngayon ihahatid niya ako sa condo ko. Walking distance lang naman kasi yung condo from office. Bigla ba naman umakbay sa akin. Tinignan ko siya ng masama at inalis yung braso niya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko.

"Pagod ako ang bigat pa ng braso mo" 

"Ganoon ba" tapos binaba niya yung braso niya at plinace sa baywang ko. Hayss. 

Pagkarating namin sa condo hinagis ko na lang sa sofa ang bag ko, tinanggal ang sapatos at nagpalit ng damit into pantulog sabay higa sa kama ng nakadapa. Nakakapagod. 

"Tsk tsk tsk ang girlfriend ko matutulog ng walang laman ang tiyan"

"May girlfriend ka pala?" bigla siyang umupo sa kama at pinaglaruan ang buhok ko.

"Anong sinasabi mo dyan? Galit ka ba sa akin kasi nalate ako ng sundo sayo? Sorry na..." tapos humiga na din siya sa tabi ko at niyakap ako.

"Doon ka sa kabilang kama" tulak ko sa kanya. Dalawa ang kama dito sa kwarto kasi minsan nakikitulog si Travis dito ayaw ko naman siyang katabi baka anong mangyari kaya iyon nagpadagdag pa ako ng isa pang kama. Dapat sa kabilang kwarto siya matutulog pero sabi niya gusto daw niyang kasama ako eh ako rin naman kaya ganito na lang ang set up namin. Okay lang naman sa kanya. 

Dahil malakas siya, I ended up hayaan na lang siyang yakapin ako. Frustrated pa rin ako sa Marriage thingy na yan. He keeps on cuddling me tapos ako parang istatwa lang na minsan tinitignan sya at mayamaya ipipikit na din ang mata.

I feel sleepy na din kasi. Bukas na lang ako kakain.

"Dito ka ba matutulog?" tanong ko habang nakapikit

"Oo namiss kita eh" sabay kiss sa noo ko. Yeah namiss ko din naman siya nagpunta kasi siya ng Davao, nadestino ng 1 week. tapos ngayon na nga lang kami nagkita late pa siya.  

Cherish YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon