Chapter 6
Ang sakit na naman ng ulo ko, ang kulit ko naman kasi sabi ng magpahinga ako, lumabas pa ako ng bahay. Ang masama pa doon umulan ng malakas, kahit malapit ang bahay namin. Nabasa pa din ako, kasi biglaan talaga.
Nalulungkot ako sa nakita ko. Hindi pa ako sure kung totoo nga iyon pero may sign eh. May necklace siyang hugis pyramid or triangle na may isang mata sa gitna. Naikwento lang sa akin iyon nung kaibigan ko sa Christian School.
Hindi ako nakapag youth worship nung Saturday. Mass at Song Lead nung Sunday. At di rin ako nakapasok sa school for 2 Days. Nilalagnat kasi ako eh, I wonder kung kamusta na yung Advice Column namin. Gusto ko nang magbasa ng mga problems eh.
***
Maaga akong pumasok para maka catch up sa mga lectures or activity na hindi ko nagawa. Kala ko nga walang magpapahiram sa akin ng notebook mabuti na lang meron. Pinahiram ako nung isang kaibigan ni Bethina, siya si Maris. Oh kaya siguro pinahiram niya ako eh dahil wala pala sila Bethina?
Habang nagsusulat ako at kinokopya yung mga lectures, nag dadatingan na din yung iba naming classmate. Kumakanta ako ng Shout to the Lord ng mahina kasi naboboring ako at para maaliw ako habang nag susulat.
Pero nagulat ako nung nagsigawan lahat ng mga classmate ko.
"OMG."
"Woah!"
"TOTOO BA "TONG NAKIKITA KO?"
"GRABE!!"
Kahit ako nagulat din, kasi sabay pumasok si Bethina at Zac sa classroom. Magkaholding hands yung dalawa, kaya nagsisigawan ang mga classmates ko. Hindi ko makita ang mukha ni Zac dahil nakatungo siya. Si Bethina naman ay nakangiti. Para silang mga celebrity.
Pero nagtataka ako, sila ba? Kasi noong isang linggo parang mag kaaway sila. Hayss, dapat di ko na intindihin ito, dapat kong intindihin itong mga namiss kong lesson.
Habang nagsusulat ako, nasa isip ko pa din si Zac. Ewan ko ba kung bakit. Sila ba? Gusto kong itanong pero wala akong karapatan gawin iyon. Hindi ko din pwedeng tanungin yung mga classmate ko dahil baka kung ano ang isipin nila sa akin.
Nagklase na kami, dumating na din kasi si Ma'am Fuentes - Values time. Pero parang may napansin ako.
Wala akong katabi.
Tumingin ako sa harap ko, nasa tabi siya ni Bethina at nakita ko na lang na tumabi sa akin si Maris. Nagpalit sila ni Zac ng upuan.
"Hi." natutuwa ako kasi pinapansin niya ako pero, bakit ganoon? Dapat maging masaya ako dahil may pumapansin pero parang may parte sa akin na nalulungkot. Ngumiti na lang ako sa kanya at tumingin na ako sa harapan.
Magkatabi si Bethina at Zac. Pero nakaubob pa din si Zac, natutulog na naman ba siya?
Buong klase ata nakatingin lang ako sa likuran niya tinitignan ko ang buhok niya ang polo niya ang balikat niya.
"HOY!" lumingon ako sa katabi ko na si Mariz.
"-Kanina pa kita kinakausap, parang wala ka sa sarili mo ah? Ayy, kamusta ka na pala? Nalaman ko yung nangyari sayo nung friday eh."
"Eto okay na."
"Ang tipid mo namang magsalita, no doubt kaya binubully ka." hindi ko na lang siya sinagot, nakita ko kasi si Zac na nagising na, at hinawakan ni Bethina yung ulo niya. So magkatapat na ang faces nila.
Nag-uusap sila pero hindi ko naririnig dahil siguro mahina lang iyon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit ganito ang feeling ko? Never ko pang naranasan 'tong feeling na 'to.
BINABASA MO ANG
Cherish You
Teen FictionSerah Cristobal is not your typical girl. She devoted all her life in serving God. Until a turn of events, happened, her parents decided to transfer her to San Jose National High School during her last year, unaware of the changes that may come to h...